JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
WANTED NG SAN PEDRO CITY ARESTADO

BY: ROMMEL MADRIGAL

ARESTADO ANG ISANG WANTED NA MUNTIK NAKAPATAY MATAPOS LUMABAS ANG KANYANG WARRANT OF ARREST SA CALENDOLA VILLAGE SA LUNSOD NG SAN PEDRO.

KINILALA ANG NAARESTONG WANTED NA SI ALBERTO TAGULAO AT NONOY, 46 TAON, BINATA, TRICYCLE DRIVER, NG YAKAL ST., CALENDOLA VILLAGE, BRGY. CALENDOLA, SA NASABING LUNSOD, LALAWIGAN NG LAGUNA

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG SAN PEDRO CITY POLICE STATION SA LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE, NAARESTO ANG SUSPEK MATAPOS ISAGAWA ANG OPERATION BITBIT ANG WARRANT OF ARREST SA PAMUMUNO NI SPO1 OMAR BALMAS AT PO3 CARANDANG NA NAGING DAHILAN SA PAG KAARESTO NG SUSPEK.

INARESTO ANG AKUSADO SA BISA NG ALIAS WARRANT OF ARREST NA IPINALABAS NI HON.JUDGE FRANCISCO DIZON PAÑO NG REGIONAL TRIAL COURT, BRANCH 93, SAN PEDRO CITY, LAGUNA, NA MAY CRIMINAL CASE NO. 5514-SPL FOR FRUSTRATED HOMICIDE.

KASALUKUYAN NG NASA KOSTODIYA NG SAN PEDRO POLICE LOCK UP JAIL, NA HINIHINTAY ANG SUSUNOD PANG DESISYON NG KORTE, BINIGYAN NAMAN ANG AKUSADO NG PAGKAKATAONG MAKAPAG PYANSA PARA SA KANYANG PANSAMANTALANG KALAYAAN.

Read 119 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.