JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
4 NA SHOP LIFTER BUKING, ARESTADO SA SEKYU

BY: ROMMEL MADRIGAL

IPINASA NG SECURITY GUARD ANG APAT NA SHOPLIFTER SA ISTASYON NG PULIS SA SAN PEDRO CITY MATAPOS MABUKING ANG MGA ITO SA KANILANG GINAWANG PAGPUSLIT NG MGA ITEMS SA ISANG KILALANG SUPER MARKET SA BRGY. NUEVA, SA NATURANG LUNGSOD.

KINILALA ANG MGA NABUKING NA SUSPEK NA SINA, GEMMA PADUGA PAYAS , 44 NA TAON, ANN ORTIZ BACONO, 40 TAON, APRIL PASCUA KINDIRIN, 30 TAON, PAWANG WALANG ASAWA, LAHAT AY RESIDENTE NG # 115 TORRES BAGALLON ST., TONDO, MANILA. AT JOHN SHERWIN  VARGAS, 31 TAON, NG # 1088 SOLIS ST., NG NATURAN DING LUGAR.

BATAY SA ULAT NA GINAWA NG IMBESTIGADOR SPO1 CALANOG, DAKONG 2:30 NG HAPON, DINALA NINA SECURITY GUARD DIMASALANG HARUN DE GUZMAN AT ROEM ASILAR SALME ANG TATLONG BABAE AT ISANG LALAKING UMANO’Y MAGLALABAS NG ITEMS MULA SA SAVE MORE MARKET NA UMABOT SA HALAGANG 4,287.

SA PAHAYAG NG MGA SEKYU NG NATURANG KOMPANYA, DAKONG IKA SIYAM AT KALAHATI NG UMAGA NG PUMASOK ANG MGA SUSPEK UMIKOT IKOT SA LOOB NG NATURANG MARKET AT NAMALAGI SA LUGAR NG MGA MAMAHALING BATERY AT ITO ANG PINAG UKULAN NILA NG PANSIN KAYAT NG LALABAS NA ANG MGA ITO AY SINITA AT NAKUHA SA MGA SUSPEK ANG MAMAHALING BATERY NA UMABOT NGA NG GANOONG KALAKING HALAGA.

KASALUKUYAN NG NAKA DETINE ANG MGA NAARESTONG SUSPEK SA DAN PEDRO XCITY LOCK UP CELL AT SASAMPAHAN NG KAUKULANG KASONG MAY KAUGNAYAN SA KANILANG NAGAWANG PAGLABAG.

Read 123 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.