JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ISABELA, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA DRY SPELL

Nagdulot ng malaking pinsala sa mga pananim na mais at palay ang naranasang tagtuyot sa Isabela kaya naman isinailalim na ito sa state of calamity.

Sa sulat ni Gov. Dy na si Ginoong Tumamao ay nagprisinta sa harapan ng mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan ukol sa pinsala ng mais at palay na likha ng kakulangan ng tubig ulan at mataas na temperatura simula pa noong unang bahagi ng 2016.

Napapaloob sa sulat na napinsala ang 58,000 na ektarya ng mais at palay na karamihan ay nasa vegetative at reproductive stage.

Umaabot ang production loss sa P976,097,435 batay sa umiiral na presyo ng mais.

Hanggang noong Agosto 2016 ay mayroon nang 43,399 na magsasaka ng palay at mais ang apektado sa Isabela.

Read 1983 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.