JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

SA IKAWALONG PAGDINIG NG SENADO SA KATIWALIAN SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC), ITINANGGI NI DATING COL. ALLEN CAPUYAN ANG MGA ALEGASYON LABAN SA KAN’YA NI CUSTOMS FIXER MARK TAGUBA.

SA NATURANG PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HINGGIL SA SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BOC, BINIGYANG-DIIN NI CAPUYAN NA HINDI S’YA MIYEMBRO NG DAVAO GROUP.

IDINAGDAG PA NI CAPUYAN NA WALA SIYANG DIREKTANG KINALAMAN SA OPERASYON NG CUSTOMS AT WALA S’YANG ALAM SA MGA TRANSAKSYON DITO.

INAMIN NAMAN NI CAPUYAN NA NAKILALA NITO SI TITA NANI SA PAMAMAGITAN NI JOJO BACUD AT NOONG ABRIL AY NAGKAROON SILA NG LUNCH MEETING KASAMA SI MARK TAGUBA.

SA NATURANG MEETING ANIYA NALAMAN NITO NA LAGING NAAALERT ANG MGA KARGAMENTO NI TAGUBA AT NAGSABI SIYA NA TUTULONG SUBALIT  WALANG COMMITMENT.

NANINIWALA RIN SI CAPUYAN NA SA PAGTUTURO NI TAGUBA AY PILIT NITONG ISINASALBA ANG SARILI SA MGA NAGANAP NA ANOMALYA SA AHENSYA.

SA PANIG NAMAN NI TAGUBA PINANINDIGAN NITO ANG ALEGASYON NA SI COL. CAPUYAN ANG KAN’YANG TINUTUKOY NA BIG BROTHER NG CUSTOM.

Published in National

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NAIS PAIMBESTIGAHAN NI MAGDALO PARTYLIST REP. GARY ALEJANO SI DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE KAUGNAY NG PAGKAKAPUSLIT NG P6.4 BILYONG HALAGA NG SHABU SA BUREAU OF CUSTOMS O BOC.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI ALEJANO NA ITO AY MATAPOS LUMUTANG ANG PANGALAN NI VICE MAYOR DUTERTE SA SA SMUGGLING AT “TARA” SYSTEM SA BOC. 

AYON PA KAY ALEJANO, BAGAMAT HINDI PA DIREKTANG MAIUUGNAY SI VICE MAYOR DUTERTE AY KAILANGAN ANIYANG IPATAWAG ANG MGA MIYEMBRO NG TINAGURIANG DAVAO GROUP UPANG SILA ANG MAKAPAGSABI KUNG ANO TALAGA ANG INVOLVEMENT NITO SA ILIGAL NA SHIPMENT.

PALIWANAG NI ALEJANO, ANG PAGHARAP NG BISE ALKALDE SA KAMARA AY PINAKAMABUTING PARAAN PARA MALAMAN KUNG ANO ANG PARTISIPASYON NG VICE MAYOR AT PARA MALINIS NA RIN ANG KANYANG PANGALAN.

MATATANDAANG SA PAGHARAP NG BROKER NA SI MARK TAGUBA SA HEARING NG SENADO KAHAPON, SINABI NITONG ISANG NAGNGANGALANG JACK ANG NAG-AYOS NG MEETING NIYA KAY DAVAO CITY COUNCILOR SMALL ABELLERA JR PARA SA PAGBAYAD NG UMANO'Y P5 MILYONG 'ENROLMENT FEE' PARA SA KANILANG SMUGGLING ACTIVITIES.

AYON PA KAY TAGUBA, SI 'JACK' NAMAN UMANO ANG SINASABING HANDLER NI VICE MAYOR DUTERTE NA BAHAGI NG SINASABING DAVAO GROUP.

 

Published in National

BY: JOJO SICAT

INGINUSO NG ALLEGED BROKER NA SI MARK TAGUBA NA MAYROON PANG IKATLONG GRUPO NA NAG-OOPERATE SA BUREAU OF CUSTOMS NA BINIBIGYAN NIYA NG TARA PARA SA KANYANG MGA SHIPMENT.

SA IKA-APAT NA PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE, KINUMPIRMA NI TAGUBA NA NILAPITAN SIYA NG ISANG BIG BROTHER NA KILALA NIYA SA PANGALAN GEN. CAPUYAN AT LATER ON AY NA IDENTIFY NA COL. ALLEN CAPUYAN PARA SA KANILANG GRUPO NA PADAANIN ANG KANYANG SHIPMENT.

SA PAGTATANONG NI SEN. TRILLANES, KINUMPIRMA NI TAGUBA NA ANG BIG BROTHER NA SI GEN. CAPUYAN AY PAREHAS NA TAO SA KATAUHAN NI COL. ALLEN CAPUYAN NA MIEMBRO NG PMA CLASS 1983

AYON KAY TAGUBA, MAAYOS UMANO ANG SISTEMA SA ILALIM NG IKATLONG GRUPO NI CAPUYAN DAHIL WALA NG HUMAN INTERVENTION AT WALANG NAGIGING PROBLEMA SA KANYANG SHIPMENT DAHIL INI-EMAIL SA KANYA ANG HS CODE NA SYANG ILALAGAY SA ENTRY NG KANYANG SHIPMENT PARA MAKALUSOT ITO SA CUSTOMS GAMIT ANG GREEN LANE NG WALANG ABERYA.

SAMANTALA, KINUMPIRMA DIN NI TAGUBA NA ANG ALIAS SMALL NA BINIBIGYAN NYA NG TARA MULA SA DAVAO GROUP, AY SI DAVAO COUNCILOR NILO SMALL ABELLERA NA UMANO'Y MALAPIT NA KAIBIGAN NI DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE.

Published in National