JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BULACAN MASSACRE SUSPECT KINASUHAN NA

 BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

KINASUHAN NA ANG SUSPEK SA PAGMAMASLANG SA ISANG PAMILYA SA SAN JOSE DEL MONTE CITY SA BULACAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI SAN JOSE DEL MONTE CITY POLICE ACTING CHIEF POLICE SUPT. FITZ MACARIOLA NA NAHAHARAP SA 5 COUNTS NG MURDER AT 2 COUNTS NG RAPE ANG SUSPEK NA SI CARMELINO IBAÑEZ.

PALIWANAG PA NI MACARIOLA, BAGAMAT HINDI PA NAKUKUHANAN NG OFFICIAL STATEMENT ANG SUSPEK AY SINAMPAHAN NA NILA ITO NG KASO DAHIL SA ITINURO NA ITO NG ILANG KAPITBAHAY NA POSIBLENG ITO ANG SALARIN SA KRIMEN.

ANG KASO ANIYA AY BASE NA RIN SA PAG-AMIN NITO NA SIYA ANG GUMAWA SA BRUTAL NA PANGGAGAHASA AT PAMAMASLANG SA PAMILYA CARLOS.

DAGDAG PA NI MACARIOLA, NGAYONG ARAW AY KUKUHANAN NA NG OPISYAL NA SALAYSAY SI IBAÑEZ HINGGIL SA KRIMEN SA HARAP NG KANYANG ABOGADO UPANG MAGAMIT BILANG EBIDENSYA SA KASO.

SA NGAYON AY PATULOY ANG IMBESTIGASYON NG PULISYA SA MGA POSIBLENG KASAMAHAN SA KIRMEN NI IBAÑEZ BASE NA RIN SA MGA NAUNANG PAHAYAG NITO.

Read 957 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.