JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGSABOG SA SAN JOSE COCKPIT, BATANGAS, 1 PATAY, 1 KRITIKAL

By: Jose Koi Laura

PATAY ang isang Barangay tanod habang sugatan naman ang kasama nito at limang sasakyan pa ang nadamay matapos sumabog ang isang granada.

Ang mga biktima ay sina Jeffrey Magtaas 33 taong gulang, Ben Hidalgo 50 taong gulang, pawang mga Brgy. Tanod sa Barangay Aguila ng naturang bayan.

Ayon sa report dakong 11:00 ng gabi ng makatanggap ng tawag ang mga kapulisan hinggil sa nasabing insidente na mabili nirespondehan ng mga otoridad at base sa pagsisiyasat naka duty umano ang dalawang biktima ng mayroon biglang sumabog sa may parking lot ng nasabing istablisyemento at aksidenteng natamaan ang mga ito na agad isinugod sa San Jose District Hospital subalit idineklarang Dead on arrival si Magtaas ng rumespondeng Doktor na si Dra. Lorena Villanueva, habang habang kritikal naman si Hidalgo.

Nadamay naman sa pagsabog ang mga sasakyan kabilang ang isang Toyota Corolla na may plakang WAG 359, Owner type jitney DJB 634, Suzuki Celerio UOK 275, Suzuki Swift UE 8977 at Kawasaki na motorsiklo VK 4453.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang mga sharp nails ng sumabog na granada.

Inaalam na ng mga otoridad kung saan nanggaling at sino ang responsable sa nasabing pagsabog na naging sanhi ng pagkamatay at pagkakasugat ng dalawang biktima at pagkasira ng mga sasakyan.

Read 2742 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.