JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
4 NA PNP, 2 SIBILYAN, ARESTADO SA LUCENA CITY

BY: ROMMEL MADRIGAL

INARESTO NG LUCENA PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) ANG KAPWA NILA PNP MATAPOS LUMABAG SA ASEAN SUMMIT GUN BAN, ALARMING SCANDAL AT INDISCRIMINATE FIRING NA INIREKLAMO NG MGA SECURITY GUARD SA GRAND CENTRAL TERMINAL SA LUCENA CITY.

KINILALA NI LUCENA COP PSUPT. REYNALDO MACLANG ANG ANIM (6) NA NAARESTONG SUSPEK, APAT (4) DITO ANG ACTIVE PNP AT DALAWANG (2) SIBILYAN NA SINA PO1 JERIEL SUAREZ, 30 TAON, MAY ASAWA,  MIYEMBRO NG PNP, NAKA-ASSIGN SA QUEZON CITY POLICE DISTRICT (QCPD) AT DESIGNATED AS MEMBER NG DISTRICT INTELLIGENCE SPECIAL OPERATION BRANCH NG # 160 VILLA SENIOR ST., BURDEOS, QUEZON, SI PO2 MICHELLE EYATID, 32 TAON, MAY ASAWA, NAKATALAGA SA BORDEOS MPS AT DESIGNATED AS WCPD MEMBER NG BRGY. POBLACION, BORDEOS, QUEZON, PO1 ROBERT QUIRREZ, 30 TAON, MAY ASAWA, NAKATALAGA RIN SA  BORDEOS MPS AT NAKATALAGA BILANG MTOC OPERATOR/ DESK OFFICER/PATROL NG BRGY. ISABANG, TAYABAS CITY AT SI PO1 MAYNARD RANA, 26 TAON, BINATA, PAWANG MIYEMBRO NG PNP, ASSIGN DIN SA BORDEOS MUNICIPAL POLICE STATION BILANG CUSTODIAL OFFICER O JAILER NG GEN. GUILLERMO NAKAR NG NATURANG LALAWIGAN DIN. ANG DALAWANG SIBILYAN NA SINA, ELMAR QUIRREZ, 33 TAON, STORE KEEPER NG BRGY. ISABANG, TAYABAS CITY AT JOSE CAPUS, 29 TAON, HELPER NG PUROK 1, BRGY. BOCOHAN, LUCENA CITY.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG QUEZON POLICE PROVINCIAL OFFICE DAKONG 5:30 NG UMAGA, DINALA NG LUCENA CPS QUICK REACTION TEAM ANG ANIM NA INARESTO DAHIL SA ALARM AND SCANDAL, INDISCRIMINATE FIRING AT PAGLABAG SA ASEAN SUMMIT GUN BAN SA CENTRAL PARK GARDEN CAFE SA GRAND CENTRAL TERMINAL, BRGY. ILAYANG DUPAY, LUCENA CITY.

NABATID NA NAG-IINUMAN SA NATURANG PARK GARDEN NA NAGPAKILALA ANG APAT NA MIYEMBRO SILA NG PNP MAKALIPAS UMANO ANG ILANG ORAS AY NAGPAPUTOK UMANO NG KANYANG SERVICE FIRE ARMS SI PO1 JERIEL SUAREZ NG WALANG DAHILAN GAMIT ANG ISSUE SA KANYANG 9MM PIETRO BERETTA  NA MAY SERIAL NO. M12472Z.

DAHIL DITO AY INIREKLAMO SILA NG TATLONG SECURITY GUARD NG LKS SECURITY AGENCY AT ITINAWAG SA LUCENA POLICE STATION NA KAAGAD NAMANG KUMILOS ANG MGA ITO NA NAGING DAHILAN SA PAGKAARESTO NG APAT NA PNP AT DALAWA SIBILYAN.

KASALUKUYAN NANG NASA KOSTODIYA NG LUCENA POLICE STATION AT INIHAHANDA NA SA KANILA ANG MGA KASONG MAY KAUGNAYAN SA KANILANG GINAWANG PAGLABAG.

 

 

 

Read 166 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.