JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TULAK NG DROGA ARESTADO SA SAN PEDRO LAGUNA

BY: ROMMEL MADRIGAL

ARESTADO ANG ISANG PINAGHIHINALAANG TULAK NG DROGA SA OLIVAREZ COMPOUND, BRGY. SAN ROQUE, LUNGSOD NG SAN PEDRO.

KINILALA NI OIC P/INSP. LUIS PEREZ ANG NAARESTONG SUSPEK NA SI CESAR GRANADO JR,  TATLUMPUT ANIM (36) NA TAON, BINATA, TRICYCLE DRIVER, NG B3 L14 OLIVAREZ COMPOUND, BRGY. SAN ROQUE, SAN PEDRO CITY LAGUNA NA NAKILÀLANG BAGONG DRUG PERSONALITY.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG LAGUNA PPO, MULA KAY P/INSP. PEREZ, DAKONG 5:20 NG HAPON NG MAARESTO ANG SUSPEK, MATAPOS ISAGAWA NG MGA INTEL OPERATIVES ANG DRUG BUY BUST OPERATION, NA NAG RESULTA NGA SA PAG KAARESTO NI GRANADO. NABATID NA NAKIPAGKASUNDO UMANO ANG SUSPEK SA ISANG PULIS NA NAG KUNWARING POSEUR BUYER AT NANG MAIABOT NA ANG NAPAGKASUDUANG DAMI NG SHABU, 'YUN ANG NAGING HUDYAT PARA SA IBANG KASAMAHAN NG OPERATIBA AT DINAMPOT ANG SUSPEK.

NAKUHA SA PAG-IINGAT NI GRANADO ANG WALONG PLASTIC SACHET NA TINATAYANG MAY BIGAT NA SIYAM NA GRAMO, NA MAY HALAGANG DALAWAMPUT ANIM NA LIBO, AT ANG BUY BUST MONEY.

INIHAHANDA NA ANG KASONG PAGLABAG SA NAARESTONG SUSPEK SA SEC 5 AT 11, ARTICLE II NG RA 9165 NA MAY KAUGNAYAN DIN SA COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002.

Read 129 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.