JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

BAGAMAT MAGKAIBA ANG IDIOLOHIYA, NANGHIHINAYANG SI IFUGAO REPRESENTATIVE TEDDY BAGUILAT SA PAGKAKABASURA NG KUMPIRMASYON NI DATING CONGRESSMAN RAFAEL “PAENG” MARIANO BILANG KALIHIM NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR).

AYON KAY BAGUILAT, NAKAKALUNGKOT NA ANG ISANG NAGMULA SA SEKTOR NG MAGSASAKA NA AGRESIBONG NAGSUSULONG NG MANDATO NG AHENSYA PARA MAKAMIT ANG PANLIPUNANG HUSTISYA AY NI-REJECT NG CA.

IPINAKIKITA LAMANG UMANO NA ANG TACTICAL ALLIANCE SA PAGITAN NG EXTREME LEFT GROUP AT NG PANGULONG DUTERTE BAGO AT MATAPOS ANG ELEKSYON AY NAPAKAHINA NG NAGING BATAYAN.

GANUN PA MAN, UMAASA ANG KONGRESISTA NA ANG MGA INISYATIBA NI MARIANO NA ILAGAY ANG MGA BENEPISYARYONG MAGSASAKA SA LUPANG KANILANG SINASAKA. 

UMAASA RIN SI BAGUILAT NA HINDI MARE-REVERSE ANG MORATORIUM NA IPINATUTUPAD NG DAR SA ISYU NG MORATORIUM SA KONBERSYON NG MGA PRIME AGRICILTURAL LANDS.

ISA RIN SA TINITINGNAN NI BAGUILAT ANG PAGKAKABASURA BA NG KUMPIRMASYON NI MARIANO AY PALATANDAAN NA TULUYAN NG ISINARADO NG PAMAHALAAN ANG PINTUAN PARA SA USAPANG PANGKAPAYAPAAN SA NATIONAL DEMOCRATIC FRONT (NDF).

Published in National

BY: JOJO SICAT

LABIS NA NANGHIHINAYANG SI SENADOR JUAN MIGUEL ZUBIRI SA BIGONG PAGKUMPIRMA NG MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT (CA) KAY DATING DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) SECRETARY RAFAEL " KA PAENG" MARIANO.

AYON KAY ZUBIRI, NANGHIHINAYANG ITO KAY MARIANO DAHIL ITO ANG MAY KAPABILIDAD AT QUALIFIED SA LAHAT NG NAGING DAR SECRETARY.

ANIYA, SA LAHAT NG NAGING DAR SECRETARIES NA EDUCATOR AT POLITICAL APPOINTEES, TANGING SI MARIANO LAMANG ANG AGRARIAN REFORM ADVOCATE NA MAY MALASAKIT SA MAGSASAKA.

UMAASA SI ZUBIRI NA IPAGPAPATULOY NI KA PAENG ANG KANÝANG ADBOKASIYA PARA SA IKABUBUTI NG BAYAN AT MGA MAGSASAKA.

DAGDAG PA NI ZUBIRI SA KABILA NA NIRERESPETO NITO ANG DESISYON NG CA, MALAKING KAWALAN SA GOBYERNO SI DATING DAR SECRETARY RAFAEL MARIANO.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TULOY ANG LABAN PARA KAY KA PAENG MARIANO MATAPOS NGANG MABASURA NG MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENTS ANG KUMPIRMASYON BILANG KALIHIM NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM.

SA KANIYANG MENSAHE, SINABI NI MARIANO NA BAGAMAT WALA NA SA POSISYON BILANG AGRARIAN REFORM SECRETARY, HINDI NIYA ITITIGIL ANG PAGLILINGKOD SA MGA MAGSASAKA NA DATI NA NIYANG ADBOKASIYA KAHIT WALA PA SA PAMAHALAAN.

NAKALULUNGKOT ANIYANG ISIPIN, NA MULI NA NAMANG NANAIG ANG INTERES NG MGA LAND LORDS AT OLIGARCHS SA HALIP NA ANG INTERES NG MGA MALILIIT NA MAGSASAKA.

GANUNPAMAN, NANINIWALA SI MARIANO NA DARATING ANG PANAHON NA ANG MGA BOSES NAMAN NG ORDINARYONG MAGSASAKA ANG MANANAIG.

ANG PAGKAKABASURA ANIYA SA KANIYANG KUMPIRMASYON AY LALO LAMANG MAKAPAGPAPATATAG SA KANIYANG PAKIKIPAGKAPIT BISIG SA MGA MAGSASAKA SA BANSA.

MAGUGUNITANG SI MARIANO NA ANG IKAAPAT NA KALIHIM NG DUTERTE ADMINISTRATION NA HINDI KINUMPIRMA NG CA.

UNA RITO AY SI DATING FOREIGN SEC. PERFECT YASAY, DENR SEC. GINA LOPEZ AT DSWD SEC. JUDY TAGUIWALO.

Published in National

BY: JOJO SICAT

HINDI KINUMPIRMA NG MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT (CA) SI DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) SECRETARY RAFAEL "KA PAENG" MARIANO DAHIL 13 MIYEMBRO NG CA ANG HINDI PUMABOR SA KUMPIRMASYON NG KALIHIM.

MATAPOS ANG EXECUTIVE SESSION TILA NAGING MAINIT ANG ULO NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE "TITO" SOTTO III ANG CHAIRMAN NG COMMITTEE ON AGRARIAN REFORM NG MAKAPANGYARIHANG CA.

AYON SA ATING SOURCE HINDI NA NAKONTROL NI SOTTO ANG MGA MAMBABATAS NA HINDI PUMABOR SA KUMPIRMASYON NI MARIANO.

MALUNGKOT NAMAN SI SOTTO NG IREKOMENDA NITO ANG KALIHIM SA PLENARYO.

SA PAGSALANG KANINA NI SECRETARY RAFAEL "KA PAENG" MARIANO SA MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT (CA) IGINIIT NITO NA ISASA-PRAYORIDAD ANG MGA PROGRAMANG MAKATUTULONG SA MGA MAGSASAKA SA BANSA SA ORAS NA MAKUMPIRMA NG CA

SA NATURANG PAGDINIG SINABI NI MARIANO NA PROTEKTADO ANG BUDGET NG DAR SA ILALIM NG KANIYANG PAMUMUNO AT ITO'Y TALAGANG MAPAPAKINABANGAN SA MGA PROGRAMANG PANG AGRIKULTURA.

GIIT NG KALIHIM, HINDI MATATAPOS SA PAMAMAHAGI NG LUPA SA MGA FARMERS ANG KANIYANG TUNGKULIN KUNDI TITIYAKIN DIN NIYA NA MAIAANGAT ANG KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA.

KASAMA SA MGA MAGIGING PRAYORIDAD NI MARIANO SA KANIYANG PAMUMUNO AY ANG PAGPEPRESERBA SA MGA AGRICULTURAL LANDS NG BANSA PARA SA MGA SUSUNOD NA HENERASYON.

SISIKAPIN DIN ANIYA NITONG MAHIKAYAT ANG MGA KABATAAN NA MAGTRABAHO SA AGRIKULTURA SA GITNA NG MGA PAGBABAGONG DULOT NG MAKABAGONG PANAHON SA SEKTOR NG MGA MANGGAGAWA SUBALIT HINDI NA ITO MATUTUPAD MATAPOS NA HINDI APBRUBAHAN ANG KUMPIRMASYON NG KALIHIM NG MAKAPANGYARIHANG CA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

SA PAGSALANG NI DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM SECRETARY RAFAEL "KA PAENG " MARIANO SA MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENT (CA) IGINIIT NITO NA ISAPAPRAYORIDAD ANG MGA PROGRAMANG MAKATUTULONG SA MGA MAGSASAKA SA BANSA SA ORAS NA MAKUMPIRMA NG CA.

SA NATURANG PAGDINIG SINABI NI MARIANO NA PROTEKTADO ANG BUDGET NG DAR SA ILALIM NG KANIYANG PAMUMUNO AT ITO'Y TALAGANG MAPAPAKINABANGAN SA MGA PROGRAMANG PANG AGRIKULTURA.

GIIT NG KALIHIM, HINDI MATATAPOS SA PAMAMAHAGI NG LUPA SA MGA FARMERS ANG KANIYANG TUNGKULIN KUNDI TITIYAKIN DIN NIYA NA MA-I-AANGAT ANG KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA.

KASAMA SA MGA MAGIGING PRAYORIDAD ANIYA NG KANIYANG PAMUMUNO AY ANG PAGPEPRESERBA SA MGA AGRICULTURAL LANDS NG BANSA PARA SA MGA SUSUNOD NA HENERASYON.

SISIKAPIN DIN ANIYA NILANG MAHIKAYAT ANG MGA KABATAAN NA MAGTRABAHO SA AGRIKULTURA SA GITNA NG MGA PAGBABAGONG DULOT NG MAKABAGONG PANAHON SA SEKTOR NG MGA MANGGAGAWA.

KASABAY NITO, ININDORSO NA NI SENADORA LOREN LEGARDA SI MARIANO BILANG DAR SECRETARY DAHIL ANIYA SA PAGIGING COMPETENT AT HINDI MATATAWARANG KARANASAN NITO SA SEKTOR NG AGRIKULTURA.

 

Published in National
Page 1 of 3