JoomlaLock.com All4Share.net
Wednesday, 11 October 2017 17:26

BUDGET NG PNP TATAPYASAN NG P900M

BY: JOJO SICAT

TATAPYASAN NG SENADO ANG P900 MILLION NA BUDGET NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) PARA SA OPLAN DOUBLE BARREL AT OPLAN TOKHANG KAUGNAY SA WAR ON DRUGS.

SINABI ITO NI FINANCE COMMITTEE CHAIRPERSON SENATOR LOREN LEGARDA SA PAHAYAG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA ANG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) NA ANG LEAD AGENCY SA KAMPANYA NG GOBYERNO LABAN SA ILEGAL NA DROGA.

ANG NASABING HAKBANG AY SINABI NA NI LEGARDA KAY PNP CHIEF GENERAL RONALD "BATO" DELA ROSA.

SABI NI LEGARDA, TANGGAP NAMAN NI GENERAL DELA ROSA ANUMAN ANG MAGING PASYA NG SENADO SA PONDO NG PNP PARA WAR ON DRUGS.

SA PANAYAM NAMAN KAY DELA ROSA SINABI NITO NA HANDA ITO SA GAGAWIN NG SENADO SUBALIT PAANO KUNG BIGLA NA NAMAN IBALIK NG PANGULO SA KANILA ANG PAMAMAHALA KONTRA DROGA TULAD NG NANGYARI NOON NA TINANGGAL SA KANILA NG PANGULO MAKARAAN ANG ISANG BUWAN MULING IBINALIK SA PNP ANG PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR RICHARD GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUMUSUPORTA SA KANYANG IHAHAING ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI GORDON MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS NG MGA MAJORITY MEMBERS NG SENADO SA TANGGAPAN NI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III.

SA KABILA NA SINABI NI GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUSUPORTA SA KANYANG ETHICS COMPLAINTS, IGINIIT NITO NA HINDI NITO KAILANMAN KINAUSAP ANG MGA SENADOR PARA MAKAKUHA NG BOTO SA KANYANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES.

ANIYA NI GORDON HINDI NABABAGAY SA SENADO ANG KATULAD NI TRILLANES NA WALANG RESPETO SA KAPWA MAMBABATAS.

NAGSAGAWA NG MAJORITY CAUCUS ANG MGA SENADOR KANINANG TANGHALI AT TANGING SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO LAMANG ANG HINDI NAKADALO SA CAUCUS.

DUMALO SA NATURANG CAUCUS ANG LABING ANIM NA SENADOR NA SINA CHIZ ESCUDERO, LOREN LEGARDA, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI, RICHARD GORDON, SP AQUILINO PIMENTEL JR, MANNY PACQUIAO, JOEL VILLANUEVA, GRACE POE, GREGORIO HONASAN, RALPH RECTO, WIN GATCHALIAN, NANCY BINAY , VICENTE TITO SOTTO III, PANFILO LACSON, AT SONNY ANGARA.

Published in National
Wednesday, 15 February 2017 14:07

DOJ SEC. AGUIRRE LUSOT NA SA MAKAPANGYARIHANG CA

By: Jojo Sicat

Lumusot na sa plenaryo ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ng Committee on Justice si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre.

Magugunita na tinangkang harangin ni Senador Antonio Trillanes IV ang kumpirmasyon ni Aguirre sa committee level ng CA kung saan nag-mosyon ang senador para hindi kumpirmahin ang kalihim.

Sa oposisyon ng senador inaakusahan ni Trillanes ang kalihim na unfit sa posisyon bilang DOJ Secretary dahil sa kontrobersiya ng Jack Lam at Immigration Bribery Scandal.

Hinala ni Trillanes na may alam si Aguirre sa naganap na suhulan lalo na't pinayagan ng kalihim ang paglabas sa bansa ng bag man ni Lam na si dating P/Supt. Wenceslao 'Wally' Sombero na kahapon ay bumalik na sa bansa.

Kasama rin sa oposisyon ni Trillanes ang umanoy special treatment sa high profile inmates na tumestigo laban kay Senadora Leila De Lima sa isyu ng paglaganap ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi pa ni Trillanes na hinahayaan na magkaroon ng cellphone, TV at iba pang gadget ang mga high profile inmates na ngayon ay nakapiit sa AFP custodial center at may confidential memo ukol sa special treatment.

Dahil nga sa oposisyon ni Trillanes magsagawa ng executive session ang mga miyembro ng CA at makalipas ang isang oras bumalik sa pagdinig ang mga mambabatas kung saan kinumpirma ang kalihim sa committee level bilang justice secretary

Sa pagsalang sa plenaryo sa makapangyarihang Commission on Appointment walang kahirap-hirap at walang tumutol sa kumpirmasyon ni Aguirre .

Matapos ang kumpirmasyon agad na binati ito nila Senadora Loren Legarda, Sen. Panfilo Lacson, Joseph Victor Ejercito, Juan Miguel Zubiri at Senador Manny Pacquiao.

Published in National

Nakatakda nang ratipikahan ng Kongreso ang P3.35 trillion na national budget para sa 2017.

Ito ay matapos itong pumasa sa Bicameral conference ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Oras na ma-ratify ang budget, lagda na lang ng Pangulo ang kailangan upang ito'y maipatupad.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, Chairman ng Senate Committee on Finance, kasama sa budget ang pondo para sa walong (8) milyong Pilipino na hindi pa miyembro ng PhilHealth at walong (8) bilyong piso para sa tuition ng mga mahihirap na estudyante sa State Universities and Colleges (SUCs).

Mayroon din daw na dagdag pondo ang Bureau of Corrections (BuCor) para sa pagkain ng mga preso. P800-M naman ang inilaan para sa Doctor's in a Barrio Program na layong bigyan ng atensiyong medikal ang mga nakatira sa malalayo at liblib na lugar.

May dagdag suporta rin para sa drug rehabilitation program. Magpapatuloy din daw ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Hindi naman pumayag ang Senado sa P8.3-B na inilagay sa budget ng DPWH na inilaan sa ARMM at sa halip ay inilipat ang pera bilang pondo para sa Commission on Higher Education (CHED).

Published in National

By Jojo Sicat

 

Matapos ang ilang buwang pagbusisi, aprubado na sa Bicameral conference committee ang budget para sa 2017 na nagkakahalaga ng P3.35 trillion.

Ikinatuwa ni Senator Loren Legarda, chairman ng Senate Finance Committee ang maayos at mabilis na pagpasa ngayong araw sa budget kung saan inaasahan mamayang hapon ay gagawin na ang ratipikasyon sa budget, at matapos nito ay dadalhin na sa Palasyo ng Malacañang upang malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinagmalaki ni Legarda ang nilalaman ng P3.35 trillion budget, kung saan sinabi ng senadora na ito ay lubos na tututok para sa kapakanan ng taumbayan.

Ipinunto ni Legarda ang mga probisyon sa budget kung saan ang mga magsasaka at bibigyan ng libreng patubig, nakapaloob rin sa budget ang pagkakaloob sa P8 million na mahihirap na kababayan na masakop universal health care, dagdag na budget para sa pagkain ng mga preso, at dagdag na medical personnel sa mga barrio.

Nasunod naman ang bersyon ng senado kung saan nailipat sa mga state universities and colleges (SUCs) ang 8 billion pesos na sana ay nakalaan sa ARMM.

Published in National
Page 1 of 3