JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GILAS PILIPINAS NILAMPASO ANG TEAM IRAQ, 84-68

BY: JOVAN DORIA

INILAMPASO NG GILAS PILIPINAS ANG TEAM IRAQ SA SCORE NA 84-68 SA FIBA ASIA CUP 2017 NA GINANAP SA BEIRUT, LEBANON.

SA UMPISA NG LARO AY TILA KINAKALAWANG PA ANG MGA PLAYERS NG GILAS DAHIL KITANG-KITA NA HIRAP SILANG MAKA-PUNTOS AT SA KANILANG MGA TURNOVERS. NAGING PAHIRAPAN DIN SA FIRST HALF ANG REBOUNDS PARA SA MANLALARO NG PILIPINAS KASAMA PA ANG PISIKAL NA LARO NG MGA IRAQI.

NAGING MAGANDA NAMAN ANG LARO NG MGA IRAQI SA PANGUNGUNA NANG KANILANG NATURALIZED PLAYER NA SI KEVIN GALLOWAY NA HINDI NAGPAHINGA SA TATLONG QUARTERS NANG LARO. LUMAMANG LAMANG NANG ISANG PUNTOS ANG GILAS PILIPINAS MATAPOS ANG DALAWANG QUARTERS.

PAGDATING SA SECOND HALF AY TILA NAG-INIT NA ANG KOPONAN NG GILAS. NAGING MAGANDA ANG IKOT NG BOLA, TUMAAS ANG FIELD GOAL PERCENTAGE PATI NA RIN SA REBOUND DEPARTMENT. NANGUNA SA PAG-ATAKE ANG FIL-GERMAN NA SI CHRISTIAN STANDHARDINGER (16 PTS) NA PINAHIRAPAN ANG MALALAKING KALABAN NA IRAQI. SINUNDAN NAMAN ITO NG SUNOD-SUNOD NA PUNTOS NI TERRENCE ROMEO (17 PTS) AT ANG MALA-KANDADONG DEPENSA NI GABE NORWOOD NA NAGPATAHIMIK SA IMPORT NG IRAQ NA SI GALLOWAY.

DAHIL SA PANALONG ITO NG GILAS, SILA NGAYON ANG NAGUNGUNA SA GROUP B AT SA LINGGO, MULING SASABAK ANG GILAS PILIPINAS AT MAKAKALABAN NAMAN NILA ANG BANSANG QATAR.

Read 198 times Last modified on Saturday, 12 August 2017 13:55
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.