JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

NAGKASUNDO ANG MGA SENADOR NA ISAPUBLIKO ANG MGA NAGING TESTIMONYA NI JOHN PAUL SOLANO HINGGIL SA PAGKAMATAY NG HAZING VICTIM NA SI HORACIO "ATIO" CASTILLO III NA BINANGGIT SA EXECUTIVE SESSION SA SENADO

SA TATLONG PAHINANG RESOLUSYON 529 NA INIHAIN NI SEN. JUAN MIGUEL ZUBIRI, PINAPAYAGAN NG MGA SENADOR SINA SEN. RICHARD GORDON, CHAIRMAN NG SENATE COMMMITTEE ON JUSTICE AND HUMAN RIGHTS AT SEN. PING LACSON, CHAIRMAN NG COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS NA ILABAS SA PUBLIKO ANG NAGING TESTIMONYA NI SOLANO NOONG SEPTEMBER 25.

AYON KAY ZUBIRI, 23 MGA SENADOR ANG PUMABOR SA NABANGGIT NA RESOLUSYON BAGAMAN HINDI NAKAPIRMA SA RESOLUSYON SINA SEN GRACE POE AT LEILA DE LIMA PERO AYON KAY SEN ZUBIRI, NAGPAHAYAG NG SUPORTA ANG DALAWANG SENADOR.

AYON KAY ZUBIRI, SANG-AYON SA PANUNTUNAN SA SENADO, BAGAMAN DAPAT AY HINDI INILALABAS SA PUBLIKO ANG ANUMANG MGA IMPORMASYON NA NAKUHA SA ISANG EXECUTIVE SESSION, MAARI NAMAN ITONG ISAPUBLIKO KUNG PAPAYAGAN NG KOMITE AT SA PAMAMAGITAN NG 2/3 NA BOTO NG MGA SENADOR.

Published in National

BY: JOJO SICAT

IPINALIWANAG NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III NA MAARI PANG MABAGO ANG ISANG COMMITTEE REPORT KAPAG ITO AY DUMATING NA SA PLENARYO.

ITO ANG NAGING REAKSYON NI SOTTO SA IPINALABAS NA DRAFT COMMITTEE REPORT NG BLUE RIBBON COMMITTEE NA PINAMUMUNUAN NI SENADOR RICHARD GORDON NA TILA INAALMAHAN NG ILANG SENADOR.

LUMABAS KASI SA REPORT NA INABSUWELTO SINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT ANG BAYAW NITO NASI ATTY. MANS CARPIO SA PAGKAKASANGKOT SA P6.4 BILYON SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BUREAU OF CUSTOM (BOC) AT MAGING ANG PAGKAKASANGKOT SA TARA SYSTEM O PAYOLA SA CUSTOM.

INIREREKOMENDA LAMANG NG BLUE RIBBON ANG LIFESTYLE CHECK KINA PAOLO AT CARPIO.

PALIWANAG NI SOTTO KUNG MAYROON MANG SOBRA O KULANG SA COMMITTEE REPORT MANANATILI ITONG COMMITTEE REPORT HANGGA'T HINDI NAAAPROBAHAN SA PLENARYO SA SENADO.

AYON KAY SOTTO PAGDATING SA PLENARY MAHABANG DEBATE ANG MAGAGANAP NA KAPAG MAY KULANG SA REPORT KANILA ITONG DADAGDAGAN AT KUNG MAY SOBRA NAMAN KANILA ITONG AAMIYENDAHAN BAGO APROBAHAN NG MGA SENADOR.

KAYA'T PANAWAGAN NITO SA MGA KAPWA SENADOR NA KUNG MAYROON SILANG MGA KUWESTIYON SA COMMITTEE REPORT NI GORDON MAARI NAMAN ITONG PAGDEBATEHAN SA PLENARYO SA SENADO.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TAHASANG SINABI NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV NA MALINAW NA ISANG COVER UP ANG GINAWA NI SEN RICHARD GORDON ANG INILABAS NA DRAFT NG COMMITTEE REPORT HINGGIL SA IMBESTIGASYON NA ISINASAGAWA NG BLUE RIBBON COMMITTEE KAUGNAY SA NAKALUSOT NA 6.4 BILYON PISONG HALAGA NG SHABU SA BUREAU OF CUSTOMS

AYON KAY TRILLANES, KUNG TALAGANG SERYOSO SI SEN. GORDON NA MAHALUKAY ANG PUNO'T-DULO NG NAKAPUSLIT NA SHABU, HINDI UMANO DAPAT NA KAAGAD NA TAPUSIN ANG PAGDINIG NG KOMITE

PALIWANAG NI SEN TRILLANES, SA PAGTAPOS SA HEARING MALINAW NA INAABSWELTO NITO SI VICE MAYOR PAOLO DUTERTE KAHIT HINDI PA NGA LUMULUTANG AT NALOLOCATE SI NANIE CABATO-CORONACION ALIAS TITA NANIE

GIIT NI SEN. TRILLANES, HABANG ANG MGA DRUG SUSPECTS AT MGA DRUG USERS AY PINAPATAY, ISASAILALIM LAMANG SA LIFESTYLE CHECK ANG MGA UMANO'Y SANGKOT SA BILYON PISONG DRUG SMUGGLING SA BANSA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

INIREKOMENDA NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE ANG PAGSASAMPA NG MGA KASONG KRIMINAL LABAN KAY DATING CUSTOMS COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT LIMANG IBA PA KAUGNAY NG NANGYARING SMUGGLING NG 6.4 BILLION NA HALAGA NG SHABU MULA SA CHINA.

SA DRAFT REPORT NI SENADOR RICHARD GORDON KAUGNAY NG IMBESTIGASYON SA KASO, SINABI NITO NA LUMABAG SI FAELDON AT MGA OPISYAL NG CUSTOMS SA REPUBLIC ACT 10863 O CUSTOMS MODERNIZATION AND TARIFF ACT AT RA 3019 O ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT.

SI FAELDON ANG SINISISI SA PAGBUO NG BOC COMMAND CENTER NA NAGING DAHILAN KAYA MAS NAPADALI ANG PAGPUPUSLIT NG MGA ILLEGAL SHIPMENT.

NAUNA NANG INAMIN NI DATING DEPUTY COMM. GERARDO GAMBALA SA IMBESTIGASYON NG SENADO NA DAHIL SA COMCEN, NA BYPASS ANG PAGSUSURI NG MGA DISTRICT COLLECTORS AT FIELD OFFICERS DAHILAN KAYA NAABUSO ANG GREEN LANE FACILITY.

BUKOD KAY FAELDON, KASAMA SA MGA INIREREKOMENDANG MAKASUHAN SINA GAMBALA, DATING INTELLIGENCE DIRECTOR NEIL ANTHONY ESTRELLA, DATING CUSTOMS IMPORT ASSESSMENT SERVICE DIRECTOR MILO MAESTRECAMPO AT INTELLIGENCE OFFICER JOEL PINAWIN.

Published in National

BY: JOJO SICAT

SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON MASS MEDIA AND PUBLIC INFORMATION NA PINAMUMUNUAN NI SENADORA GRACE POE INAMIN NG ISA SA RESOURCE PERSON NA DATING TAUHAN NILA SENADOR BAM AQUINO AT FRANCIS KIKO PANGILINAN ANG DALAWANG NASA LIKOD NG #SILENTNOMORE NA SINASABING LAPDOG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PITONG SENADOR NA HINDI LUMAGDA SA SENATE RESOLUTION 516 NA KINUKUNDENA ANG PAMAMASLANG SA MGA KABATAAN AT MENOR DE EDAD.

SA NATURANG PAGDINIG LUMUTANG ANG SINASABI NI SENADORA POE NA BLOGGER NG THINKING PNOY NA SI REY JOSEPH NIETO KUNG SAAN IDINIIN ANG DATING STAFF NILA BAM AT KIKO NA SINA EDWARD ANGELO DAYAO O COCOY DAYAO AT NINA VEROL ZIALCITA NA NASA LIKOD NG #SILENTNOMOREPH NA BINATIKOS ANG PITONG SENADOR NA SINA SENADOR VICENTE TITO SOTTO III, CYNTHIA VILLAR, MANNY PACQUIAO, RICHARD GORDON, SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III, JUAN MIGUEL ZUBIRI, AT GRINGO HONASAN.

BUKOD DITO SINABI NI NIETO NASI DAYAO AY DATING EMPLEYADO RIN NG PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS GROUP NG DATING AQUINO ADMINISTRATION.

IPINALIWANAG NI NIETO NA KAYA NITO NADISKUBRE ANG DALAWA DAHIL INALAM NITO ANG GOOGLE ADDRESS PUBLICATION ID NG #SILENTNOMOREPH .

DOON INALAM NTO ANG PUBLISHER ID KUNG SAAN LUMABAS NA MAGKAPAREHO ITO NG PUBLISHER ID NG PROPINOY.NET NA PAGMAMAY-ARI NI DAYAO VEROL.

BUKOD SA DATING STAFF NI BAM AT PANGILINAN SINA DAYAO AT VEROL SINABI NI NIETO NA TUMULONG DIN ANG DALAWA SA KAMPANYA NG LIBERAL PARTY NG MGA NAKARAANG HALALAN.

HINILING NAMAN NI NIETO NA MAGSALITA NA LAMANG ITO SA EXECUTIVE SESSION DAHIL NATATAKOT ITO NA MAKASUHAN SA MGA MAAARING BANGGITIN NITO SA PAGDINIG.

SUBALIT UMALMA NAMAN DITO SI PANGILINAN AT BAM.

AYON KAY BAM, NABANGGIT NA ANG PANGALAN NILA NI NIETO BAKIT HINDI NA LAMANG ITULOY NITO ANG LAHAT NITONG GUSTONG SABIHIN SA PAGDINIG.

Published in National
Page 1 of 21