JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
STATE OF CALAMITY, IDINEKLARA SA 14 NA BARANGAY SA CARDONA RIZAL DAHIL SA WATER LILY

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGDEKLARA NG STATE OF CALAMITY ANG PAMAHALAANG BAYAN NG CARDONA RIZAL SA LABING APAT (14) NA BARANGAY NA NASA BAYBAYIN NG LAWA NG LAGUNA DAHIL SA EPEKTONG DULOT NG WATER HYACINTH O WATER LILY. 

ANG PAGDEDEKLARA NG STATE OF CALAMITY  AY BATAY NA RIN SA KAHILINGAN NG MGA BARANGAY CAPTAIN AT SA REKOMENDASYON  NG CARDONA MUNICIPAL DISASTERS RISK REDUCTION MANAGEMENT OFFICE (MDRRMO).

KABILANG SA MGA BARANGAY NA IPINASAILALIM SA STATE OF CALAMITY AY ANG MGA BARANGAY NG BALIBAGO, TUNA, LAMBAC, BOOR,  MALANGAM,  CALUBACAN,  SUBA,NAVOTAS, TICULIO, NAGSULO,  SAMPAD,  LOOC,  DALIG,  PATUNHAY, AT CALAHAN. 

AYON KAY MDRRMO CHEIF ERWIN DIONISIO,  DAHIL SA NAPAKAKAPAL NA WATER LILY NA PINADPAD SA BAYBAYIN NG LAWA DULOT NG HANGING AMIHAN, APEKTADO NA ANG MOBILITY AT TRANSPORTASYON NG MGA BANGKANG DE MOTOR. 

LUBHANG APEKTADO NA RIN UMANO ANG PAGBIBIYAHE NG MGA BATAYANG PAGANGAILANGAN TULAD NG BIGAS AT IBA PANG PRODUKTO MULA SA MAINLAND PATUNGO SA MGA BARANGAY LALO NA SA ISLA NG TALIM. 

HIRAP RIN ANG MGA MAGINGISDA SA PAGDADALA NG MGA HULING ISDA SA LOOC FISHPORT KAYAT MAGING ANG HANAPBUHAY NG MALILIIT NA MAG-IISDA AT MGA BOLANTE AY APEKTADO NA RIN. 

KAUGNAY NITOY,  IPINAG-UTOS NA RIN NI CARDONA RIZAL MAYOR BERNARDO SAN JUAN SA MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT NA MAGPATUPAD NG LIMANG (5) ARAW NA CASH FOR WORK PROGRAM AT 5 ARAW NA FOOD FOR WORK PROGRAM PARA MAGLINIS AT MAGLAGAY NG WATER LILY BREAKER SA DAANAN NG MGA BANGKA. 

MAGKAKALOOB NAMAN ANG MGA BARANGAY NG KAWAYAN NA MAGSISILBING PANGHARANG NG WATER LILY. 

AYON KAY DIONISIO, SA KASALUKUYAN AY INUUMPISAHAN NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG PAG I-SPRAY NG GAMOT SA MGA LUGAR NA MASYADONG MAKAPAL ANG WATER LILY. 

HUMINGI NA RIN UMANO ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NG TULONG SA TANGGAPAN NG LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY (LLDA) PARA SA KINAKAILANGANG KAGAMITAN SA GAGAWING PAGLILINIS NG WATER LILY.

 

Read 797 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.