JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SEKYU AT ISA PA ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA SA SINILOAN LAGUNA

BY: ROMMEL MADRIGAL

ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION ANG ISANG SECURITY GUARD AT KASAMA NITO NA UMANO'Y NAGTUTULAK NG IPINAGBABAWAL NA DROGA SA MANILA EAST ROAD, BRGY. HALAYHAYIN, SINILOAN, LAGUNA.

KINILALA NI SINILOAN P/INSP LINDLEY TIBUC ANG MGA NAARESTONG SUSPEK NA SINA ROBERT JAY TORRES, TATLUMPUT LIMANG TAON (35) WALANG ASAWA, WALANG TRABAHO, NG PUROK 1 B, REAL STREET, LONGOS, KALAYAAN, LAGUNA, AT MAURO MANLISIS, MAY-ASAWA, SECURITY GUARD, NG 70 RIZAL STREET, BRGY. MARACTA, LUMBAN, LAGUNA.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG TANGGAPAN NI P/INSP TIBUC SA LAGUNA PPO DIRECTOR, DAKONG IKA-APAT AT KALAHATI NG UMAGA NANG ISAGAWA ANG BUY BUST OPERATION, KAAKIBAT ANG PDEA COORDINATION DOCUMENTS NA NAGRESULTA NG PAGKAARESTO NG MGA SUSPEK.

NABATID NA NAKUHA SA PAG-IINGAT NG MGA NAARESTO ANG ANIM NA PIRASO NG PLASTIC SACHET NA NAGLALAMAN NG PINAGHIHINALAANG SHABU AT HALAGANG ISANG LIBO AT LIMANG DAANG PISO (1,500) BUY BUST MONEY BILANG KAPALIT NG DROGA NA GINAMIT NG PULIS NA NAG KUNWARING POSEUR BUYER.

ANG MGA SUSPEK KASAMA ANG MGA PIRASO NG EBIDENSYA AY IPAPASA SA PROVINCIAL CRIME LABORATORY SA STA. CRUZ LAGUNA PARA SA PAGSUSURI SA LABORATORYO.

INIHAHANDA NA ANG KASONG ISASAMPA LABAN SA DALAWANG NAARESTO, NA MAY KAUGNAYAN SA KANILANG NAGAWANG PAGLABAG SA SEC. 5 AT 11 NG REPUBLIC ACT 9165.

 

Read 120 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.