JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON MASS MEDIA AND PUBLIC INFORMATION NA PINAMUMUNUAN NI SENADORA GRACE POE INAMIN NG ISA SA RESOURCE PERSON NA DATING TAUHAN NILA SENADOR BAM AQUINO AT FRANCIS KIKO PANGILINAN ANG DALAWANG NASA LIKOD NG #SILENTNOMORE NA SINASABING LAPDOG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PITONG SENADOR NA HINDI LUMAGDA SA SENATE RESOLUTION 516 NA KINUKUNDENA ANG PAMAMASLANG SA MGA KABATAAN AT MENOR DE EDAD.

SA NATURANG PAGDINIG LUMUTANG ANG SINASABI NI SENADORA POE NA BLOGGER NG THINKING PNOY NA SI REY JOSEPH NIETO KUNG SAAN IDINIIN ANG DATING STAFF NILA BAM AT KIKO NA SINA EDWARD ANGELO DAYAO O COCOY DAYAO AT NINA VEROL ZIALCITA NA NASA LIKOD NG #SILENTNOMOREPH NA BINATIKOS ANG PITONG SENADOR NA SINA SENADOR VICENTE TITO SOTTO III, CYNTHIA VILLAR, MANNY PACQUIAO, RICHARD GORDON, SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III, JUAN MIGUEL ZUBIRI, AT GRINGO HONASAN.

BUKOD DITO SINABI NI NIETO NASI DAYAO AY DATING EMPLEYADO RIN NG PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS GROUP NG DATING AQUINO ADMINISTRATION.

IPINALIWANAG NI NIETO NA KAYA NITO NADISKUBRE ANG DALAWA DAHIL INALAM NITO ANG GOOGLE ADDRESS PUBLICATION ID NG #SILENTNOMOREPH .

DOON INALAM NTO ANG PUBLISHER ID KUNG SAAN LUMABAS NA MAGKAPAREHO ITO NG PUBLISHER ID NG PROPINOY.NET NA PAGMAMAY-ARI NI DAYAO VEROL.

BUKOD SA DATING STAFF NI BAM AT PANGILINAN SINA DAYAO AT VEROL SINABI NI NIETO NA TUMULONG DIN ANG DALAWA SA KAMPANYA NG LIBERAL PARTY NG MGA NAKARAANG HALALAN.

HINILING NAMAN NI NIETO NA MAGSALITA NA LAMANG ITO SA EXECUTIVE SESSION DAHIL NATATAKOT ITO NA MAKASUHAN SA MGA MAAARING BANGGITIN NITO SA PAGDINIG.

SUBALIT UMALMA NAMAN DITO SI PANGILINAN AT BAM.

AYON KAY BAM, NABANGGIT NA ANG PANGALAN NILA NI NIETO BAKIT HINDI NA LAMANG ITULOY NITO ANG LAHAT NITONG GUSTONG SABIHIN SA PAGDINIG.

Published in National

BY: JOJO SICAT

INISNAB NG BLOGGER NA SI COCOY DAYAO ANG PAGDINIG NG SENADO UKOL SA LUMABAS SA WEBSITE NA #SILENTNOMOREPH NA PINARATANGANAN NA LAPDOG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PITONG SENADOR NA HINDI LUMAGDA SA SENATE RESOLUTION 516 NA KINUKUNDENA ANG PAMAMASLANG SA KABATAAN AT MENOR DE EDAD.

SI DAYAO ANG LUMALABAS NA NASA LIKOD NG NATURANG WEBSITE O BLOG NA INALMAHAN NG PITONG SENADOR NA KINABIBILANGAN NILA SENADOR VICENTE TITO SOTTO III, CYNTHIA VILLAR, MANNY PACQUIAO, RICHARD GORDON, SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III , JUAN MIGUEL ZUBIRI, AT GRINGO HONASAN.

SA PAGDINIG SINABI NI SENADOR FRANCIS KIKO PANGILINAN NA NA-EMAIL SA MGA SENADOR ANG NATURANG RESOLUSYON KUNG KAYA'T HINDI MAAARI ANIYA NA NAKARATING SA KANILA ANG NATURANG RESOLUSYON.

ITINANGGI NAMAN NI PACQUIAO, AT CYNTHIA VILLAR NA NAKATANGGAP SILA NG EMAIL MULA SA TANGGAPAN NI PANGILINAN.

SINABI RIN NI PACQUIAO NA MAGING SI PIMENTEL AY HINDI RIN NAKATANGGAP NG EMAIL.

NILINAW NAMAN NI PANGILINAN NA HINDI NITO SINABI NA AYAW LUMAGDA ANG PITONG SENADOR.

HINDI NAMAN KINAGAT NI PACQUIAO ANG PALIWANAG NI PANGILINAN NA MAAARI PA NAMAN SILA PUMIRMA SA RESO SUBALIT ANIYA NI PACQUIAO "DAMAGED HAS BEEN DONE".

Published in National

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENATE MAJORITY FLOOR LEADER VICENTE TITO SOTTO III NA BAHAGI NG DESTABILIZATION PLOT LABAN SA DUTERTE ADMINISTRATION ANG GINAWANG UMANO’Y PANINIRA NG BLOG NA #SILENTNOMOREPH NA TINAWAG ANG MGA SENADOR NA LAPDOG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

PALAGAY NI SEN SOTTO, PAPUNTA KAY PANG. DUTERTE ANG USAPIN LALO AT  PINALALABAS NG BLOG NA MGA SIPSIP UMANO SILANG 7 SENADOR NA HINDI PUMIRMA NG SENATE RESO 516 NA KUMUKUNDINA SA MGA PAGPATAY SA MGA BATA SA ILALIM NG WAR ON DRUGS

GIIT NI SOTTO, NAPAG-ALAMAN UMANO NG THINKING PINOY BLOGGER NA KONEKTADO SA DATING ADMINISTRASYON ANG MAY-ARI NG BLOG NA #SILENTNOMOREPH NA NAKILALANG SI COCOY DAYAO KUNG KAYA MALIWANAG UMANO NA PAKANA NG ‘DILAWAN’ ANG NASABING PANINIRA SA KANILA.

SA MIYERKULES, INAASAHAN NA MALILINAWAN ANG USAPIN DAHIL IPINATATAWAG NG SENADO SI DAYAO SA GAGAWING HEARING NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC INFORMATION AND MASS MEDIA NA PINANGUNGUNAHAN NI SEN. GRACE POE KAUGNAY SA NABANGGIT NA BLOG NG #SILENTNOMOREPH

NAGING TENSYONADO ANG SESSION HALL NG SENADO NOONG NAKALIPAS NA LINGGO MATAPOS NA ILABAS NI SEN SOTTO ANG KANYANG SAMA NG LOOB HINGGIL SA BLOG NG #SILENTNOMOREPH NA PINARARATANGAN SILANG LAPDOG NG DUTERTE ADMINISTRATION KABILANG SINA SEN.CYNTHIA VILLAR, SEN. GRINGO HONASAN, SEN MIGZ ZUBIRI, SEN. RICHARD GORDON, SEN. MANNY PACQUIAO AT SENATE PRES KOKO PIMENTEL.

Published in National

BY: JOJO SICAT

INIHAIN NA NG LABING ANIM (16) NA SENADOR NA KASAPI NG MAJORITY BLOC ANG SENATE RESOLUSYON 518 NA NAGPAPAHAYAG NG MATINDING PAGKONDENA SA EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) AT HUMIHILING SA DUTERTE ADMINISTRATION NA GAWIN ANG LAHAT NG PARAAN PARA ITO AY MAHINTO.

TINUKOY SA RESOLUSYON ANG RECORD NG PHILIPPINE INFORMATION AGENCY (PIA) NA NAGSASABING UMAABOT NA 12,833 ANG NAITATALANG KASO NG PAGPATAY SA BANSA.

KASAMA DYAN ANG MGA KABATAANG BIKTIMA TULAD NINA KIAN LOYD DELOS SANTOS, CARL ARNAIZ, REYNALDO DE GUZMAN, JEFFERSON BUNUAN, LEO SARMIENTO, RAYMART SIAPO, AT ROMAN MANOIS.

IGINIIT SA RESOLUSYON NA DAPAT TIYAKIN NG MGA OTORIDAD NA LAHAT NG KANILANG OPERASYON AY NAAYON SA BATAS AT KONSTITUSYON.

NAKASAAD DIN SA RESOLUSYON NA WALA RING PUWANG SA ISANG SIBILISADO AT DEMOKRATIKONG LIPUNAN ANG MGA INDIBIDWAL NA NASA LIKOD NG PAGPATAY.

ANG PAGHAHAIN NG RESOLUSYON AY MAKARAANG MAGLABAS NG MATINDING GALIT SINA SENATOR TITO SOTTO III, RICHARD GORDON, MANNY PACQUIAO, JUAN MIGUEL ZUBIRI, CYNTHIA VILLAR MAKARAANG PATI SINA SENATE PRESIDENT KOKO PIMENTEL AT GRINGO HONASAN NANG SIRAAN AT BATIKUSIN SA ISANG ARTIKULO NA KUMALAT SA SOCIAL MEDIA.

BINATIKOS ANG PITONG (7) SENADOR DAHIL SA HINDI NILA PAGPIRMA SA SENATE RESOLUTION NUMBER 516 NA ISINULONG NG OPPOSITION SENATORS NA HUMIHILING DIN SA GOBYERNO NA TULDUKAN ANG TALAMAK NA KASO NG PAGPATAY KUNG SAAN BIKTIMA RIN ANG MGA KABATAAN.

SABI NG PITONG SENADOR, HINDI SILA NAKAPIRMA DAHIL HINDI NAMAN IPINAKITA SA KANILA ANG NABANGGIT NA RESOLUSYON NG MINORITY SENATORS.

 

 

 

 

 

 

Published in National

BY: JOJO SICAT

MAGSASAMPA SI SENADOR VICENTE TITO SOTTO III NG REKLAMO O KASONG CYBERLIBEL SA MGA NASA LIKOD NG #SILENTNOMOREPH NA WEBSITE NA NAGPARATANG SA PITONG SENADOR NA HINDI LUMAGDA SA RESOLUSYON NA HINIHIKAYAT ANG GOBYERNO NA IHINTO ANG PAMAMASLANG SA MGA KABATAAN AT MGA MINORS.

SA KANYANG PRIVILEGE SPEECH UMALMA SI SOTTO SA NATURANG WEBSITE O BLOG NA UMANO’Y MAPANIRA AT KASINUNGALINGAN.

ANIYA HINDI DAPAT NA PALAMPASIN ITO NG SENADO NA SINISIRA ANG KREDIBILIDAD NG PITONG SENADOR.

GALIT NA SINABI NI SOTTO NA HINDI DUMAAN SA KAMAY NITO O SA TANGGAPAN NITO ANG NATURANG RESOLUSYON KUNG KAYA’T WALANG KATOTOHANAN ANG MGA LUMABAS SA WEBSITE NA ANG TANGING LAYUNIN AY SIRAIN ANG MGA MIYEMBRO NG SENADO.

PINUNA PA NI SOTTO ANG LUMABAS SA WEBSITE NA ITO AY RAPIST, PLAGIARIST AT BIGOT NA ANIYA’Y HINDI DAPAT PALAMPASIN AT DAPAT ALAMIN KUNG SINO ANG NASA LIKOD NG MAPANIRANG WEBSITE.

LUMABAS SA NATURANG WEBSITE NA HINDI LUMAGDA SINA SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III, SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III, SENADOR RICHARD GORDON, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI AT MANNY PACQUIAO.

INULAN NG BATIKOS ANG PITONG SENADOR MATAPOS LUMABAS ANG NATURANG WEBSITE.

Published in National
Page 1 of 20