JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PANIBAGONG NUCLEAR TEST, REGALO NG NORTH KOREA SA AMERIKA
BY: MATTHEW ESCOSIA | 8 TRIMEDIA NEWS TEAM
 
NAGKAROON NG ISANG NUCLEAR MISSILE TEST ANG NORTH KOREA, KASABAY ANG SELEBRASYON NG 4TH OF JULY INDEPENDENCE DAY NG U.S.
 
AYON SA ULAT NG NORTH KOREAN NEWS AGENCY NA KCNA,  ANG TEST AY ANG PINAKAUNANG MATAGUMPAY NA INTERCONTINENTAL BALLISTIC MISSILE TEST, AT ISA DAW ITONG REGALO GALING KAY NORTH KOREAN LEADER KIM JONG-UN PARA SA MGA TAGA-U.S.
 
SAMANTALA, NAKIPAG-MEETING NA ANG MGA OPISYAL NG U.S. AT UN SECURITY COUNCIL PARA PAG-USAPAN ANG ISSUE. 
 
NANINIWALA SILA NA ANG POSIBLENG TAMAAN NITO AY ALASKA.
 
AYON KAY SECRETARY OF STATE REX TILLERSON, ANG BINALITANG TEST AY NAGREREPRESENTA NG ISANG MAS MAPANGANIB NA THREAT SA PAGITAN NG NORTH KOREA AT BUONG MUNDO. 
 
KAILANGAN DIN DAW MAGSAGAWA NG GLOBAL ACTION PARA MAIWASAN ANG THREAT NA ITO NA PWEDENG MAAPEKTUHAN ANG IBANG BANSA BUKOD SA U.S.
 
SA PAMAMAGITAN NAMAN NG TWITTER, KINWESTYON NAMAN NI U.S. PRESIDENT DONALD TRUMP KUNG MAYROON DAW BANG IBANG MAGAGAWANG MAS MAGANDA SI KIM JONG-UN BUKOD DITO. 
 
ANG MISSILE NA TINEST AY ISANG HWASONG-14 ICBM (INTERCONTINENTAL BALLISTIC MISSILE). ISA ITONG LONG-RANGED MISSILE NA NAGDADALA NG NUCLEAR WARHEAD, AT KAYANG LUMIPAD HANGGANG SAMPUNG LIBONG KILOMETRO.
Read 225 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.