JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR PANFILO LACSON NA HINDI MAAAPEKTUHAN ANG TRABAHO NG SENADO KAHIT PA HINIKAYAT NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT MANUGANG NA SI ATTORNEY MANS CARPIO NA HUWAG SUMAGOT SA MGA ITATANONG SA PAGDINIG AT HUWAG MATAKOT KUNG IPA-CONTEMPT NG SENADO.

AYON KAY LACSON, TULOY PA RIN ANG PAG-IMBITA NILA NG MGA TAONG KAILANGAN SA HEARING AT MAYROON SILANG KAPANGYARIHAN NA IPA-CONTEMPT O IDISPLINA ANG MGA IIWAS SA PAGSAGOT AT SUSUWAY SA UTOS NG SENADO.

GIIT NG SENADOR, HINDI NIYA NAIINTINDIHAN ANG IBIG SABIHIN NI PANGULONG DUTERTE NOONG PINAYUHAN NIYANG TUMAHIMIK SINA PULONG AT CARPIO DAHIL BASIC RIGHT NAMAN ITO LABAN SA SELF INCRIMINATION.

KAYA NAMAN, INAASAHAN NI LACSON NA GAYA NG DATI AY LILIWANAGIN NG MALAKANYANG ANG PAHAYAG NG PANGULO DAHIL OPEN ENDED ANG MGA ITO AT BUKAS SA IBA'T-IBANG INTERPRETASYON NG PUBLIKO.

Published in National