JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Business

NAITALANG DEFICIT, IPINALIWANAG NG BANGKO SENTRAL

Ipinaliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang naitalang deficit o pagkukulang sa tinatawag na balance of payment (BOP) nitong Oktubre.

Sinabi ni BSP Deputy Governor for Monetary Stability Sector Diwa Guinigundo, ang deficit ay sanhi ng pagbabayad sa foreign debt o utang sa labas ng public sector.

Ayon pa kay Guinigundo, nitong Oktubre ay tumaas ang demand sa foreign exchange para bayaran ang requirements sa pag-angkat o importasyon at private foreign debt payments sa harap ng magalaw na merkado.

Pero inihayag ng BSP na kasalukuyang nirerebyu ang BOP sa nakaraang buwan para sa posibleng rebisyon sa harap ng mga bagong developments partikular sa huminang exports pero lumakas na OFW remittance, matatag na BPO revenue at magandang foreign investments.

Ang BOP ay tawag sa record ng mga naganap na economic transactions sa pagitan ng mga mamamayan ng bansa at sa mundo sa isang takdang panahon.

Ito ang kabuuang halaga ng ibinayad papasok at palabas mula sa isang bansa, halimbawa sa loob ng isang buwan.

Magugunitang matapos ang pitong buwang surplus, nakapagtala ang BOP ng $183 million deficit noong nakaraang buwan mula sa tinamasang surplus na $117 million hanggang Setyembre.

 

Read 2885 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.