JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PINAY WEIGHTLIFTER NA SI HIDILYN DIAZ, NAKASUNGKIT NG SILVER MEDAL SA RIO OLYMPICS

Sa wakas, nakapagtala na ng isang silver medal ang Pilipinas sa Rio Olympics sa pamamagitan ng 25-anyos na lady weightlifter na si Hidilyn Diaz mula Zamboanga City.

Nabuhat ni Hidilyn ang kabuuang 200 kilogram sa snatch at clean and jerk attempt kaya’t nakasiguro ito ng silver medal.

Nakuha naman ni Hsu Shu-Ching ng Chinese-Taipei ang gold medal matapos na makapagtala ng kabuuang 212 kgs habang bronze medal naman si Yoon Jin Hee ng Korea na may kabuuang 199 kgs.

Si Diaz ang unang Pilipinang babae na makakapag-uwi ng medalya mula sa Olympics.

Matatandaang huling nakakuha ng medalya ang Pilipinas nang maiuwi ni Onyok Velasco ang bronze medal sa larangan ng boksing noong 1996 Atlanta Olympic Games.

Read 3558 times Last modified on Monday, 08 August 2016 05:53
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.