JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SUSPEK SA BUMARIL AT SUMAGASA NG TRAFFIC ENFORCER, NAHULI NA!

Nahuli na ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Aparri, Cagayan Police ang suspek na bumaril at nanagasa sa isang traffic enforcer sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar, simula noong October 1 ay nagsasagawa na ang kanilang hanay ng hot pursuit operatios para suspek na kinilala bilang si Geronimo Iquin na isa palang mekaniko.

Una umano itong sinundan at hinanap sa San Miguel Bulacan hanggang Nueva Ecija at mula naman sa Nueva Viscaya ay nakarating ang mga otoridad sa Aparri kung saan tuluyang natagpuan ang suspek sa isang Dream Land Hotel.

Samantala, sumuko naman nang maayos si Iquin kung saan sinabi nito na nadala lamang umano siya ng init ng ulo dahilan para magawa niya ang krimen.

Matatandaang nakita sa dashcam na binaril at saka sinasagasan ni Iquin ang traffic enforcer na si Ernesto Paras nang makita nitong binabaklas ang plaka ng kanyang sasakyan dahil sa pagdo-double parking ng suspek sa Cubao.

Read 2733 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.