JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

NAIS NI SENADOR NANCY BINAY NA IMBESTIGAHAN ANG TELECOMMUNICATION COMPANY BUNSOD NG IPINAPATAW NA DAGDAG SINGILIN PARA SA PAPER BILLING NG KANILANG MGA SUBSCRIBER.

AYON KAY BINAY, NAGBABAYAD NG DAGDAG NA P50 ANG MGA SUBSCRIBER KUNG NAIS NILANG MAKATANGGAP NG BUWANANG PAPER BILLING SA PAMAMAGITAN NG KOREO.

KUNG NASA APAT NA MILYON ANYA ANG MGA POST PAID SUBSCRIBERS NG ISANG TELCO AT KALAHATI SA MGA ITO ANG NAIS NG PAPER BILLING AY AABOT SA P100 MILYON ANG BUWANANG DAGDAG NA KITA NG MGA KUMPANYA.

DAHIL DITO, INIHAIN NI BINAY ANG SENATE RESOLUTION 521 NA NAGLALAYONG IMBESTIGAHAN ANG DAGDAG SINGIL NG MGA TELCO SA MGA SUBSCRIBER NA AYAW NG PAPERLESS BILLING.

IGINIIT PA NG SENADOR NA ANG DAGDAG SINGIL NA ITO AY TALIWAS SA NAKASAAD SA REPUBLIC ACT 7394 O CONSUMER ACT NA NAGBIBIGAY PROTEKSYON SA MGA CONSUMER.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR RICHARD GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUMUSUPORTA SA KANYANG IHAHAING ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI GORDON MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS NG MGA MAJORITY MEMBERS NG SENADO SA TANGGAPAN NI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III.

SA KABILA NA SINABI NI GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUSUPORTA SA KANYANG ETHICS COMPLAINTS, IGINIIT NITO NA HINDI NITO KAILANMAN KINAUSAP ANG MGA SENADOR PARA MAKAKUHA NG BOTO SA KANYANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES.

ANIYA NI GORDON HINDI NABABAGAY SA SENADO ANG KATULAD NI TRILLANES NA WALANG RESPETO SA KAPWA MAMBABATAS.

NAGSAGAWA NG MAJORITY CAUCUS ANG MGA SENADOR KANINANG TANGHALI AT TANGING SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO LAMANG ANG HINDI NAKADALO SA CAUCUS.

DUMALO SA NATURANG CAUCUS ANG LABING ANIM NA SENADOR NA SINA CHIZ ESCUDERO, LOREN LEGARDA, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI, RICHARD GORDON, SP AQUILINO PIMENTEL JR, MANNY PACQUIAO, JOEL VILLANUEVA, GRACE POE, GREGORIO HONASAN, RALPH RECTO, WIN GATCHALIAN, NANCY BINAY , VICENTE TITO SOTTO III, PANFILO LACSON, AT SONNY ANGARA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

NANANAWAGAN SI SENADORA NANCY BINAY SA MGA LOCAL GOVERNMENT UNITS (LGUS) AT MAGING SA MGA MAY-ARI AT TRABAHADOR NG MGA POULTRY FARM NA PAIRALIN ANG BIOSECURITY MEASURES AT FARM HYGIENE UPANG MAPIGILAN ANG PAGKALAT NG BIRD FLU OUTBREAK SA KANILANG MGA NASASAKUPAN AT ALAGA.

SINABI NI BINAY NA SA GANITONG PARAAN AY MAAAGAPAN O MAIIWASAN ANG POSIBLENG PAGLIPAT NG BIRD FLU SA KATAWAN NG TAO.

SA NATURANG PROSESO NG BIOSECURITY MEASURES HINIHIWALAY ANG INFECTED NA MANOK  AT NAGSASAGAWA NG SANITATION AT MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA MGA PUMAPASOK AT LUMALABAS SA LOOB NG POULTRY FARM.

SINABI PA NI BINAY NA DAPAT NA ISAMA ANG MGA BACKYARD AT GAMEFOWL FARMS SA IMPLEMENTATION NG BIOSECURITY PLANS.

ANIYA NI BINAY MAS MADALAS ANG CONTACT NG MGA IBON SA MGA TAO SA MGA GAMEFOWL FARMS AT MGA SABUNGAN.

SINABI NI BINAY NA DAPAT NA MAGREVIEW NG EXISTING PLANS ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE AT PAIGTINGIN ANG INFORMATION AND EDUCATION CAMPAIGN SA PAG-IDENTIFY AT PAG-EDUCATE SA MGA FARM WORKERS TUNGKOL SA BIOSECURITY, IDENTIFICATION NG BIRD FLU, YUNG MODE/S OF TRANSMISSION FROM BIRDS TO HUMANS, SIGNS AND SYMPTOMS NITO, AT IBA PANG RELEVANT INFORMATION.

BUKOD DITO NANANAWAGAN DIN SI BINAY SA MGA FARM OWNERS AT PERSONNEL NA I-REPORT AGAD SA MGA KINAUUKULAN ANG MGA KASO NG BIRD FLU.

Published in National
Monday, 14 August 2017 20:38

SEN. BINAY NANAWAGAN SA DTI

BY: JOJO SICAT

NANAWAGAN SI SENADOR NANCY BINAY SA DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) NA PAIGTINGIN ANG MONITORING SA MGA PALENGKE AT IBA PANG DISTRIBUTION SITES NG MGA MANOK AT IBA PANG POULTRY PRODUCTS SA BANSA.

NAIS NI BINAY NA MATIYAK SA KALIDAD NG MGA IBINEBENTANG PRODUKTO SA MERKADO KASUNOD NA RIN NG ULAT NG BIRD FLU OUTBREAK SA LALAWIGAN NG PAMPANGA.

KASABAY NITO, IGINIIT NG MAMBABATAS NA DAPAT DING BANTAYAN NG DTI ANG PRESYO NG IBA’T IBANG PRODUKTO UPANG HINDI MASAMANTALA NG MGA ABUSADONG NEGOSYANTE ANG SITWASYON.

HINIKAYAT  DIN NG SENADORA ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA) AT DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) NA PAIGTINGIN ANG INFORMATION CAMPAIGN KAUGNAY SA NATURANG VIRUS UPANG MAIWASANG KUMALAT PA ITO MAGING SA MGA TAO.

DAPAT ANYANG MAYROONG 24/7 NA MONITORING SA MGA NAAPEKTUHANG LUGAR PARTIKULAR NA SA LALAWIGAN NG PAMPANGA.

IGINIIT PA NI BINAY ANG PAGTULONG SA MGA NAAPEKTUHAN NG OUTBREAK UPANG MATIYAK NA MAIBABANGON PA NILA ANG KANILANG KABUHAYAN.

Published in National
Monday, 14 August 2017 13:07

Page 1 of 5