JoomlaLock.com All4Share.net

World

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

WALA PANG NATATANGGAP NA ULAT ANG KONSULADO NG PILIPINAS SA AMERIKA NA MAY PINOY NA NADAMAY SA LAS VEGAS MASS SHOOTING KAHAPON.

AYON KAY CALIFORNIA VICE CONSUL DYAN KRISTINE MIRANDA-PASTRANA, NAKIKIPAG-UGNAYAN NA SILA SA MGA OTORIDAD SA LAS VEGAS PARA ALAMIN ANG KALAGAYAN NG NASA 120,000 REHISTRADONG MGA PINOY DOON.

AYON PA KAY PASTRANA, KARAMIHAN SA MGA PINOY NA NA NAROROON AY MGA HEALTHCARE WORKERS AT NAGTA-TRABAHO SA MGA OSPITAL NA NAGSILBING FIRST RESPONDERS SA MGA BIKTIMA NG INSIDENTE.

KALMADO NAMAN UMANO ANG MGA PINOY DOON NGUNIT AMINADO ANG MGA ITO NA TALAGANG NAKAKABAHALA ANG NATURANG INSIDENTE.

SA NGAYON, PATULOY NILANG MINO-MONITOR ANG SITWASYON DOON UPANG MATIYAK ANG KALIGTASAN NG MGA PILIPINO NA NANINIRAHAN DOON.

NAGPAABOT NAMAN NG PAKIKIRAMAY ANG DFA SA PAMILYA NG MGA BIKTIMA SA PINAKAMALALANG MASS SHOOTING INCIDENT SA KASAYSAYAN NG AMERIKA.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING MAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MATALAKAY NG MGA MAMBABATAS NA KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASEAN NATION ANG PROBLEMA SA TERORISMO AT ILIGAL NA DROGA SA GAGANAPING 38TH ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) SA SEPTEMBER 14 HANGGANG 20, 2017 SA LUNGSOD NG MAKATI.

ITO ANG IKA-TATLO AT CULMINATING EVENT NG AIPA NA ANG NAGHO-HOST AY ANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PANGUNGUNA NI AIPA PRESIDENT SPEAKER PANTALEON ALVAREZ.

ANG PHILIPPINE CONGRESS DIN ANG NAG-HOST NG AIPA INTERFACE NOONG NAKARAANG ABRIL AT NG AIPA FACT-FINDING COMMITTEE (AIFOCOM) NOONG JULY NA NAGLALAYONG LABANAN ANG PROBLEMA NG DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY DEPUTY SPEAKER AT ISA SA KASAPI NG EXECOM NG TASKFORCE AIPA RANEO ABU, MAAARING MATALAKAY SA AIPA GENERAL ASSEMBLY ANG SMUGGLING NG DROGA MULA SA TSINA DAHIL SA OBSERBASYON NA KARAMIHAN SA ILIGAL NA DROGA SA BANSA AY NAGMULA SA TSINA TULAD NG P6.4 BILYONG SHABU SHIPMENT.

ANG PAGTALAKAY UMANO NITO AY MAAARING HUMANTONG SA PAGTUTULUNGAN NG PILIPINAS AT TSINA PARA MA-CONTROL ANG DRUG SMUGGLING AT TRAFFICKING.

AYON PA KAY ABU, MAHALAGA AMANO ANG INFORMATION SHARING SA PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS SA ASEAN REGION, KATUNAYAN MAY MGA BANSA NA LUMAGDA NA NG BILATERAL AGREEMENT TULAD NG BORDER SECURITY AGREEMENT SA PAGITAN NG MYANMAR AT THAILAND.

KASAMA RIN SA TATALAKAYIN AY ANG PATULOY NA BANTA NG TERORISMO SA REHIYON.

SAMANTALA, INAASAHANG DADALO SA 38TH AIPA GENERAL ASSEMBLY AY ANG MGA MAMBABATAS MULA SA BANSANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAOS PEOPLES DEMOCRATIC REPUBLIC, MALAYSIA, MYANMAR, PILIPINAS, THAILAND, SINGAPORE AT VIETNAM.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

WALA PANG NAIULAT NA PINOY NA NASUGATAN O NASAKTAN SA PANANALASA NG HURRICANE IRMA SA US STATE SA FLORIDA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA) SPOKESPERSON ROBESPIERRE BOLIVAR NA NAUNA NA NILANG PINAYUHAN ANG MGA PINOY NA NAGTATRABAHO AT NANINIRAHAN SA FLORIDA NA SUMUNOD SA ADVISORY NG ESTADOS UNIDOS.

AYON PA KAY BOLIVAR, BAGO MAG-WEEKEND AY PINAYUHAN NA NI FLORIDA GOV. RICK SCOTT ANG MGA RESIDENTE NA MAG-EVACUATE BAGO PA MAN ANG POSIBLENG PAGTAMA SA KALUPAAN NG HURRICANE IRMA.

NABATID NA TINATAYANG 150,000 PILIPINO ANG NANINIRAHAN AT NAGTATRABAHO SA NASABING STATE.

SA NGAYON, PATULOY NA MONI-MONITOR NG DFA ANG SITWASYON SA FLORIDA KASABAY NG PAGTITIYAK NG TULONG SA MGA NAAPEKTUHANG PILIPINO DOON.

SAMANTALA, WALA PA RING NAITALANG PINOY NA NADAMAY SA PAGYANIG NG MAGNITUDE 8.1 NA LINDOL SA MEXICO.

HANDA NAMAN UMANO ANG EMBAHADA NG PILIPINAS SA NASABING BANSA UPANG ALAMIN ANG SITWASYON NG MGA PILIPINO SA MGA ESTADO NG CHIAPAS AT OAXACA NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG LINDOL.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: CESSCA GARCES l 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

ISANG WALANG ULONG BANGKAY ANG NATAGPUAN SA KARAGATAN NG DENMARK NA NATUKOY NG KAPULISAN NA SI KIM WALL, ISANG SWEDISH NA MAMAMAHAYAG NA NAUNA NANG NAIREPORT NA NAWAWALA NOONG AGOSTO 10.

AYON SA COPENHAGEN POLICE, TUMUGMA ANG DNA NI KIM WALL SA NATAGPUANG KATAWAN NA WALANG ULO.

NAKITA NG KAPULISAN NOONG AGOSTO 21, LUNES, ANG BANGKAY NA WALANG BRASO, BINTI AT ULO NA ANIMOÝ SADYANG PINUTOL.

HULING NAKITANG BUHAY SI MS. WALL NOONG AGOSTO 10 LULAN NG ISANG SUBMARINE KASAMA ANG IMBENTOR NA SI PETER MADSEN.

NAPAG-ALAMANG NAGSASALIKSIK ANG MAMAMAHAYAG TUNGKOL SA SUBMARINE AT SA IMBENTOR.

MULA NOON,  HINDI NA NAKABALIK SI MS. WALL KUNG KAYA’T INIREPORT NA ITO NG KANYANG KASINTAHAN SA OTORIDAD.

BASE SA REPORT, NAWALA ANG SUBMARINE NOONG ARAW NG PAGLAYAG NITO AT NAMATAAN LANG ITO NOONG AGOSTO 11  KUNG SAAN KAAGAD NA NAILIGTAS SI MR. MADSEN BAGO PA ITO TULUYANG LUMUBOG.

ILANG ORAS BAGO LUMUBOG ITO AY NAGSASAGAWA NA NG PAGHAHANAP KAY MS. KIM WALL.

SA UNANG PANAYAM KAY MR. MADSEN, SINABI NIYANG LIGTAS NIYANG NAPABABA MULA SA KANYANG SUBMARINE SI MS. WALL MALAPIT SA COPENHAGEN, NGUNIT KINALAUNAN, AY INAMIN DIN NIYANG NAMATAY ANG TATLUMPUNG TAON GULANG NA MAMAMAHAYAG SA ISANG AKSIDENTE AT ITO AY KANYANG HINULOG SA KARAGATAN.

NANINIWALA ANG KAPULISAN NG DANISH NA SINADYANG ILUBOG NI MR. MADSEN ANG 40-TONNE VESSEL NA MARIIN NAMANG NIYANG ITINANGGI.

INARESTO ANG SI MR. PETER MADSEN ANG KINASUHAN NG NEGLIGENT MANSLAUGHTER.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: CESSCA GARCES l 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

KINAGAT NG OSO ANG ISANG TURISTA SA CHINESE DRIVE-THROUGH WILDLIFE PARK.

AYON SA REPORT, NAGLILIBOT ANG BIKTIMANG SI MR. CHEN KASAMA ANG KANYANG KAIBIGAN SAKAY NG KOTSE SA WILDLIFE PARK.

KAHIT MAY MGA BABALA, LAKAS LOOB NA SINUBUKAN NG DALAWA NA PAKAININ ANG MGA OSO DAHIL NA RIN SA NAKITA NG MGA ITO ANG IBA PANG TURISTA NA NAGPAPAKAIN SA MGA HAYOP NANG WALANG NANGYAYARING MASAMA.

ISANG OSO ANG LUMAPIT SA KANILANG BINTANA AT NANG SINUBUKAN NI MR. CHEN NA ISARADO ITO, ITO AY NAGLOKO AT IMBES NA TULUYAN ITONG SUMARA AY MAS BUMUKAS PA ANG BINTANA NG KOTSE. SINUNGGABAN NG OSO SI MR. CHEN SA LOOB AT SAKA KINAGAT ANG KALIWANG BALIKAT NITO.

AGAD NAMANG NAKAWALA SI MR. CHEN SA KAGAT NG OSO AT MABILIS NA HUMANAP NG TULONG MEDIKAL. NALITRATUHAN NG KAIBIGAN NI MR. CHEN ANG NANGYARI NA PINOST NITO AT AGAD NAMANG KUMALAT SA MEDIA NG CHINA.

IPINAG-UTOS NA NG LOCAL NA OTORIDAD NA PAIGTINGIN PA ANG SEGURIDAD NG PARKE KASAMA NA RIN ANG PAGLILIMITA NG BILANG NG MGA BUMIBISITA.

MATATANDAANG NOONG NAKARAAN TAON, NAGKAROON RIN NG INSIDENTE KUNG SAAN LUMABAS SA KANILANG SASAKYAN ANG MAG-INA AT INATAKE ANG MGA ITO NG MGA TIGRE NA SIYANG DAHILAN NG PAGKASAWI NG INA.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NAISUMITE NA NG PHILIPPINE CONSULATE SA GUAM ANG CONTINGENCY PLAN NITO SA DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA) HINGGIL SA BANTANG PAMBOBOMBA NG NORTH KOREA SA NASABING ISLA.

SA PANAYAM NG DZRJ, SINABI NI CONSUL GENERAL MARCIANO DE BORJA NA KABILANG SA KANILANG CONTINGENCY PLAN AY ANG EVACUATION NG TINATAYANG NASA 34,000 NA MGA PILIPINONG NANINIRAHAN O NAGTA-TRABAHO SA GUAM.

MAGSISILBI DIN ANIYANG PANSAMANTALANG EVACUATION SHELTER ANG MISMONG TAHANAN NI DE BORJA SA GUAM KUNG SAAN ANG BASEMENT NITO AY PUNO NG MGA SUPLAY PARA SA MGA PILIPINO.

KAUGNAY NITO, INIULAT RIN NI DE BORJA NA INAPRUBAHAN NA NG GOBYERNO ANG REKOMENDASYON NA ITAAS ANG STATUS SA IKALAWANG ALARMA O BLUE ALERT ANG KANILANG PAGHAHANDA.

SAMANTALA, PINASINUNGALINGAN NAMAN NG CONSUL GENERAL ANG ULAT NA NAGKAKAROON NA NG PANIC BUYING SA NASABING ISLA.

ANIYA NANANATILING NORMAL PA ANG SITWASYON SA MGA PAMILIHAN DOON.

 

Page 1 of 39