JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
‘VATICAN FOUNTAINS’ IPINASARA NI POPE FRANCIS BILANG PAKIKIISA SA TAGTUYOT SA ITALY

BY: CESSCA GARCES

SINIMULAN NA NG VATICAN ANG PAGPAPASARA NG KANILANG SIKAT NA ‘VATICAN FOUNTAINS’ NA UMAABOT SA HALOS 100 DAHIL SA NANGYAYARING KRISIS NG TAGTUYOT SA ITALY.  
 
AYON SA VATICAN RADIO, ITO AY ISA RING HAKBANG KAUGNAY SA TURO NI POPE FRANCIS UKOL SA PAGPAPAHALAGA NG KALIKASAN. 
 
KABILANG SA IPAPASARA NG VATICAN AY ANG DALAWANG OBRA NG BAROQUE AT ANG MGA FOUNTAINS NITO SA KANILANG HARDIN. 
 
SA PANAYAM KAY GREG BURKE, TAGAPAGSALITA NG VATICAN, ITO RAW ANG UNANG PAGKAKATAON NA NANGYARI ITO SA KASAYSAYAN NG VATICAN. 
 
PERO PALIWANAG NI BURKE, ITO ANG PARAAN NG VATICAN NA IPAKITA ANG PAKIKIISA AT PAKIKIDAMAY SA ROME SA PANAHON NG KRISIS. 
 
"THIS DECISION IS VERY MUCH IN LINE WITH THE POPE'S THINKING ON ECOLOGY: YOU CAN'T WASTE AND SOMETIMES YOU HAVE TO BE WILLING TO MAKE A SACRIFICE," AYON KAY BURKE.
 
NOON PA MAN, SA KANYANG “2015 ENCYCLICAL”, AY IPINAHAYAG NA NI POPE FRANCIS ANG KANYANG TAKOT SA ISYU NG KALIKASAN AT PANGARAL UKOL SA PAGTULIGSA SA MALING GAWI AT PAGBIBIGAY IMPORTANSYA SA PAG-INOM NG MALINIS NA TUBIG. 
Read 1322 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.