JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAMANGKIN NI DATING DA SECRETARY PROCESO ALCALA TINAMBANGAN, PATAY SA LUCENA.

BY: ROMMEL MADRIGAL

DEAD ON ARRIVAL SA PAGAMUTAN ANG ISANG GINANG MATAPOS ITONG TAMBANGAN AT PAGBABARILIN NG HINDI NAKILALANG SUSPEK SA MAY BAHAGI NG MAHARLIKA HIGHWAY, BRGY.ILAYANG IYAM, LUNSOD NG LUCENA.

KINILALA NI PSUPT.REYNALDO MACLANG HEPE NG LUCENA PNP, ANG BIKTIMA NA SI RHINE CRISTINE ALCALA 38 ANYOS NA MAS KILALA SA PANGALANG ARLENE ALCALA, RESIDENTE NG SAN JUAN ESTATES AVIDA SUBD., BRGY.ISABANG, TAYABAS CITY.

AYON KAY MACLANG DAKONG ALAS 6:30 NG GABI HABANG SAKAY AT MINAMANEHO NI ALCALA ANG KANYANG SASAKYANG PUTING HONDA CIVIC KASAMA ANG KAIBIGANG SI MYRA NOVICIO NG TAMBANGAN AT PAGBABARILIN ITO NG NAGIISANG SUSPEK NA SAKAY SA ISANG MOTORSIKLO.

NAGTAMO ANG BIKTIMA NG MARAMING TAMA NG BALA NG BARIL SA IBA'T IBANG BAHAGI NG KATAWAN NA NAGING SANHI NG KAMATAYAN NI ALCALA AT NAKALIGTAS NAMAN AT HINDI NASUGATAN ANG KAIBIGAN NITO NA KASAMA SA LOOB NG SASAKYAN.

SI ARLENE ALCALA UMANO AY NASA LISTAHAN NG PULISYA BILANG DRUG PERSONALITY AT ASAWA NI SAJID ALCALA NA ANAK NI ATEL ALCALA NA KAPATID NAMAN NI DATING DA SECRETARY PROSESO “PROCY” ALCALA AT QUEZON 2ND DISTRICT CONGRESSMAN VICENTE ”KULIT” ALCALA.

MATATANDAANG NOONG NAKARAANG TAONG 2016 MAGKASUNOD NA NAHULI SILA ARLENE AT SAJID ALCALA SA ISINAGAWANG DRUG OPERATION NG MGA MIYEMBRO NG QUEZON PIB NA NAKULONG AT NAKASUHAN ANG MGA ITO, NAKAPAGPIYANSA LAMANG SI ARLENE KUNG KAYA PANSAMANTALANG NAKALAYA ITO, SAMANTALANG SI SAJID AY KASALUKUYAN PANG NAKAKULONG SA QUEZON PROV. JAIL DAHIL WALANG INEREKOMENDANG PIYANSA ANG HUKUMAN PARA SA KANYA DAHIL SA KASONG SECTION 11 AT SECTION 5 NG RA 9165.

PATULOY PA ANG PULISYA SA ISINASAGAWANG IMBESTIGASYON UPANG MABATID ANG TUNAY NA DAHILAN AT MOTIBO SA GINAWANG PAMAMASLANG SA BIKTIMA AT MAKILALA ANG SUSPEK NA MABILIS NA TUMAKAS MATAPOS MAISAGAWA ANG PAMAMARIL.

 

 

 

 

 

 

 

Read 105 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.