JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PILIPINAS AT FRANCE, NAGKASUNDONG MAGSAGAWA NG DIYALOGO AT KONSULTASYON SA ISYU NG DEFENSE COOPERATION

Isang Defense Cooperation Agreement (DCA) ang nilagdaan ng Pilipinas at France sa pangunguna ni Defense Secretary Voltaire Gazmin at French Ambassador Thierry Mathou.

Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang 2 bansa ng high-level dialogues and defense policy consultations. 

Papayagan din ang pagbisita ng matataas na opisyal ng militar at magsasagawa rin ng pagsasanay ang mga sundalo ng France at Pilipinas tungkol sa gamit pang-militar ng 2 bansa.

Ayon sa Department of National Defense, napapanahon ang kasunduang ito lalo't parehong nahaharap ngayon sa hamong pangseguridad ang Pilipinas at France.

Bukod sa usaping pangseguridad, mapapalakas din ang Defense Agreement ng France at Pilipinas ang kanilang humanitarian assistance and disaster response na magagamit ng 2 bansa sa panahon ng kalamidad. 

Read 3994 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.