JoomlaLock.com All4Share.net

World

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: DENNIS LIMPIADA/ 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NAPUNO NG EMOSYON  ANG KAARAWAN NG 50-ANYOS NA LALAKI NA SI CHRIS SMELCER MATAPOS ITONG MAKATANGGAP NG ESPESYAL NA REGALO MULA SA KANYANG ASAWA.

BAKAS NA BAKAS SA MUKHA NITO ANG TUWA SA KANYANG MGA MATA NANG BUKSAN NITO ANG REGALONG SALAMIN NG KANYANG ASAWA NA SI DELILA LALO NA NG ISUOT ANG SALAMIN. TANGING PUTI AT ITIM LAMANG ANG NAKIKITA NI SMELCER SA BUONG BUHAY NITO.

PAHAYAG NI DELILA, WALA UMANONG NASABI ANG KANYANG ASAWA SA REGALO KUNG HINDI ANG PASASALAMAT AT GALAK. KAYA NAMAN NAPAIYAK NA LAMANG ITO.

KINUNAN DIN NIYA NG VIDEO ANG KANYANG ASAWA UPANG MASAKSIHAN NILA ANG REAKSYON NITO NA PAWANG KAGALAKAN.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: ISTEPHANIE NAVA/8 TRIMEDIA NEWS TEAM

MAHIGIT 500 KILO NG IMPORTED NA KARNE MULA SA BANSANG BRAZIL ANG NAGPOSITIBO SA SALMONELLA BACTERIA AYON SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE.

TINAGURIANG PINAKA-MALAKING BEEF EXPORTER SA BUONG MUNDO ANG BRAZIL. 

AYON SA BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY NG D.A, SA 162,000 KILOS NA KARNE NG BAKA AT 336,000 KILOS NA MECHANICALLY DE-BONED MEAT NA BINILI SA BRAZIL NOONG MAY 10 HANGGANG JUNE 20, 498 KILOS NITO ANG NAHAWAAN NG SALMONELLA.

AYON DIN SA ILANG ULAT AY ITINIGIL NA NG D.A ANG PAG-IISYU NG PERMITS SA WALONG KUMPANYA NA NAG-IIMPORT NG NASABING MGA KARNE.

MATATANDAANG NOONG NAKARAANG HUNYO LAMANG AY NAG PATUPAD NG BAN ANG US SA SARIWANG KARNE NG BAKA MULA SA BRAZIL MATAPOS HINDI ITO PUMASA SA SANITARY INFECTION AND IMPORTATION.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: MATTHEW ESCOSIA | 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

HINULI NG MGA OPISYAL ANG TATLONG PLAYBOY PLAYMATES SA ISANG PARTY MATAPOS PANIWALAAN NG IMMIGRATION NA MAY MALI SA DALA NILANG VISA. 

ANG MGA MODEL NA SINA ELIF CELIK NG TURKEY, MARIE BRETHENOUX NG FRANCE, AT LAURYN ELAINE NG U.S., AY NAGDIRIWANG SANA NG MUSIC FEST NG PLAYBOY SA MERIDA, MEXICO NANG BIGLANG NI-RAID SILA NG IMMIGRATION OFFICERS AT KINULONG NG ISANG ARAW.

AYON KAY BRETHENOUX, HINDI RAW NAGING MAAYOS ANG PAGTRATO SA KANILA SA KULUNGAN AT KINAILANGAN PA NILANG MANGMALIMOS NG PAGKAIN AT TUBIG SA MGA EMPLEYADO SA KULUNGAN.

KINUNDENA NAMAN NG PLAYBOY MEXICO AT PANG-ARESTO SA TATLO AT SINABING 'ABUSE OF AUTHORITY' ANG NANGYARI DAHIL LAMANG UMANO SA ISANG 'MISUNDERSTANDING'. 

PINALABAS NAMAN ANG TATLO MATAPOS ANG ISANG ARAW NA PAGKAKAKULONG. 

 

 

 

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BY: MATTHEW ESCOSIA | 8 TRIMEDIA NEWS TEAM
 
NAGKAROON NG ISANG NUCLEAR MISSILE TEST ANG NORTH KOREA, KASABAY ANG SELEBRASYON NG 4TH OF JULY INDEPENDENCE DAY NG U.S.
 
AYON SA ULAT NG NORTH KOREAN NEWS AGENCY NA KCNA,  ANG TEST AY ANG PINAKAUNANG MATAGUMPAY NA INTERCONTINENTAL BALLISTIC MISSILE TEST, AT ISA DAW ITONG REGALO GALING KAY NORTH KOREAN LEADER KIM JONG-UN PARA SA MGA TAGA-U.S.
 
SAMANTALA, NAKIPAG-MEETING NA ANG MGA OPISYAL NG U.S. AT UN SECURITY COUNCIL PARA PAG-USAPAN ANG ISSUE. 
 
NANINIWALA SILA NA ANG POSIBLENG TAMAAN NITO AY ALASKA.
 
AYON KAY SECRETARY OF STATE REX TILLERSON, ANG BINALITANG TEST AY NAGREREPRESENTA NG ISANG MAS MAPANGANIB NA THREAT SA PAGITAN NG NORTH KOREA AT BUONG MUNDO. 
 
KAILANGAN DIN DAW MAGSAGAWA NG GLOBAL ACTION PARA MAIWASAN ANG THREAT NA ITO NA PWEDENG MAAPEKTUHAN ANG IBANG BANSA BUKOD SA U.S.
 
SA PAMAMAGITAN NAMAN NG TWITTER, KINWESTYON NAMAN NI U.S. PRESIDENT DONALD TRUMP KUNG MAYROON DAW BANG IBANG MAGAGAWANG MAS MAGANDA SI KIM JONG-UN BUKOD DITO. 
 
ANG MISSILE NA TINEST AY ISANG HWASONG-14 ICBM (INTERCONTINENTAL BALLISTIC MISSILE). ISA ITONG LONG-RANGED MISSILE NA NAGDADALA NG NUCLEAR WARHEAD, AT KAYANG LUMIPAD HANGGANG SAMPUNG LIBONG KILOMETRO.
Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BY: MATTHEW ESCOSIA | 8 TRIMEDIA NEWS TEAM
 
IPINASA NA NG OPISYAL NG HANOI, VIETNAM ANG PAGKAROON NG MOTORCYCLE BAN SA KALSADA SIMULA 2030.
 
UMABOT SA 95 CITY COUNCILORS ANG SUMANG-AYON SA BAN SA ISINAGAWANG PULONG, HABANG 1 LANG ANG TUMUTOL. 
 
ANG BAN AY ISA SA GINAGAWANG SOLUSYON PARA MARESOLBA ANG MATINDING TRAPIK SA LUNGSOD, PATI NA RIN ANG PANGANIB NITO SA KAPALIGIRAN DAHIL SA DAMI NG USOK NA NILALABAS.
 
UMAABOT SA LIMANG MILYON ANG DAMI NG MOTORSIKLO SA HANOI, KUMPARA SA KALAHATING MILYONG KOTSE.
Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: KIMBERLY SABANGAN | 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NANGAKO SI GERMAN CHANCELLOR ANGELA MERKEL NA WELCOME SA BERLIN ANG BAGONG 'SPECIAL ENVOYS' NG CHINA. 

ITO AY MATAPOS NA PORMAL NA IBIGAY NG TSINA SA GERMANY ANG DALAWANG PANDAS PARA SA MAS MAAYOS AT MAS MATIBAY NA PAGKAKAIBIGAN NG DALAWANG BANSA. 

PINANGALANAN SILA BILANG MENG MENG AT JIAO QING.

"I THINK THAT THIS EVENT TODAY IS A SYMBOL OF THE RELATIONSHIP BETWEEN OUR TWO COUNTRIES," AYON KAY MERKEL.

 "EVERYTHING WILL BE DONE TO MAKE SURE THAT THEY FEEL COMFORTABLE HERE" DAGDAG PA NITO. 

MAGUGUNITANG TAONG 1950 AY GINAGAMIT NA NG TSINA ANG MGA PANDA NITO PARA BUMUO NG MATIBAY NA PUNDASYONG PAMPULITIKAL SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO.

NOONG 1980 NANG MAGSIMULANG MAGBIGAY ANG TSINA NG PANDA BILANG REGALONG PANGDIPLOMASYA SA IBA'T IBANG BANSA GAYA NG US, FRANCE, JAPAN, UK AT IBA PA. 

TAONG 1984 NAMAN NG PRESYUHAN ANG MGA PANDA NA NAGKAKAHALAGA NG $1 MILYONG DOLYAR. 

LAHAT NG MGA PANDA NA IPINAPANGANAK ABROAD AY NASA PAGMAMAY-ARI PA RIN NG TSINA. (BBC)

 

Page 3 of 39