JoomlaLock.com All4Share.net

World

34 KATAO PATAY SA CAR BOMB SA AFGHANISTAN

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

TATLUMPU'T APAT (34) KATAO ANG PATAY HABANG HIGIT SA SINGKWENTA (50) ANG SUGATAN MATAPOS ANG PAGSABOG SA HARAP NG ISANG BANGKO SA PROBINSYA NG HELMAND, AFGANISTAN.

AYON SA ULAT, SUMABOG UMANO ANG BOMBA SA HARAP NG NEW KABUL BANK SA LASHKAR GAH.

PINANINIWALAANG TALIBAN ANG NASA LIKOD NG PAGTATANIM NG MGA BOMBA.

KABILANG SA MGA CASUALITIES ANG ILANG MGA GUWARDIYA, TRABAHADOR AT MGA MAMIMILI NA NAGHAHANDA PARA SA EID. (BBC)

 

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

KUMPIRMADO 19 na ang patay habang nasa 50 ang sugatan sa naganap na pagsabog kasabay ng concert performance ni Ariana Grande sa Manchester Arena.

Tiniyak ng British police na habang nasa kalagitnaan ng pagtatanghal si Ariana ay may biglang narinig ang malakas na pagsabog sa Manchester Arena na sinundan ng mga hiyawan at iyakan ng mga nanunood.

Malaki naman ang paniniwala ng Greater Manchester Police na 'act of terrorism' ang ginawang pagpapasabog sa Manchester Arena.

Walang Pinoy na nadamay sa nangyaring pagsabog sa concert ni Ariana Grande sa Manchester Arena, yan ang kinumpira ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon pa sa DFA, ‘closely monitoring’ ang kanilang ginagawa ngayon kasama ang Philippine Embassy sa London upang matiyak na walang nadamay na kababayan.

Inabisuhan na rin aniya nila ang mga Pinoy sa lugar na iwasan muna ang blast site maging ang mga matataong lugar upang makaiwas sa disgrasya.

Sa ngayon ay wala pa namang travel advisory na ipinapalabas ang Embahada ng Pilipinas sa Manchester.

Sa darating na buwan ng Agosto ngayong taon ay may comeback concert sa Pilipinas si Ariana Grande. Una na niyang pinasaya ang kanyang mga fans noong 2015.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Jojo Sicat

ARESTADO ang isang Chinese national matapos mahulihan ng milyun-milyong pisong halaga ng umano'y shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Maynila kagabi.

Isang Niko Sy ang pangalan ng suspek pero may isa pang ID ito na may nakasulat na pangalang Shi Yong Ming.

Ayon sa Manila Police District Station 9, kumagat sa kanilang patibong ang suspek na matagal nang sinu-surveillance kaya't nahuli nila ito.

Nagpanggap na bibili ng shabu ang isang operatiba na nagkakahalaga ng isang milyong piso at nang magka-abutan na ay dito na inaresto si Sy na sinasabing isang bigtime drug dealer.

Nakumpiska mula kay Sy ang umano'y dalawang (2) plastic sachet na naglalaman ng dalawang kilo ng shabu na may street value na P8 milyon, drug money na P250,000 at 1 million pesos na buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs act of 2002.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Melchor Balawas

HINARANG daw ng Russia ang panibagong United Nations (UN) security council resolution na kumokondena sa North Korea dahil sa nuclear missile test nito.

Batay sa lumabas na ulat, nakasaad daw sa nasabing resolusyon ng UN security council na hindi na puwedeng magpatupad pa ng nuclear test ang North Korea.

Batay pa sa ulat, sinuportahan naman daw ng China ang mabigat na resolusyon sana ng UN security council pero laking gulat daw ng ilang miyembro na hinarang ito ng Russia.

Ang China ang pinakamatalik na kaibigan ng North Korea kung saan ito ang inaasahan ng UN na kumumbinse sana sa North Korea na iwanan na ang nuclear weapons program nito.

Nais daw ng Russia na isama sa nasabing resolusyon ang panawagan na dapat idaan sa usapan ang resolusyon ng nuclear weapons program ng North Korea.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Melchor Balawas

NILINAW ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang bagong application ng China na humihingi ng pahintulot sa Pilipinas upang magsagawa ng anumang pag-aaral sa Benhamr Rise.

Sa isang pahayag, sinabi ni DFA Secretary Fernando Manalo na kung gustuhin ng China na magsagawa ng panibagong exploratory activities sa Benham Rise ay kailangan nilang kumuha ng permit mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Gayunpaman, sinabi ni Manalo na kahit ibang bansa ay puwedeng maghain ng application sa Pilipinas para sa kaukulang permit.

Paliwanag ni Manalo na may mga ilang panuntunan lang na kailangan sundin bago magsagawa ng anumang exploratory activities sa Benham Rise.

Uminit ang usapin sa Benham Rise matapos ibunyag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagsagawa ng maritime survey ang China sa lugar na walang pahintulot ng bansa.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

By: Melchor Balawas

NANAWAGAN ang grupo ng foreign ministers na bumubuo sa G7 industrialized nations sa pagpapatupad sa desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration na nagpawalang bisa sa pag-angkin ng China sa South China sea.

Sa isang communique’ (kommuni-ki) na ipinalabas ng nasabing grupo, tinututulan din nila ang pagpapatayo ng mga bagong military structures sa South China sea.

Iginiit din ng G7 foreign ministers na tinututulan din nila ang anumang unilateral actions na magpapataas ng tensyon sa lugar tulad ng reclamation at paggamit ng puwersa.

Kung matatandaan, dumulog ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration upang ipawalang bisa ang territorial 9-dash claims ng China sa South China sea kung saan pumabor ang ruling sa Pilipinas.

Ang grupo ng G7 nations ay binubuo ng United States of America, Canada, France, United Kingdom, Japan, Italy at Germany.

Page 6 of 39