JoomlaLock.com All4Share.net
Tuesday, 28 November 2017 11:41

SPECIAL SESSION PARA SA BBL IGINIIT NI KOKO

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENATE PRESIDENT AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III NA KAKAILANGANIN NA MAGPATAWAG NG SPECIAL SESSION ANG PANGULONG RODRIGO DUTERTE PARA MAPASPASAN NG SENADO ANG PAGTALAKAY SA PANUKALANG BANGSAMORO BASIC LAW (BBL).

ANIYA NI PIMENTEL MAHALAGA ANG SPECIAL SESSION PARA MAPASPASAN ANG BBL BAGO ANG ADJOURNMENT SA DISYEMBRE 16.

SA KABILA NITO AMINADO NAMAN SI PIMENTEL NA HINDI KASAMA SA PRIORITY AGENDA NG SENADO ANG BBL .

DAGDAG PA NG SENADOR KUKUNSULTAHIN PARIN NITO ANG MGA KASAMAHAN PARA SA NATURANG PAGTALAKAY SA BBL BAGO ANG ADJOURNMENT.

SINABI NAMAN NI PANFILO LACSON NA KAHIT NA WALANG SPECIAL SESSION NA IPATAWAG ANG PANGULO MAARI NAMAN NA MAGSAGAWA NG HEARING ANG SENADO SUBALIT HINDI ITO MATATAPOS BAGO MAG-ADJOURN ANG SESSION SA DISYEMBRE.

SA PARTE NAMAN NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III SINABI NITO NA KAHIT NA MAGSAGAWA SILA NG PAGDINIG NG PASKO AT BAGONG TAON MALABO PARIN NA MATAPOS ANG PANUKALANG BBL.

ANIYA NI SOTTO MAS MAKAKABUTI NA HINDI MAGHAHABOL SA ORAS KUNG TATALAKAYIN NILA ITO SA FIRST QUARTER NG SUSUNOD NA TAON.

Published in National
Thursday, 16 November 2017 06:27

MGA SENADOR PINURI SI PANGULONG DUTERTE

BY: JOJO SICAT

PINURI NINA SENADOR WIN GATCHALIAN AT JOSEPH VICTOR JV EJERCITO SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE AT ANG PHILIPPINE DIPLOMATIC CORPS SA MATAGUMPAY NA HOSTING SA 31ST ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATION O ASEAN SUMMIT.

SINABI NI WIN AT JV KAPURIPURI ANG PAGBIBIGAY NG KARANGALAN NG PANGULO SA GINAWANG PAGHAHANDA SA ASEAN NA HINANGAAN NG MGA LIDER NA MIYEMBRO NG ASEAN.

AYON NAMAN KINA SENADOR SONNY ANGARA AT NANCY BINAY, MAGALING ANG MGA ORGANIZER AT NAGING MAAYOS ANG TAKBO NG EVENT.

NAGPASALAMAT DIN SI BINAY SA MGA LEADERS NG ASEAN SA PAGSUSULONG NG KAPAYAPAAN AT KATATAGAN SA BUONG REHIYON SA LOOB NG 50-TAON.

SA PANIG NAMAN NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III SULIT ANG MALAKING GINASTOS NG PILIPINAS SA KATATAPOS NA ASEAN SUMMIT DAHIL SIGURADONG TRIPLE ANG BALIK O KAPALIT NITO SA BANSA.

PALIWANAG NI SOTTO, BAHAGI NG BENEPISYONG DULOT NG SUMMIT ANG MAGANDANG EPEKTO NITO SA ATING KALAKALAN AT MGA INAASAHANG DAGDAG  O MGA BAGONG MAMUMUHUNAN SA BANSA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

SUPORTADO NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III ANG PAGSUSPINDE NG NATIONAL POLICE COMMISSION (NAPOLCOM) SA OPISYAL NG LOCAL GOVERNMENT UNITS (LGUS) NA NASA NARCOLIST.

AYON KAY SOTTO PANAHON NA PARA TANGGALAN NG POLICE POWER ANG MGA LOKAL NA OPISYAL NA KASAMA SA NARCO LIST O YUNG MGA NASASANGKOT SA ILLEGAL NA DROGA.

GINAWA NI SOTTO ANG PAHAYAG MAKAARANG ISUSPINDE NG NAPOLCOM ANG POLICE POWER NG 25 MGA GOVERNORS AT MAYORS NA UMANOY SANGKOT SA ILLEGAL NA DROGA.

IGINIIT PA NG SENADOR NA DAPAT NA SUMUNOD NA HAKBANG AY ANG PAGSUSPINDE NAMAN NG DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT ( DILG ) SA MGA LOKAL NA OPISYAL NA MAPAPATUNAYANG SANGKOT SA OPERASYON NG ILLEGAL DRUGS.

SUBALIT PAYO NI SOTTO NA DAPAT MUNANG DUMAAN SA MASUSING IMBESTIGASYON AT BERIPIKASYON ANG MGA NASA NARCO LIST.

ANIYA MAY KAPANGYARIHAN ANG DILG NA ISUSPINDE ANG MGA LOKAL NA OPISYAL NA DAWIT HINDI LAMANG SA DROGA KUNDI SA ANUMANG ILLEGAL NA GAWAIN.

Published in National

BY: JOJO SICAT

PINAMAMADALI NA NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III SA GOBYERNO ANG PAGSISIMULA NG REHABILITASYON AT REKONSTRUKSYON PARA SA MARAWI CITY.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI SOTTO KAUGNAY NG ULAT NG PAGKAMATAY NINA MAUTE GROUP LEADER OMAR MAUTE AT ISIS EMIR ISNILON HAPILON.

AYON KAY SOTTO, DAPAT SA LALONG MADALING PANAHON AY MASIMULAN NA ANG PAGBANGON NG LUNGSOD NG MARAWI MATAPOS ANG HIGIT APAT NA BUWANG BAKBAKAN.

UNA NANG SINABI NG MILITAR SA MGA NAKARAANG PAGKAKATAON NA SA ORAS NA MATAPOS NA ANG BAKBAKAN SA LUNGSOD AY ISASAGAWA KAAGAD ANG CLEARING OPERATIONS NA MAAARING TUMAGAL NG ILANG LINGGO.

PAGKATAPOS NITO AY ISASAGAWA NAMAN ANG REHABILITATION PROGRAM NA UNA NANG PINONDOHAN NG GOBYERNO NG NASA P20 BILYON.

SA KASALUKUYAN, NANANATILING ANG KALIGTASAN PA RIN NG MGA NALALABING BIHAG NA HAWAK PA RIN NG MGA TERORISTA ANG PANGUNAHING TINUTUTUKAN NG MILITAR SA MARAWI CITY.

 

Published in National

BY: JOJO SICAT

HINDI NANINIWALA SI SENADOR PANFILO LACSON NA SERYOSO ANG PANGULO SA PAGSASABI NITO NA IDEDEKLARA ANG REVOLUTIONARY GOVERNMENT.

ANIYA NI LACSON HINDI NA NASANAY ANG PUBLIKO SA MGA PAHAYAG NG PANGULO SA KANYANG PAHAYAG SA MGA PRESS CONFERENCE.

IGINIIT NI LACSON NA MALABONG IDEKLARA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG REVOLUTIONARY GOVERNMENT SA KANYANG NATITIRANG LIMANG TAONG TERMINO.

DAGDAG PA NI LACSON HINDI NA DAPAT PANSININ NG PUBLIKO AT MGA KRITIKO NG PANGULO ANG MGA PABIGLA-BIGLANG PAHAYAG NITO AT MAS LALONG HINDI NA DAPAT ITO BIGYAN NG NEGATIBONG REAKSYON TULAD SA MGA NAKARAANG PAHAYAG NITO SA PUBLIKO.

SA PANIG NAMAN NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III NAKIKITA NITO NA ANG REVOLUTIONARY GOVERNMENT AY ISANG HAKBANG DIN O MAGAGAMIT PATUNGO FEDERALISM FORM OF GOVERNMENT KUNG PAPAYAG ANG SAMBAYANANG FILIPINO.

Published in National
Page 1 of 8