JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TULAK NG ILEGAL NA DROGA SA CALAMBA CITY, ARESTADO NG PNP SA BUY-BUST

BY: ROMMEL MADRIGAL

NAKAKUMPISKA ANG CALAMBA CITY PNP NG HALOS WALONG PIRASO NG PLASTICK (8) NG IPINAGBABAWAL NA DROGA, SA ISINAGAWANG MATAGUMPAY NA BUY BUST OPERATION. 

ANG NATURANG OPERATION AY PINAMUNUAN NI P/INS. PENA, NA NAGING DAHILAN NG PAGKA-ARESTO NG SUSPEK NA UMANO'Y NAGPAPAKALAT NG IPINAGBABAWAL NA DROGA SA BRGY. PARIAN SA LUNGSOD NG CALAMBA.

KINILALA NI CALAMBA CITY OIC COP P/SUPT. FERNANDO ORTEGA ANG NAARESTONG SUSPEK NA SI JAYMARK IBASAN, DALAWAMPUT PITONG  TAON, BINATA, WALANG TRABAHO NG PUROK 6, BRG.Y PARIAN, CALAMBA CITY NA UMANO'Y BAGONG NAKIKILALANG DRUG PERSONALITY NG  LUNGSOD.

NAKUHA SA KANYANG PAG-IINGAT ANG WALONG PIRASO NG (8)  TRANSPARENT PLASTIC SACHET NA NAG LALAMAN NG PINAG HIHINALAANG SHABU, NA MAY TINATAYANG DAMI NA 0.85 GRAMO AT NAGKAKAHALAGA NG APAT NA LIBONG PISO (4,000 PHP) AT ANG BUY BUST MONEY.

KASALUKUYAN NG NAKA-DETINE ANG NAARESTONG SUSPEK SA CALAMBA LOCK UP JAIL,KAYAT INIHAHANDA NA ANG KASONG PARA SA SUSPEK NA MAY KAUGNAYAN SA REPUBLIC ACT 9165, AT MAY KAUGNAYAN DIN SA COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUG ACT OF 2002.

 

 

Read 580 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.