JoomlaLock.com All4Share.net

World

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Hinirang si US President-elect Donald Trump bilang Person of the Year ng sikat na Time magazine para sa taong 2016.

Nakuha ni Trump ang pagkilala makaraan itong mahalal bilang ika-45 pangulo ng Amerika.

Ayon sa Time magazine, ang natalong kandidato na si Hillary Clinton ang nasa ikalawang pwesto ng kanilang listahan.

Aniya, naging “straightforward” ang pagkakapili kay Trump para sa taong ito.

Itinuturing naman ito ni Trump bilang isang malaking karangalan, at aniya, mahalaga para sa kaniya ang nasabing pagkilala.

"To be on the cover of Time as Person of the Year is a tremendous honor," ani Trump.

Kabilang na sa mga naging Person of the Year ng magazine ay si U.S. President Barack Obama na dalawang beses kinilala, Pope Francis, Russian President Vladimir Putin at Facebook founder Mark Zuckerberg.

BIRD FLU ALERT STATUS, ITINAAS SA SOUTH KOREA

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Dalawang panibagong kaso ng bird flu ang naitala sa dalawang duck farms sa Central at Southwestern Region base ito sa abiso ng Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ng South Korea.

Lahat umano ng 30,500 na bibe sa nasabing farm ay kinatay na para makatiyak na hindi na makapagkakalat pa ng sakit

Habang ang isa pang kaso ay natuklasan sa chicken farm sa Yangju City sa Seoul.

Ayon pa sa ministry, dalawa pang poultry farms sa iba pang bahagi ng South Korea ang kanilang sinusuri.

Dahil dito, mula sa “alert” ay itinaas na sa “caution” ang antas ng alerto ng bird fle dahil nadaragdagan ang mga farm na nag-uulat ng hinihinalang kaso ng sakit.

Sa kabuuan, umabot na sa 510,000 na mga ibon ang nakatay para maiwasan ang pagkalat ng virus, ito ay katumbas ng 1% ng poultry population ng South Korea na nasa 84.7 million.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Nagbitiw na sa pwesto ang Mayor ng West Virginia dahil sa isyu ng racism laban kay US first lady Michelle Obama.

Tinawag ng isang empleyado ng Clay, West Virginia na “unggoy” ang first lady sa Twitter kung saan nagreply dito ang Mayor na si Beverly Whaling at sinabing natuwa siya sa post.

Dahil dito marami ang nagreklamo at napilitang magbitiw ang alkalde.

Ang kanyang resignation letter ay isang pangungusap lang habang hindi naman malinaw kung nagresign o tinanggal sa pwesto ang empleyado.

Humingi na ng paumanhin ang Clay town council sa isyu.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Nag-alok ng tatlong buwan na amnestiya ang bansang Qatar laban sa mga iligal na naninirahan sa nasabing bansa.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III base sa impormasyong ipinadala ni Labor Attaché David Des Dicang ng Philippine Overseas Labor Office sa Qatar, inihayag ng Qatar’s Ministry of Interior (MOI) ang nasabing amnestiya para sa mga manggagawang Pinoy na iligal na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Sakop ng nasabing amnestiya ang lahat ng dayuhan na naninirahan sa Qatar na nilabag ang Law No. 4 of 2009, na nagsasaad na nire-regulate ang pagpasok, paglabas at residence at sponsorship ng mga expatriates.

US MAYORS VS TRUMP MASS DEPORTATION

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Tiniyak ng mga Democratic mayors sa malalaking lungsod sa Amerika na poprotektahan ang kanilang mga mamamayan laban sa deportasyon.

Sa gitna ito ng banta ni U.S. President-elect Donald Trump na ipapa-deport ang nasa 3 milyong illegal immigrants sa Estados Unidos kapag siya na ang nakaupo sa White House.

Sinabi ni Seattle Mayor Ed Murray, mananatiling bukas ang kaniyang lungsod para sa immigrants.

Ayon naman kay Newark, New Jersey Mayor Ras Baraka, nakakatakot ang mga pinagsasabi ni Trump tungkol sa immigration.

Nangako rin si Philadelphia Mayor Jim Kenney na poprotektahan ang mga residente nito.

Sa Los Angeles sa California, sinabi ni Mayor Eric Garcetti, didistansiya sila sa immigration issues na sinang-ayunan maging ng LA police.

Ilan pa sa nangakong lalabanan ang nais ni Trump na mass deportation ay sina New York Bill de Blasio, Rahm Emmanuel ng Chicago at Mayor Jorge Elorza ng Providence, Rhode Island.

Pinawi ng mga ito ang pangamba ng immigrant population sa kanilang mga lungsod.

Ang nasabing mga lungsod ay tinaguriang "sanctuary cities" kung saan pinoprotektahan ang mga illegal immigrants kahit na may paglabag sa immigration law sa Amerika.

Nabatid na sa ngayon mayroong 31 sanctuary cities sa Amerika.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Isinisi ni President-elect Donald Trump sa media ang malawakang kilos protesta ngayon sa Amerika matapos siyang maihalal bilang susunod na pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa.

Sa kaniyang unang Twitter post matapos ang eleksyon, sinabi ng business tycoon na katatapos lang ng matagumpay na halalan ngunit "unfair" aniya ang mga kilos protesta laban sa kaniya.

Ayon kay Trump, ang mga pag-aaklas ay dahil umano sa panunulsol ng media.

"Just had a very open and successful presidential election. Now professional protesters, incited by the media, are protesting. Very unfair!" ani Trump.

Napag-alaman na lumawak pa ang anti-Trump protest sa halos 30 lungsod.

Sa Portland, Oregon, inihayag ng mga otoridad na riot na ang nangyayari kung saan binabato raw ng projectiles ang mga pulis at maraming sasakyan ang sinira.

Hindi naman nilulubayan ng mga nagpoprotesta ang harap ng Trump Tower sa New York.

Page 9 of 39