JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
AT YOUR SERBIS: DUTERTE “SHAME CAMPAIGN” SA PNP, ‘DI PA TAPOS

by Rose Novenario

HINDI pa tapos ang pagbubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pangalan ng mga opisyal ng PNP na sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, may mga kasunod pang isisiwalat si Pres. Duterte kaya abangan na lang ito ng publiko.

Patunay lang ito kung gaano kalala ang problema sa illegal drugs na maging ang isang institusyon gaya ng PNP ay naimpluwensiyahan na ng drug syndicate.

Sa totoo lang, mas inaasam ng lahat ay ang parusang ipapataw ng administrasyong Duterte sa narco-generals dahil ang mga pipitsuging user at pusher ay pinagtutumba ng walang patumangga ang mga pulis.

Kung nanghihinayang tayo sa magagastos ng gobyerno kapag hinuli, ikinulong at nilitis pa ang small time players sa illegal drug trade kaya agad na pinapatay,bakit sa mga heneral ay ipatutupad at gagastusan ang “due process”?

Mas bibilib tayo na epektibo ang shame campaign at adbokasiya kontra-drugs ni Pres. Duterte kung isang narco-general o narco-politician ang masasampulan ng kanyang ibabalik na death penalty.

***

MAS KAHIYA-HIYA NA NGAYON ANG MAGING PULIS KAYSA MAGING KOMUNISTA

SIGURADONG nagpapalakpakan ang mga rebeldeng komunista sa napakalaking eskandalong nararanasan ngayon ng PNP dahil sa illegal drugs.

Mas magaan na ang “trabaho” ngayon ng NPA dahil makakatipid sila sa bala na gagamitin sana sa pagpaparusa sa mga sangkot sa illegal na droga.

Sa takot ngayon ng mga unipormadong sabit sa illegal drugs na ipahiya ni Pres. Duterte sa publiko, kusa na nilang ihihinto ang illegal na gawain.


Habang ang mga alaga naman ng mga pulis na tulak ay sila na mismo ang magpapatahimik bago pa sila ikanta.

Sa importansiyang ibinibigay ngayon ni Pres. Duterte sa pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa bansa at pagbibigay ng tsansa sa mga maka-kaliwa na sumali sa gobyerno habang hinihiya ang mga pulis na sabit sa criminal syndicates, masasabi natin na mas marangal ngayon na maging komunista kaysa maging pulis.

Tapos na ang kabanata ng kasasysayan na kung ipinta ang isang komunista ay isang kriminal at ang magpakita ng simpatiya o magkaroon ng kaugnayan sa kanya ay isang krimen.

Kaya ganoon na lang kapursigido ang mga maka-kaliwa at oridnaryong mamamayan a tumulong sa administrasyong Duterte, ngayon lang sila naging importante sa gobyerno.

***

TUMAMA RIN SI PING

SA tagal ni Sen. Ping Lacson sa gobyerno, ngayon lang natin siya
pupurihin.

Naghain ng panukalang batas si Lacson na huhubaran ng proteksyon ng Bank Secrecy Law ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno para malabanan ang graft and corruption.

Sa ganitong paraan aniya ay mas magkakaroon ng kapangyarihan ang otoridad na panagutin ang mga magnanakaw sa gobyerno.

Dati kasi’y kailangan pa ng written permission ng depositor o kaya’y kautusan mula sa korte para mapabuksan ang bank account ng isang Filipino.

Pero mas bibilib tayo sa sinseridad ni Ping kontra-koarpsyon kung ang mag-aakda rin siya ng panukalang batas na magsasali sa casino sa sakop ng anti-money laundering law.

Baka kasi sa casino naman ipadaan ng mga mandarambong ang ninakaw nilang kuwarta para madaling ilabas sa bansa gaya ng ginawa ng pangkat ng kaibigan ni Lacson na si Kim Wong sa $81-M na ninakaw sa Bangladesh.

Read 179 times

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.