JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SC: WALANG BATAS NA PUMIPIGIL SA PAGHIHIMLAY KAY DATING PANG. MARCOS SA LIBINGAN NG MGA BAYANI

Pinayagan na ng Korte Suprema na tuluyan nang mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos. 

Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te, sa botong 9-5, hindi pinaboran ng Korte Suprema ang mga petisyon kontra sa Hero's Burial ni dating Pang. Ferdinand Marcos.

Ibig sabihin, maaring ipagpatuloy ang planong paghihimlay kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kabilang sa siyam na mga bumoto pabor sa pagbasura sa petisyon ay sina Associate Justices Arturo Brion, Presbitero Velasco Jr., Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Jose Perez, Teresita de castro, Jose Mendoza at Estela Perlas-Bernabe. 

Ang limang mahistrado naman na pumabor sa inihaing mga petisyon ay sina Chief Justice Maria Lordes Serreno, kasama sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Justices Marvic Leonen, Francis Jardaleza at Alfredo Benjamin Caguioa. 

Ayon sa SC, walang batas na pumipigil sa paghihimlay kay Marcos sa naturang libingan.

"There is no clear constitutional or legal basis to hold that there was grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction which would justify the Court to interpose its authority to check and override an act entrusted to the judgement of another branch." pahayag ni Te.

Hindi rin daw na-convict ang dating Pangulo sa mga kasong may kinalaman sa 'moral turpitude'.

"Marcos not dishonorably discharged from service; not convicted by final judgement of moral turpitude," dagdag pa ni Te.

Hindi rin sang-ayon ang Mataas na Hukuman sa posisyon ng ilang mahistrado at mga petitioners na 'dishonorably discharged' ang dating Pangulo.

"The Supreme Court disagreed Marcos was "dishonorably discharged," saying the disqualification only pertains to the military." ayon pa kay Te.

Binigyang bigat ng hukuman na si Marcos ay naging pangulo ng bansa, naging kalihim ng Depatment of National Defense, naging Senate President, naging sundalo na lumaban noong World War II at isang medal of valor awardee. 

Ang desisyong ito ay ikinatuwa at ipinagpasalamat ng pamilya Marcos at ng mga tagasuporta nito.

Read 6699 times Last modified on Tuesday, 08 November 2016 18:44
Tagged under
Share this article

About author

Infinity Admin

Email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.