JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
4 NA TULAK ARESTADO, ISA SUGATAN MATAPOS MAKIPAGBARILAN SA MGA PULIS

BY: ROMMEL MADRIGAL 

UNANG NAARESTO ANG TATLONG PINAGHIHINALAANG TULAK SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION NG MGA INTEL OPERATIVES SA BIÑAN CITY, SUMUNOD ANG ISANG PINAKAMALAKING SUPLAYER NA NAKIPAGBARILAN SA MGA KAGAWAD NG PNP NANG AARESTUHIN ITO.

KINILALA NI BIÑAN CITY OIC COP PSUPT. JONG RAMIREZ ANG MGA NAARESTONG SINA, ALVIN ILAGAN, TATLUMPUT SIYAM (39) NA TAON, PRINCESS PONZALAN, TATLUMPUT PITONG (37) TAON, ARJUNE PARSON, DALAWAMPUT DÀLAWANG (22) TAON AT ENRIQUE ARAMBULO, APATNAPUT TATLONG (43) TAONG GULANG.

BATAY SA ULAT NA IBINIGAY NG TANGGAPAN NI SUPT. RAMIREZ, NAKATANGGAP UMANO SILA NG MGA TEXT GALING SA CONCERNED CITIZEN NA IPINAAALAM NA LANTARAN ANG BENTAHAN NG ILEGAL NA DROGA SA BRGY. DELA PAZ, KAYAT KANILA ITONG BINIGYANG PANSIN AT INIMBESTIGAHAN AT NANG MAPATUNAYAN NA TOTOO ANG ULAT, IKINASA ANG BUY BUST OPERASYON NA NAGRESULTA SA PAGKAKAARESTO NG NAUNANG TATLO.

SA ISINAGAWANG IMBESTIGASYON, SI ILAGAN UMANO ANG NO. 1 SA TALAAN NG TOP TEN DRUG PERSONALITY NG LUNGSOD, NABATID SA KANYA KUNG SINO ANG SUPLAYER NILÀ NG DROGA. DITO NA NAPAG-ALAMANG SI ARAMBULO ANG NAGBABAGSAK SA KANILA MULA SA CALAMBA KAYAT NAKIPAG-TRANSAKYON ANG MGA AWTORIDAD DITO, SUBALIT NAKAHALATA ANG SUSPEK NA PULIS ANG KANYANG KA-TRANSÀKAYON KAYAT NAKIPAGBARILAN ITO SA MGA OPERATIBA HABANG SAKAY NG TOYOTA CAMRY.

HINDI NAMAN NAPURUHAN ANG SUSPEK NA NAKORNER DIN, KAYAT DINALA SA MALAPIT NA PAGAMUTAN UPANG BIGYANG LUNAS ANG MGA NATAMO NITONG SUGAT.

NAKUHA SA SASAKYAN NG SUSPEK ANG DALAWANG HANDGUN 32 CALIBER PISTOL LLAMA, ISANG CALIBER 45 TAURUS, MGA MAGAZINE AT MGA BALA, WALONG PIRASO NG PLASTIC SACHET NA NAGLALAMAN NG PINAGHIHINALAANG SHABU NA TINATAYANG UMAABOT NG BIGAT NA WALUMPUNG (80) GRAMO NA NAGKAKAHALAGA NG KULANG ISANG MILYONG PISO.

SASAMPAHAN SI ILAGAN NG KASONG PAGLABAG SA SEC. 5 AT 11, SI PONZALAN AY SEC. 11, SI PARAON  AY SEC. 5,  IN RELATION TO SEC. 26B NG RA 9165 AT RA 10591 AT ANG NÀKIPAGBARILAN NA SI ARAMBULO AY SEC 5, 11, NG RA 9165, RA 10591 AT DIRECT ASSAULTS.

 

 

Read 128 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.