JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NATATAGONG YAMAN NG NAGCARLAN, NAHUKAY

BY: ROMMEL MADRIGAL

KILALA ANG BAYAN NG NAGCARLAN SA IPINAG-MAMALAKI BILANG TOURIST DESTINATION ANG LIBINGAN SA ILALIM NG LUPA O UNDERGROUND CEMETERY. NA NAITAYO ITO NOON 1845 PANAHON PA NG MGA PANANAKOP NG KASTILA, NA NAGSISILBI NGAYONG NATIONAL HISTORICAL LANDMARK.

KUNG KAYA'T NAPAULAT NA MARAMI SA MGA KAGAMITAN NG MGA DAYUHANG MANANAKOP NOON, NA KAPAG SILA AY YUMAO NA KASAMA NILA SA KANILANG HIMLAYAN ANG PERSONAL NILANG MGA GAMIT.

KAYA’T SA DI INAASAHANG PAGKAKATAON HABANG NAGHUHUKAY NG PUNDASYON NG TULAY, SA GINAGAWANG WIDENING SA BRGY. POBLACION 1 AY AKSIDENTENG NAHUKAY NG BACK HAW ANG ISANG ANTIK NA MAS KILALA SA JAR O GUSI. KASAMA DIN NAKUHA ANG MGA ANTIGONG PAKO  AT SILSIL NA ANG PINAKA MAHABA AY HALOS  TATLONG DANGKAL ANG SUKAT.

MAGKAHIWALAY NAMAN NAHUKAY ANG ISANG COIN DISH SA BAHAGI NG BRGY. BAMBANG. HABANG NAGHUHUKAY NOON NG PUNDASYON SA GAGAWING CELLSITE.

AYON SA LOKAL NA PAMAHALAAN SA PANGUNGUNA NI MAYOR NELSON OSUNA, NAIS NILANG IPASURI SA MGA EKSPERTO SA ANTIGO ANG MGA TAGONG YAMAN NA NAHUKAY SA BAYAN, UPANG ITO AY MABATID KUNG ILANG TAON NA BA ANG NASABING MGA NATATAGONG KAYAMANANG NADISKUBRE SA NATURANG BAYAN.

Read 881 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.