JoomlaLock.com All4Share.net

World

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Gina Mape

DADAONG ngayon sa South Harbor ng Maynila ang New Zealand ship para sa tatlong araw na good will visit.

Ayon sa Philippine Navy, alas-10 ng umaga ngayon ay darating sa Pier 15 ang barkong Te Kaha na inaasahang magbubukas ng panibagong sigla sa ugnayan ng Pilipinas at New Zealand.

Bago ito ay magkaroon muna ng simbolikong meeting procedure ang Frigate Helicopter ship Te kaha at ang BRP Raja Humabon sa bahagi ng Corregidor Island.

Pagkatapos ng meeting procedure ay isasagawa na ang welcome ceremony sa Pier 15, South Harbor na pangungunahan ni Philippine Navy Commodore James Gilmore kung saan sasalubungin nila si Commodore Stephen John Lenik ng New Zealand Navy Maritime at mga opisyal nito.

Ang goodwill visit ay inaasahang magpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at New Zealand para sa serye ng aktibidad at pagtutulungan sa paglaban sa terorismo, pamimirata at transnational crime.

Ang Te Kaha ay magtatagal sa bansa nang hanggang Abril 7.

PILIPINAS AT THAILAND, LUMAGDA SA TOURISM AGREEMENT Top Story

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Gina Mape

NAGKASUNDO ang Pilipinas at bansang Thailand upang muling palakasin ang 23-anyos na tourism cooperation agreement.

Nilagdaan nina Tourism Secretary Wanda Teo at Thai Ministry of Tourism and Sports Minister Kobkarn Wattanayrangkul ang Implementing Program of Tourism Cooperation 2017-2022 sa Santi Maitri Building of the Government House of Thailand.

Sa pinadalang statement ng DOT, ibinatay ang implementing program sa Memorandum of Agreement on tourism cooperation na nilagdaan sa Maynila sa pagitan ng Pilipinas at Kingdom of Thailand noong March 24, 1993.

Laman ng kasunduan na palalakasin ng dalawang bansa ang paghimok sa kanilang mga local travel agents na isulong bilang tourism destinations ang Pilipinas at Thailand sa sa pamamagitan ng one-tour promotional package.

“Under the agreement, officials and staff of both participants shall visit each country to build their capacity in the areas of tourism development, administration and finance, human resource, marketing and promotions and standards and regulations”, ayon sa DOT.

Bunga nito, kumpiyansa ang Manila-based travel and tour operators na palalakasin ng shared tourism program ang Pilipinas at Thailand bilang tourism destinations.

Noong 2016, tumaas ng 8.8 percent ang visitor arrivals mula sa Thailand o kabuuang 47, 913, o 10 porsiyento ng total arrivals mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Naniniwala rin si Teo na ang hakbang ay magsisilbing daan sa tourism educational institutes ng dalawang bansa upang makiisa sa pagpapalitan ng technical materials, pagpapadala ng mga eksperto upang magbigay ng lectures at impormasyon para sa tourism-related training.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
By: Gina Mape
 
PATAY ang isa hahang 7 ang natangay nang salakayin ng mga pirata ang Vietnamese vessel na may sakay na 25 tripulante sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi.
 
Sa pinadalang report ni Philippine Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, ala-7:10 kagabi nang salakayin ng mga armadong lalaki ang MV Giang Hai naglalayag sa layong 17 nautical miles Hilaga ng Pearl Bank.
 
Humingi naman ng saklolo ang Vietnamese Coast Guard sa Philippine Coast Guard na kaagad namang nagsagawa ng rescue operation.
 
Nabatid na mula sa Pearl Bank, napadpad ang sinalakay na barko sa Baguan Island sa Taganak.
 
Sakay ang mga tauhan ng Philippine Marines at Philippine Coast Guard, dalawang speedboat ang mabilis na idineploy ng Coast Guard Station sa Taganak.
 
Matapos ang ginawang maritime patrol, nailigtas ng mga Pilipinong operatiba ang 17 Vietnamese na sakay ng barko, ngunit  isa sa mga dayuhan ang namatay sa pag-atake.
 
Pitong iba pang tripulante ng Vietnamese vessel ang tinangay ng mga sumalakay na armadong lalaki na nagtungo sa hindi pa mabatid na lugar.
 
Sinabi ni A Balilo, na nagsasagawa sila ng imbestigasyon sa insidente na posibleng kunektado sa naganap na pagdukot.
Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Jojo Sicat

NANINIWALA si Department of Justice ( DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na hindi 600 na Chinese nationals ang nakatakas sa detention sa Fontana sa Subic Clark matapos na naaresto ang mga ito noong Nobyembre 24,2016 dahil sa iligal na nagtratrabaho sa bansa.

Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni Aguirre na umabot sa 800 ang nakatakas sa Fontana na Chinese nationals taliwas sa report ng Bureau of immigration (BI).

Hindi naman makumpirma ito ni BI Commissioner Jaime Morente nang tanungin sa Senado kung saan hiniling ni Senador Richard Gordon ang Chairman ng Blue Ribbon Committee na ibigay sa Senado ang tamang bilang ng mga nakatakas na Chinese nationals.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig isinalaysay ni Aguirre ang tangkang panunuhol sa kanya ni dating P/Sr. Supt. Wally Sombero noong November 26, 2016 sa Shangri-la The Fort kasama si Chinese Gambling tycoon Jack Lam at dalawang interpreter nito.

Muli sinabi ni Aguirre na inalok ito ni Sombrero na maging ninong ni Jack Lam sa negosyo nito.

Sinabi pa ng kalihim na tatlo ang hinihiling kampo ni Jack Lam, ang pagpapalaya sa 1,316 na Chinese nationals, pangalawa babayaran ang accountability o buwis at magse-secure ng license.

Subalit ang hindi aniya nagustuhan ni Aguirre ang ginawang pag-alok ni Sombrero nang sabihing matagal ng walang ninong si Lam at maari na na maging ninong nito ang Secretary ng Department of Justice dahilan upang tapusin nito ang naturang pagpupulong.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Gina Mape

NAGTALAGA na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng bagong  piskal na hahawak sa kaso ng dinukot na negosyanteng Koreano na pinaniniwalaang biktima ng "tokhang for ransom."

Ipinalit ni Aguirre si Prosecution Attorney Loverhette Jeffrey Villordon sa nag-inhibit na si Assistant State Prosecutor Hjalmar Quintana.

Ang pagbibitiw ni Quintana ay kasunod ng motion for inhibition na inihain ng kampo ng respondent na police.

Bunsod nito, si Villordon na ang mangunguna sa pagdinig sa kasong kidnapping na isinampa ng PNP-Anti Kidnapping Group patungkol sa pagkawala ni Jee Ick Joo.

Si Jee ay napaulat na dinukot mula sa kanyang bahay sa Angeles City sa Pampanga matapos ang sinasabing drug operation noong October 18, 2016.

Walo ang hinihinalang sangkot sa operasyon na kinabibilangan ng isang pulis na may ranggong SPO3 o Senior Police Officer 3 at pinangalanang respondent sa reklamong nakabimbin ngayon sa DOJ.

Tiniyak ni Aguirre ang mabilis na pag-usad ng reklamong kidnapping at serious illegal detention na inihain ng PNP-AKG laban sa tatlong napangalanang respondent.

Una nang isiniwalat ni Atty. Bryan Bantilan, abogado ni Choi Kyung Jin, maybahay ng biktimang si JEE ICK JOO, na nasa protective custody na ng PNP-AKG ang kasambahay ng mag-asawang Koreano na kasamang tinangay ng biktimang negosyante nang araw na ito ay madukot.

Ayon kay Bantilan, ang kasambahay na pinakawalan din kinabukasan ng mga kidnapper ay itinuturing na pangunahing testigo.

Nabatid rin na nang bayaran ni Choi ang limang milyong pisong ransom nuong October 31, 2016 sa isang fast food chain sa Angeles City ay wala pang proof of life o patunay na buhay pa ang kanyang asawa.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Boyet Guillermo

PATULOY ANG PAGDATING sa NAIA ng mga kandidata para sa 2017 Miss Universe na gaganapin sa ating bansa ngayong buwan ng Enero a trenta.

Sa araw na ito darating sa magkakaibang oras ang 26 na naggagandahang kandidata 15 kandidata ang lalapag sa terminal 1 at 11 sa terminal 3.

Sa mga oras na ito kung saan ang original time ng Arrival na 11:55 na unang darating dito sa Terminal 1 ang pinakamagandang dilag at kandidata ng Germany na si Johane Acs at si Norway Cristina Waage.

Ang dalawang magagandang binibini ay magkasabay at iisa ang sinakyang flight TG-620.

Samantala dumating kanina madaling araw dakong alas 12:10 ang kandidata ng Jamaica na si Isabela Dalley at si Teodora Dan na lumapag ng 5:00 kaninang umaga

Nang dakong alas-9:40 naman kaninang dumating si Dajana Dzinic ng Austria at ang sumunod na dumating ay si Shannon Harris ng Barbados na dumating ng alas-9:55.

Page 7 of 39