JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
HINDI BABABA SA 4 NA PERSONS OF INTEREST SA SAN JOSE DEL MONTE MASSACRE, HAWAK NA NG BULACAN PNP

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

INIMBITAHAN NA NG BULACAN PNP ANG HINDI BABABA SA 4 PERSONS OF INTEREST SA NAGANAP NA MASSACRE SA SAN JOSE DEL MONTE.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI SAN JOSE DEL MONTE ACTING POLICE CHIEF FITZ MACARIOLA NA INAALAM PA NILA NGAYON KUNG KABILANG ANG MGA SUSPEK SA MGA INDIBIDWAL NA HAWAK NILA NGAYON.

BATAY ANIYA SA KANILANG PAUNANG IMBESTIGASYON AY PINAGSASAKSAK NG HINDI BABABA SA DALAWANG (2) SALARIN ANG LIMANG (5) MIYEMBRO NG PAMILYA DIZON SA PAGITAN NG ALAS-3:00 AT ALAS-4:00 NG MADALING ARAW.

NATAGPUAN SA LIKOD NG BAHAY ANG MAYBAHAY NA SI ESTRELLA,  AT ANG 53-ANYOS AT BULAG NA INA NITONG SI AURING NAMAN AY SA LOOB NG BAHAY SA SALA, HABANG ANG MGA MGA ANAK NA EDAD 1, 7, AT 11 AY SA 2ND FLOOR SA LOOB NG KWARTO NG MAG-ASAWA NATAGPUAN.

DAGDAG PA NI MACARIOLA, BATAY SA SALAYSAY NG PADRE DE PAMILYA AY POSIBLENG ANG SUSPEK SA KRIMEN AY ANG HINDI MATUKOY NA LALAKI NA NAGKAGUSTO UMANO SA KANYANG ASAWA AT MAAARING RAPE ANG MOTIBO SA NASABING KRIMEN.

GAYUNMAN KINUKUMPIRMA PA NG SOCO KUNG BIKTIMA NGA NG PANGGAGAHASA ANG DALAWA SA MGA BIKTIMA BAGAMAT WALA NA ITONG SAPLOT SA KATAWAN NG MATAGPUAN.

PATULOY DIN ANIYA ANG PAGHAHANAP NG BULACAN PNP SA PATALIM NA GINAMIT SA KRIMEN

Read 323 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.