JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ANG PANGAKO NI TERRENCE ROMEO

BY: JOVAN DORIA

TAHIMIK SA BUS SI TERRENCE ROMEO HABANG PATUNGO ANG KOPONAN NG GILAS PILIPINAS BASKETBALL TEAM SA NOUHAD NAWFAL SPORTS COMPLEX SA LEBANON KUNG SAAN GAGANAPIN ANG INAABANGANG KOMPETISYON NG MGA MAHUHUSAY NA MANLALARO SA ASIA PARA MAKASAMA SA DARATING NA OLYMPICS.

MEDYO IBA ANG MOOD NIYA KUMPARA SA NAGDAANG ARAW KUNG SAAN NAKIKIPAG BIRUAN SIYA SA KANYANG MGA KAKAMPI. NGUNIT SA PAGKAKATAONG ITO AY NAKAUPO LAMANG SIYA HABANG NAKA-HEADPHONES SA BUONG ISANG ORAS NA BYAHE NG BUS.

AYON KAY ROMEO, HABANG PAPUNTA SILA SA LEBANON, SA EROPLANO AT BUS AY NAKIKIPAG-KULITAN SIYA AT NAKIKIPAG-BONDING SA KANYANG MGA TEAMMATES, PERO SA LIKOD NG KANYANG ISIPAN, ISANG ARAW BAGO ANG ACTUAL NA LABAN SA CHINA AY WALA ITONG IBANG INIISIP KUNDI AY KUNG PAANO SIYA MAGHAHANDA AT MAGIGING MABUTING MANLALARO LABAN SA KOPONAN NG MGA INTSIK.

DALA PA DIN NI ROMEO ANG BANGUNGOT NOONG HULI NILANG NAKALABAN ANG CHINA, SA PAREHONG LIGA DIN ITO NOONG TAONG 2015. TANDANG TANDA NIYA ANG LAHAT NG DETALYE AT SABIHIN NA NATING KAMALASAN NA INABOT NG KOPONAN NG GILAS LABAN SA MGA ITO.  MULA SA PAGKA-SIRA NG AIRCON NG BUS NA KANILANG LULAN, SA PAG-PUTOL NG NET NG KANILANG RING KUNG SAAN HINDI SILA MASYADONG NAKAPAG-WARM-UP AT ANG MGA KWESTIYONABLE NA MGA TAWAG NG REFEREES.

ISANG PANALO NA LAMANG ANG KAILANGAN NG GILAS NUON PARA MAKASAMA SA PINAPANGARAP NA OLYMPICS, AT TINALO NGA SILA NG MGA TSINO. KWENTO NI ROMEO, YUN ANG UNANG SABAK NIYA SA FIBA, WALANG EXPERIENCE  AT NI IDEA KUNG ANO AT PAANO ANG LARO DOON. DAHIL NGA SIYA AY BAGUHAN, INISIP NIYA NA MAG-RELY NA LAMANG SA KANYANG SARILING KAALAMAN SA BASKETBALL TULAD NG BILIS, NGUNIT AGAD NIYANG NABATID NA HINDI LAMANG IYON ANG KAILANGAN UPANG MAKAPAGLARO NG MABUTI SA INTERNATIONAL LEAGUE NA TULAD NG FIBA.

NANG DAHIL SA PAGKATALO SA CHINA, NANGAKO SA SARILI SI TERRENCE ROMEO NA MAS MAGIGING MABUTING MANLALARO.

AYON SA KANYA, DINIBDIB NIYA ANG PAGKATALO NG GILAS PARA SA KAMPEONATO NA GINANAP SA CHANGSHA, AT KUNG MAGKAKAHARAP MULI LABAN SA CHINA AY SISIGURADUHIN NIYANG IBANG ROMEO ANG KANILANG MAKIKITA.

MAKALIPAS ANG 676 NA ARAW NG PAGHIHINTAY, MULING MAGHAHARAP ANG KOPONAN NG GILAS AT CHINA AT PAGKAKATAON NA ITO UPANG MAIPAKITA NI ROMEO NA MALAKI NA ANG KANYANG NAGING PAGBABAGO PAGDATING SA PAGLALARO.

SINIGURADO NI ROMEO NA MAGIGING HANDA SIYA SA LABAN. MAAGA SIYANG NATULOG UPANG MAKAPAG-PAHINGA NG MAHABA. BUKOD SA PAGPAPA-KUNDISYON SA KANYANG KATAWAN, KINUNDISYON NIYA RIN ANG KANYANG ISIPAN NA WALA SIYANG IBANG GUSTONG GAWIN KUNDI TALUNIN ANG TEAM CHINA.

PAGLALAHAD NI ROMEO, WALA SIYANG IBANG INISIP KUNDI KUNG PAANO MAKAKABAWI SA CHINA. NAG-TEXT LAMANG DAW SIYA SA KANYANG MGA MAGULANG, KAPATID AT SA KANYANG FIANCÉE NA MATUTULOG NA SIYA UPANG PAGHANDAAN ANG LABAN.

SA HOTEL, KASAMA NIYA SA KWARTO ANG BETERANONG TEAM CAPTAIN NG GILAS NA SI GABE NORWOOD. KASAMA DIN SI NORWOOD NOONG NATALO SILA SA CHINA SA CHANGSHA, KAYA’T ALAM NI ROMEO NA HINDI LANG SIYA ANG MAY GIGIL NA MATALO ANG CHINA.

NAIBAHAGI DIN NI ROMEO NA KINA-UMAGAHAN BAGO ANG LABAN SA CHINA AY NI-HINDI SILA NAGBATIAN NI NORWOOD AT HINDI NAGPANSINAN. SENYALES UMANO ITO NA PAREHAS SILANG FOCUS NG KANYANG KUYA NORWOOD NA MAKABAWI LABAN SA CHINA.

INALALA DIN NI ROMEO NUNG MULI SIYANG PINATAWAG PARA MAGLARO ULIT PARA SA BANSA AT NALAMAN NIYANG ANG UNANG KALABAN AY ANG CHINA AY WALA SIYANG SINAYANG NA PANAHON. AGAD NIYANG PINASOK SA KANYANG ISIPAN NA HINDI NA SIYA MULING MATATAKOT SA MGA ITO AT HINDING HINDI SIYA MAGDUDUDA KUNG ANO ANG KAYA NIYANG GAWIN SA LOOB NG HARD COURT.

AT NANG DUMATING AN ARAW NG LABAN, NAGBUNGA ANG LAHAT NG HIRAP AT SAKRIPISYO NI ROMEO AT NG BUONG TEAM GILAS PILIPINAS. DAHIL SA FIRST HALF PA LAMANG AY NAGULAT NA ANG CHINA SA LAKAS AT BILIS NG KOPONAN NG BANSA.

KILALA ANG CHINA NA POWERHOUSE PAGDATING SA PALAKASAN SA ASYA, PARTICULAR SA BASKETBALL, NGUNIT HINDI ITO NAGING HADLANG SA KOPONAN NG GILAS. NAGING MAS MALAKAS, AGRESIBO AT FOCUS ANG MGA PINOY AT SYEMPRE HINDI MAWAWALA ANG PUSO NANG HARAPIN NILA ANG MGA HIGANTENG PLAYERS NG CHINA, AT SA ISANG BANDA NG LARO AY LUMAMANG ANG GILAS NG 17 PUNTOS SA HALFTIME.

HINDI MAKAPANIWALA SI ROMEO, BIRUIN MO BA NAMAN, ANG KALABAN NILA AY CHINA, DEFENDING CHAMPIONS AT LAMANG SILA NG MALAKI. PERO ALAM NG GILAS ANG KAKAYAHAN NG CHINA, NIRERESPETO NILA ITO AT ALAM NILA NA BABALIK ANG MGA ITO UPANG IDIKIT O IPANALO ANG LABAN.

AYON KAY ROMEO, INIIWASAN NIYANG KABAHAN SA LARO. NGUNIT PAG-DATING NG FOURTH QUARTER AT LUMAMANG NG ISA ANG CHINA . DITO AY NAKARAMDAM NG KABA ANG ATING POINT GUARD. SABI NGA NILA, KAHIT SINONG PINAKA-MAHUSAY NA PLAYER AY KINAKABAHAN DIN LALO NA KUNG ANG LARO AY MAY LAMAN NA TULAD NG KAY ROMEO.

DAGDAG PA NI ROMEO, HINDI NIYA HAHAYAAN NA MASAYANG LANG ANG LAHAT NG KANILANG PREPARASYON PARA SA LARO LABAN SA CHINA. SUMAGI DIN SA ISIP NIYA NA HANDA SIYANG TANGGAPIN KUNG SIYA MAN ANG MAGING DAHILAN KUNG SILA AY MATALO BASTA KUNG MABIGYAN SIYA NG PAGKAKATAON NA MAIPANALO ANG KOPONAN LAHAT AY KANYANG IBIBIGAY.

DUMATING NGA ANG OPORTUNIDAD KAY ROMEO SA FOURTH QUARTER KUNG SAAN LAMANG ANG CHINA NG TATLO. PINANGUNAHAN  NI ROMEO ANG ATAKE NG GILAS AT UMISKOR ITO NG WALONG PUNTOS NA NAGBIGAY NG KALAMANGAN SA GILAS.

NANG TUMUNOG NA ANG FINAL BUZZER NA NAGDEDEKLARA SA OPISYAL NA PAGKAPANALO NG GILAS LABAN SA CHINA, MULING BUMALIK SA ALALA NI ROMEO ANG NANGYARI NOONG 2015 AT SINABI NIYA SA KANYANG SARILI NA, TAGUMPAY SIYA SA KANYANG PAGBABALIK.

KWENTO NI ROMEO, HINDI NIYA MAKAKALIMUTAN ANG NANGYARI NOONG 2015 KUNG SAAN UMIIYAK SILANG LAHAT SA LOCKER ROOM DAHIL NATALO SILA SA FINALS.  DUON IPINANGAKO NI ROMEO SA KANYANG SARILI NA SA SUSUNOD NA PAGHAHARAP NILA NG KOPONAN NG CHINA AY WALA NANG MAKAKASABAY SA KANYA AT SA GILAS.

 

 

 

Read 1066 times Last modified on Friday, 11 August 2017 09:13
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.