JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TOP 7 MOST WANTED DRUG PUSHER, DEAD ON THE SPOT

BY: JOJO SICAT

Dead on the spot kagabi ang tinaguriang number 7 sa top 10 na talamak na tulak ng illegal na droga sa Mendez Cavite matapos manlaban sa mga pulis.

Nakilala ang nasawing suspect nasi Ronnie Bacos matapos na magpaputok ang kasama nitong angkas sa motor habang papatakas 11.56 kagabi na naganap sa Barangay Pulong Bunga Silang Cavite.

Ayon kay P/ Senior Insp. Ricardo B. Legaspi ng Cavite PAIDSOTG isinagawa nila ang buy bust operation sa boundary ng Mendez at Tagaytay subalit umabot hanggang Silang Cavite ang transaksyon kung saan nakatunog ang suspect at ang kasama nito na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo.

Hinabol ng mga pulis ang dalawang suspect subalit nagpaputok ang angkas ni Bacos kaya't napilitan gumanti ang mga operatiba kung saan tinamaan ang suspect habang nakatakas ang kasama nito.

Bukod sa Cavite PAIDSOTG kabilang rin sa operasyon ang Silang PNP na pinamumunuan ni P/ Supt. Robert Rodelas Baesa.

Narekober naman sa crime scene ang isang Cal.38 revolver na gamit ng nasawing suspect, isang pistol na hindi pa malaman kung anong uri at ilang empty shells ng 9mm pistol.

Read 6413 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.