JoomlaLock.com All4Share.net

Tennis

SERENA WILLIAMS HANDA NA PARA SA US OPEN

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Tiniyak ni Patrick Mouratoglou na nasa magandang kondisyon na si Tennis World No. 1 Serena Williams sa pagsisimula ng US Open.

Sinabi ng coach ni Williams na gumaling na ang kanang balikat nito na naging sanhi ng pagkatalo noong Olympics at ang hindi pagsama nito sa Cincinnati tournament.

Pero paliwanag niya, hindi 100% ay kaya nitong makipagsabayan.

Target ng U.S. tennis star na makuha ang ika-pitong kampeonato sa nasabing torneo.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Ang tennis stars na sina Roger Federer at Rafael Nadal ay planong mag-team up bilang doubles partners para sa Laver Cup sa susunod na taon.

Layunin ng Laver cup na ilaban ang grupo ng mga tennis player mula Europa sa grupong mula naman sa iba’t ibang panig ng mundo.

Magaganap ang unang edisyon ng Laver cup sa O-2 arena sa Prague sa September 2017.

Sina Federer at Nadal ang dalawa sa mga unang nagkumpirma na maglalaro sa nasabing tennis tournament.

MGA FANS SA RIO, NAGSUNTUKAN SA TENNIS MATCH

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Ikinalungkot ni Argentine tennis player Juan Martin del Potro ang nangyaring gulo sa pagitan ng mga fans ng Brazil at Argentina sa kalagitnaan ng tennis match.

Ayon sa ulat, rinig na rinig ang pag-boo ng mga Brazilian fans kay del Potro makaraang talunin niya ang pambato ng Portugal na si Joao Sousa sa score na 6-3, 1-6, 6-3 pati na ang World's number 1 tennis player na si Novak Djokovic

Nanumbalik nanaman ang tensyon sa pagitan ng magkaribal na South American countries.

Umaasa naman ang manlalaro na hindi na ito maulit dahil mas mainam kung mage-enjoy na lamang ang mga audience sa laro at magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Argentina at Brazil.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Walang kahirap-hirap na nasungkit ni Andy Murray ang kanyang ikalawang titulo sa Wimbledon matapos talunin si Milos Raonic sa score na 6-4, 7-6(7-3) 7-6(7-2).

Dahil dito, naputol na ang sunud-sunod na pagkatalo ni Murray sa major finals kabilang ang Australian Open at French Open ngayong taon.

Si Murray ang kauna-unahang British tennis player na nakuha ng multiple Wimbledon title.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Hindi makakalaro si two-time champion si Rafael Nadal sa Wimbledon dahil sa wrist injury na siyang dahilan din ng kanyang pag-retire sa nakaraang French Open.

Sa kanyang Facebook post, inanunsyo ni Spaniard Tennis superstar na matapos ang konsultasyon sa doktor at ilang medical checks ay pinayuhan siyang huwag munang mag-participate sa itinuturing na pinakaprestihiyosong Grand Slam tennis tournament.

Dagdag pa ng World No. 4, ikinalulungkot niya ang pag-atras sa tournament ngunit ang kanyang injury ay kailangan ng mas mahabang panahon para gumaling.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Aapela ang tennis star na si Maria Sharapova sa Court of Arbitration for Sport (CAS) matapos tuluyang suspendihin nang dalawang taon dahil sa paggamit ng meldonium bago ang Australian Open.

Base sa ruling ng independent three-person panel na in-appoint ng International Tennis Federation (ITF), hindi intensyon ni Sharapova na mandaya pero responsable pa rin ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon naman kay Sharapova, hindi makatarungan ang dalawang-taong suspensyon dahil hindi niya sinasadyang labagin ang anti-doping rules.

“While the tribunal concluded correctly that I did not intentionally violate the anti-doping rules, I cannot accept an unfairly harsh two-year suspension. The tribunal, whose members were selected by the ITF, agreed that I did not do anything intentionally wrong, yet they seek to keep me from playing tennis for two years. I will immediately appeal the suspension portion of this ruling to CAS, the Court of Arbitration for Sport,” ani Sharapova.

Maaalalang noong Marso ay pinatawan ng provisional suspension ng ITF ang five-time Grand Slam champion matapos ianunsyo sa Los Angeles na bumagsak ito sa doping test noong Enero.

Iginiit ni Sharapova na hindi niya alam na ipinagbawal na ng World Anti-Doping Agency ang paggamit ng mga atleta ng meldonium na ginagamit na niya sa loob ng 10-taon.

Page 1 of 3