JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DUGONG ALAY, DUGTONG BUHAY NG DZRJ 8TRIMEDIA MATAGUMPAY

By: Jojo Sicat

NAGING MATAGUMPAY ang dugong alay dugtong buhay ng DZRJ 8TriMedia blood letting project na inilunsad kahapon sa Philippine Airforce Gymnasium sa lungsod ng Pasay.

Tumagal ng walong oras ang naturang proyekto ng 8trimedia upang makatulong sa mga mahihirap na kababayan na nangangailangan ng dugo para sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

Mahigit sa 156 katao ang nag-aalay ng kanilang dugo na dinaluhan ng mga tauhan at personnel mula sa Philippine Airforce, Philippine Navy, Bureau of Jail and Management, Bureau of Fire Prevention, Philippine Marines, Philippine Coast Guard at QCPD police force.

Sa pangkalahatan umabot sa 300 katao ang participants subalit hindi panayagan ng doctor ang ilan dahil sa mataas ang blood pressure at ang ilan wala sa kundisyon ang kalusugan.

Umabot naman sa 100 tauhan ng PAF ang participants, 30 naman sa BJMP, 10 sa PN at Philippine Marines, 30 sa BFP, at 10 sa hanay naman ng QCPD na pinamumunuan ni P/Guillermo Eleazar at 30 sa Philippine Coast Guard.

Kabilang rin sa kaakibat ng 8 trimedia sa dugong alay dugtong buhay blood letting project ay ang pamunuan ng Adventist Medical Center sa pangunguna ni Dr. Goldy Hernandez, National kidney Hospital sa pangunguna ni Dra. Aldin Legaspi, at PAF General Hospital sa pangunguna nila Dr. Joseph Rene Hellare , at Dr. Antonio Narasinga Tamayo.

Hindi magiging matagumpay ang naturang blood letting project kung wala ang tulong mula kay PAF Cornel Tony Francisco ang head ng PIO ng PAF at kay Cornel Arthur Cordura Deputy wing commander 520th airbase wing.

Read 778 times Last modified on Friday, 20 January 2017 06:58
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.