JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
RIZAL DPWH NAGTAYO NG LAKBAY ALALAY PUBLIC ASSISTANCE DESK

Image result for DPWH

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGLAGAY NA NG LAKBAY ALALAY HELP DESK ANG DALAWANG DISTRICT ENGINEERING OFFICE NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS ANG HIGHWAYS (DPWH) SA LALAWIGAN NG RIZAL MULA ALAS 5:00 KAHAPON NG HAPON, OCTOBER 29 AT MATATAPOS NG NOVEMBER 2 NG 12:00 NG TANGHALI.

AYON KAY ENGINEER BOYET ANTONIO CHIEF NG MAINTENANCE DIVISION SA UNANG DISTRITO,  ANG HELP DESK AY INILAGAY SA BINANGONAN HIGHWAY MALAPIT SA TANGGAPAN NG DPWH.

NAGLAGAY RIN UMANO NG MAY DIRECTIONAL SIGNAGES PARA HINDI MALIGAW ANG MGA FIRST TIME NA DADAAN SA KAHABAAN NG MANILA EAST ROAD.

HABANG SA IKALAWANG DISTRITO, NAKASET-UP ANG HELP DESK SA KILOMETER 46 SA BARANGAY MAYBANCAL MORONG RIZAL.

AYON KAY 2ND DISTRICT ENGINEER ADELBERT ROSETE, PINILI NILANG ILAGAY ANG KANILANG OPERATION CENTER SA MORONG PARA  MASERBISYUHAN ANG ATING MGA KABABAYAN NA UUWI SA BAHAGI NG QUEZON AT LAGUNA GANUN DIN ANG MGA PALUWAS NG MAYNILA.

SINABI PA NI ROSETE NA TAUNAN NILANG GINAGAWA ANG PAGTATAYO NG PUBLIC ASSISTANCE DESK BATAY NA RIN SA MANDATO NG AHENSYA.

SAMANTALA, NAGLAAN ANG 2 DISTRITO NG MAY KINAKAILANGANG EQUIPMENT TULAD NG TRUCK,  PAYLOADER AT MGA SERVICE VEHICLES NA MAGAGAMIT SA BIGLAANG PANGANGAILANGAN.

NAGTALAGA RIN NG MGA DPWH PERSONNEL NA NAKADUTY 24 ORAS NA MAY 3 SHIFT AT MAY NAKATALAGA RING MEKANIKO PARA SA MGA MASISIRAANG SASAKYAN. (FELIX TAMBONGCO)

Read 62 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.