JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

KINILALA NA NG SENADO ANG MATAGUMAY NA KAMPANYA NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) PARA MAPANATILI ANG PEACE AND ORDER SA BANSA.

KATUNAYAN, SINABI NI SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE RALPH RECTO NA BILANG SUPORTA, DINAGDAGAN NG SENADO NG 5.63 BILLION PESOS ANG PONDO NG PNP BILANG AUGMENTATION NGAYONG TAON  PARA IPAMBILI NG MGA BAGONG EQUIPMENT.

1.9 BILYON DITO ANG NAILABAS NA NG DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM) PARA IPAMBILI NG MGA BAGONG BARIL, SASAKYAN PURCHASE BODY VESTS, BOATS, RADIOS AT MGA K-9 UNITS.

DINAGDAGAN DIN NG SENADO NG 19.9 BILYON KAYA UMAABOT NA SA 131.5 BILYON ANG BUDGET NG PNP PARA SA 2018 PARA SA PAGKUHA NG MGA KARAGDAGANG PULIS AT MAKAPAGTAYO NG MGA ISTASYON NG PULISYA BILANG BAHAGI NG CAPACITY ENHANCEMENT PROGRAM.

SINABI NI RECTO NA ISA SA PINAG-AARALAN NGAYON NA ISAMA NA ANG KANILANG ALLOWANCE SA BASE PAY PARA LUMAKI ANG TAKE HOME PAY NG MGA PULIS.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR RICHARD GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUMUSUPORTA SA KANYANG IHAHAING ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI GORDON MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS NG MGA MAJORITY MEMBERS NG SENADO SA TANGGAPAN NI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III.

SA KABILA NA SINABI NI GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUSUPORTA SA KANYANG ETHICS COMPLAINTS, IGINIIT NITO NA HINDI NITO KAILANMAN KINAUSAP ANG MGA SENADOR PARA MAKAKUHA NG BOTO SA KANYANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES.

ANIYA NI GORDON HINDI NABABAGAY SA SENADO ANG KATULAD NI TRILLANES NA WALANG RESPETO SA KAPWA MAMBABATAS.

NAGSAGAWA NG MAJORITY CAUCUS ANG MGA SENADOR KANINANG TANGHALI AT TANGING SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO LAMANG ANG HINDI NAKADALO SA CAUCUS.

DUMALO SA NATURANG CAUCUS ANG LABING ANIM NA SENADOR NA SINA CHIZ ESCUDERO, LOREN LEGARDA, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI, RICHARD GORDON, SP AQUILINO PIMENTEL JR, MANNY PACQUIAO, JOEL VILLANUEVA, GRACE POE, GREGORIO HONASAN, RALPH RECTO, WIN GATCHALIAN, NANCY BINAY , VICENTE TITO SOTTO III, PANFILO LACSON, AT SONNY ANGARA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

NANANAWAGAN AT UMAASA SI SENADOR RALPH RECTO NA HINDI TATAASAN NG MGA AWTORIDAD ANG FEES PARA SA PASAPORTE AT DRIVER'S LICENSE KASUNOD NG PAGLAGDA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA BATAS PARA PAHABAIN ANG VALIDITY NITO.

SA NILAGDAANG BATAS, SAMPUNG TAON NA ANG VALIDITY NG MGA PASAPORTE HABANG LIMANG TAON SA LISENSYA SA PAGMAMANEHO.

SINABI NI RECTO NA ISA ITO SA ANTI RED TAPE MEASURES SA ILALIM NG DUTERTE ADMINISTRATION.

ISA RIN ANYA ITO SA PARAAN UPANG MABAWASAN NA ANG MAHABANG PILA AT TAGAL NG PAGPROSESO SA PAGKUHA NG MGA NATURANG DOKUMENTO.

SAMANTALA NAGPASALAMAT DIN SI SENADOR GRACE POE SA NAGING AKSYON NG PANGULO.

UMAASA NAMAN SI POE NA SUSUNOD NA RING MATUTUGUNAN NG ADMINISTRASYON ANG PROBLEMA SA TRAPIKO AT PUBLIC TRANSPORT SYSTEM.

Published in National

By: Jojo Sicat

INILABAS na kagabi ang dalawampung (20) pahinang committee report ni Senador Panfilo Lacson bilang chairman ng committee on public order ang dangerous drugs ng Senado.

Ang naturang report ay kaugnay sa pagdinig na isinagawa ng Senado sa ikalawang testimonya ni SP03 Arthur Lascañas na nagdidiin kay
Pangulong Rodrigo Duterte na sýang lumikha ng Davao Death Squad (DDS) at nag-utos sa mga pagpatay na isinagawa ng grupo noong ito
pa ang mayor ng Davao City.

Sa committee report no.97, lumalabas na hindi binigyang bigat ang nabanggit na testimonya ni Lascañas sa katwirang hindi nito nasira ang nauna niyang testimonya sa Senado na nagsasabi na wala sýang kaalaman ukol sa DDS.

Sabi ni Sen. Lacson sa committee report, hindi si Lascañas ang makapagpapatotoo ng pag-iral ng DDS at walang maitutulong ang mga pahayag nito para bigyang katarungan ang mga biktima ng pagpatay sa Davao City.

Gayunpaman, hindi inirekomenda ng komite na kasuhan si Lascañas.

Ang rekomendasyon ng committee report ay amiyendahan ang 'revised penal code' para pabigatin ang parusa sa perjury o pagsisinungaling.

Inirerekomenda din ng committee report na baguhin ang rules ng Senado para parusahan ang sinumang testigo ng magsisinungaling o magbibigay ng hindi magkakatugmang pahayag sa mga pagdinig.

Binigyang diin ng committee report na ipinapakita ng magkasalungat na testimonya ni Lascañas na may mga indibidwal na may lakas ng loob na magsinungaling sa mataas na kapulungan na may mandato na itinatakda ng konstitusyon para magsagwa ng imbestigasyon in aid of
legislation.

Ang nabanggit na committee report ay pirmado na nina Senador Gringo Honasan, Manny Pacquiao, JV Ejercito, Nancy Binay at Vicente Tito Sotto III.

Nakapirma din sina Senador Ralph Recto at Grace Poe pero may note na ang recommendations lang ang kanilang pinapaboran at hindi ang findings ng komite.

Si Senador Antonio Sonny Trillanes IV ay nakalagda din subalit may note na hindi nito suportado ang committee report at handa na mag- interpellate sa plenaryo sa senado.

Published in National

By: Jojo Sicat

PINAMAMADALI ni Senador Sonny Angara ang pamahalaan na bilisan ang pagsasakatuparan ng mga programa para sa Benham Rise, kasunod ng pahayag ng Chinese Foreign Ministry na hindi maaaring angkinin ng Pilipinas ang nasa ilalim ng dagat sa Silangang bahagi ng Luzon.

Naniniwala si Angara na makakabuti ang pagbuo ng Benham Rise Development Authority na siyang tututok sa mga isyung nakapaloob sa bahaging teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ng senador na opisyal na kinilala ng UN Commission on the Limits of the Continental Shelf na ang Benham Rise ay parte ng teritoryo ng Pilipinas noong 2012, kaya obligasyon na mapangalagaan ito ng pamahalaan.

Sa panig naman ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, tungkulin ng gobyerno na asikasuhin ang bahaging ito ng dagat upang lubos na mapagyaman ang sariling atin.

Para kay Recto, isang executive department ang angkop na italaga para mapangalagaan at magamit ang nakatagong yaman sa Benham Rise.

Iginiit naman ni Senador Sherwin Gatchalian, ngayon pa lang ay dapat nang ipakita ng Pilipinas ang agresibong pagkilos upang hindi matulad ang Benham Rise sa sitwasyon sa West Philippine Sea.

Published in National
Page 1 of 9