JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
IRAQ BASKETBALL TEAM, MAKA-DEHADO KAYA SA GILAS PILIPINAS?

BY: JOVAN DORIA

NAKA-TISOD ANG IRAQ BASKETBALL TEAM NANG TALUNIN NILA ANG HOST TEAM QATAR SA DAY 2 NG FIBA ASIA CUP, ANG TANONG, KAYA BA NILA ULIT ITONG GAWIN SA GILAS PILIPINAS NA KANILANG MAKAKALABAN MAMAYANG GABI, (9PM ORAS SA PILIPINAS).

MATATANDAAN NA ANG HULING LABAN NG IRAQ AT GILAS AY NOONG NAKARAANG WILLIAM JONES CUP SA CHINESE TAIPEI. SA LABAN NA IYON, DALAWANG PLAYERS NG GILAS ANG NAWALA SA HARDCOURT, DAHIL SA ANKLE SPRAIN AT SA TECHNICAL FOULS DAHIL SA MATINDING LABANAN NG DALAWANG KOPONAN.

MALAKI ANG KUMPYANSA NG IRAQ VASKETBALL TEAM NA SILA ANG TATALO SA GILAS PILIPINAS AT ASAHAN DIN ANG AGRESIBO AT PISIKAL NA LABANAN TULAD NANG NANGYARI SA JONES CUP KAMAKAILAN LANG.

PANGUNGUNAHAN NI COACH MUSTAFA DERIN ANG TEAM IRAQ KASAMA ANG NATURALIZED PLAYER NITO NA SI KEVIN GALLOWAY NA HINDI NAKITANG NAGLARO SA JONES CUP. SI GALLOWAY AY ISANG MALAKING PWERSA SA TEAM IRAQ NA NAGPAKITANG GILAS SA FIBA ASIA CHALLENG NOONG 2016 AT SA WABA CHAMPIONSHIP 2017. ISA SIYANG WINGMAN AT MAARI DIN MAGLARO SA PWESTONG SMALL-BALL POWER FORWARD.

INAASAHAN NA SI GILAS TEAM CAPTAIN GABE NORWOOD ANG BABANTAY KAY GALLOWAY, MATATANDAANG SI NORWOOD DIN ANG NAGPAHIRAP KAY ZHOU PENG NG CHINA, NGUNIT MAS MABIBIGYAN NG MAHIRAP NA TRABAHO SI NORWOOD DAHIL SA MAS AGRESIBO, MALAKAS AT VERSATILE SA PAGLALARO SI GALLOWAY.

AYON SA MGA BASKETBALL ANALYSTS, MALAKING BAGAY ANG MAGIGING PARTE NG 3-POINT SHOOTING. MAY MALAKING KALAMANGAN ANG GILAS PILIPINAS SA DEPARTAMENTONG ITO NA MAY 59% FIELD GOAL PERCENTAGE LABAN SA CHINA. KUNG HINDI ITO MAPIPIGILAN NG TEAM IRAQ, SIGURADONG LALAYO NG HUSTO ANG GILAS PILIPINAS. NGUNIT KUNG MALASIN SA 3-P0INTS ANG GILAS AY MAGIGING SAKIT NILA NG ULO ITO DAHIL LAMANG ANG SA REBOUNDS ANG TEAM IRAQ LALO NA AT WALA ANG MGA KEY CENTERS NG GILAS NA SILA ANDRAY BLATCHE AT JUNE MAR FAJARDO.

Read 128 times Last modified on Saturday, 12 August 2017 13:52
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.