JoomlaLock.com All4Share.net

World

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: BUILDEX PAGALES

PATAY MATAPOS PAGBABARILIN SA LOOB NG KANYANG BAHAY ANG ISANG 25-ANYOS NA PROFESSIONAL MMA FIGHTER SA FLORIDA, USA. 

AYON SA REPORT, PINASOK UMANO NG MGA ARMADONG KALALAKIHAN ANG BAHAY NI AARON RAJMAN SA BOCA RATON, FLORIDA, LUNES NG GABI. 

AYON SA PALM BEACH COUNTRY SHERRIF'S OFFICE, NAGKAROON UMANO NG PAGTATALO SA PAGITAN NI RAJMAN AT NG SINASABING MGA KALALAKIHAN SAKA ITO PINAPUTUKAN.

SI RAJMAN AY TEAMMATE NG ILANG UFC SUPERSTARS SA AMERICAN TOP TEAM (ATT) GYM, KABILANG NA DITO ANG UFC CHAMPION NA SI AMANDA NUNES, MAGING ANG DATING HEAVYWEIGHT CHAMP JUNIOR DOS SANTOS. 

NAKIKILALA DIN SIYA BILANG ISA SA MGA ORTHODOX JEWS SA MMA.

PATULOY PA RIN ANG IMBISTIGASYON NG MGA OTORIDAD SA INSIDENTE. (BBC)

 

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: DAYNE SAMONTE

TATANGGALIN NA NG KUMPANYANG SHELL ANG LIFE-SIZE NA CARDBOARD CUT-OUT NG ISANG BABAENG EMPLEYADO SA LAHAT NG GASULINAHAN SA BUONG MALAYSIA.

ITO AY MATAPOS KUMALAT ANG ILANG MGA LITRATO SA SOCIAL MEDIA NA NAGPAPAKITA NG MGA LALAKENG HUMAHALIK SA ISANG CARDBOARD CUT-OUT NG ISANG BABAE.

ANG MALAYSIA AY ISANG BANSA NA KARAMIHAN AY MUSLIM ANG NANINIRAHAN AT KILALA ITO BILANG ISANG KONSERBATIBONG BANSA. 

ANG SHELL AY MAYROONG 950 NA OUTLETS SA BUONG MALAYSIA AT SINABI NG KUMPANYA NA HINDI NILA PAPAYAGAN ANG DI KAAYA-AYANG MGA AKTO NA TALIWAS UMANO SA UGALI AT KULTURA NG BANSA. 

AYON SA KOMPANYA, INEENGGANYO NILA ANG MGA NETIZENS AT ANG PUBLIKO NA IWASANG IKALAT PA ANG MGA LITRATONG NABANGGIT. 

IPINAPAKITA SA CARDBOARD CUT OUT ANG LIFESIZE NA 25 NA TAONG GULANG NA BABAE. MAY SUOT NA PULANG PANTAAS AT ITIM NA PAMBABA, AT MAYROONG SUOT NA ITIM NA HEADSCARF. 

AYON SA BABAENG NASA LITRATO, SIYA AY NAPAHIYA DAHIL SA MGA KUMALAT NA LITRATO. 

ANG ISANG LALAKE NA NAG-POST NG APAT NA MINUTONG VIDEO SA FACEBOOK KUNG SAAN HINAHALIKAN NITO ANG NATURANG CARDBOARD AY HUMINGI NA NG TAWAD AT SINABING HINAYAAN NIYANG DALHIN SIYA NG KANYANG EXCITEMENT KAYA NIYA ITO NAGAWA. 

 

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BY: KIMBERLY SABANGAN
 
NADIPENSAHAN NG ISANG AMERIKANO ANG KANYANG TITULO SA IKA-SAMPUNG TAON MATAPOS KUMAIN NG 72 HOT DOGS SA LOOB NG SAMPUNG MINUTO.
 
SI JOEY CHESTNUT NA TAGA-CALIFORNIA, USA AY PINANGARALAN SA TAUNANG PALIGSAHAN NG PAGKAIN NG HOTDOG O NATHAN’S HOT DOG EATING CONTEST NA GINAGANAP SA CONEY ISLAND NA GINAGANAP TUWING IKA-APAT NG HULYO.
 
SINUNDAN NAMAN ITO NI MIKI SUDO NA NANALO NAMAN SA WOMEN’S CONTEST DAHIL SA RECORD NA 41 HOTDOGS NA NAKAIN SA LOOB NG SAMPUNG MINUTO. (BBC)
Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: ISTEPHANIE NAVA

ANIM NA BUWANG GULANG NA SANGGOL ANG PATAY MATAPOS UMANONG MAGTAMO NG MATINDING PINSALA NA NAGBUNGA NG KANYANG PAGKAMATAY. UMAMIN ANG 33-ANYOS NA SI LEE PARKER NA AMA MISMO NG SANGGOL NA SIYA ANG PUMATAY SA BIKTIMA.

AYON SA ULAT, LULONG UMANO SA ALAK AT DROGA ANG SALARIN NG MAPATAY NITO ANG SARILING ANAK NA NAKILALANG SI AYA PARKER.

LUMABAS SA GINAWANG PAGSUSURI NA NAMATAY ANG BIKTIMA SA PAMAMAGITAN NG MATINDING PINSALANG NATAMO NITO SA BAHAGI NG KANYANG ULO NA NAG SANHI NG PAGKABASAG NG KANYANG BUNGO.

PINATAWAN NI JUSTICE PHILLIPS NG BRITTON GARDENS, KINGSWOOD, BRISTOL ANG SUSPEK NG HABANG BUHAY NA PAGKAKABILANGGO.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY. DENNIS LIMPIADA

 

ISANG MAKULAY NA SELEBRASYON NG PAGPAPAHAYAG NG MALAYANG PAKIKIBAHAGI NG LGBT COMMUNITY SA ATING LIPUNAN ANG ISINASAGAWA TAON-TAON.

LIBU-LIBO ANG DUMADALO SA PINK DOT RALLY SA BANSANG SINGAPORE BILANG PAGPAPAKITA NG SUPORTA AT PAGKILALA SA KARAPATAN NG BAWAT LGBT.

NGUNIT HABANG ANG PAGDIRIWANG NA ITO AY ITINUTURING NA ISANG MALAKING KAGANAPAN, TINAASAN ANG ANTAS NG PAGHIHIGPIT SA MGA ESTADO UKOL DITO.

SA KABILA NG PATULOY NA PAGLAWAK NG SAMAHANG ITO, ANG MGA DAYUHAN SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON NGAYONG TAONG ITO AY HINDI PINAYAGAN NA DUMALO AT MAKIISA GAYUNDIN ANG MGA FOREIGN SPONSORSHIP SA NATURANG RALLY.

GAYUNPAMAN, SA KABILA NG MGA PAGSUBOK NA ITO, TULOY ANG KAMPANYA AT PAGPAPALAWIG NG PANTAY AT PATAS NA KARAPATAN PARA SA LGBT COMMUNITY.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: ISTEPHANIE NAVA | 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

PATAY ANG ISANG LALAKI SA MINNESOTA MATAPOS ITONG BARILIN SA DIBDIB NG KANYANG KINAKASAMA.

NAKILALA ANG BIKTIMA NA SI PEDRO RUIZ AT ANG KANYANG KASINTAHAN NA SI MONALISA PEREZ.

AYON SA OTORIDAD, ISANG 'SOCIAL MEDIA STUNT' ANG GINAWA NG DALAWA KUNG SAAN AY BABARILIN NI PEREZ SI RUIZ AT SUSUBUKAN NILANG PIGILIN ANG BALA GAMIT ANG ISANG MAKAPAL NA LIBRO PERO HINDI INAASAHAN NG DALAWA NA TUMAGOS ANG BALA NG 50-CALIBRE DESERT EAGLE SA LIBRO NA NAGING SANHI NG PAGKAMATAY NI RUIZ.

HUMAHARAP ANG 19-TAONG GULANG NA SI PEREZ SA SECOND DEGREE MANSLAUGHTER. 

AYON SA TIYAHIN NI RUIZ, NAIS LAMANG NILANG SUMIKAT AT MAGKAROON NG MARAMING VIEWERS SA KANILANG ACCOUNT.

KASALUKUYANG NAGDADALANG TAO SI PEREZ AT INAASAHAN ANG KANILANG PANGALAWANG SUPLING.

Page 4 of 39