JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGBIGAY NA NG GO SIGNAL SI HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE CHAIRMAN AT DAVAO CITY CONGRESSMAN KARLO NOGRALES PARA I-ENDORSO ANG PAGBABALIK NG BUDGET NG 3 AHENSYA NG PAMAHALAAN.

KABILANG ANG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR),  ENERGY REGULATORY COMMISSION AT ANG NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLE (NCIP) NA PAWANG PINAGKALOOBAN LAMANG NG P1,000 BUDGET.

UNA NG HUMINGI NG TULONG SINA CHR CHAIR JOSE LUIS "CHITO" GASCON, ERC COMMISSIONER GERONIMO STA. ANA AT NCIP CHAIR LEONOR ORALDE-QUINTAYO KINA HOUSE MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS AT APPROPRIATIONS CHAIRMAN KARLO NOGRALES PARA MAGSILBING TULAY KAY SPEAKER ALVAREZ.

SA ISINAGAWANG PAGPUPULONG, NANGAKO NAMAN SI GASCON NA ANG CHR AY MAGSASAGAWA NG IMBESTIGASYON SA MGA KASO NG HUMAN RIGHTS VIOLATION NA KINAKASANGKUTAN NG MGA AHENTE NG ESTADO AT MGA GRUPO NA BUMIKTIMA NG MGA PULIS, MILITAR AT SIBILYAN.

NILINAW NAMAN NI SPEAKER ALVAREZ KAY GASCON NA HINDI SILA ANG KALABAN AT HINDI RIN ANG ADMINISTRASYONG DUTERTE. SINABI PA NITO NA KAISA NG CHR ANG PAMAHALAAN PARA LABANAN ANG ANUMANG URI NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO.

PARA NAMAN SA ERC AT NCIP, NAGBIGAY NG KATIYAKAN SI  NOGRALES KINA SPEAKER ALVAREZ AT MAJORITY LEADER FARIÑAS NA GAGAMPANAN NG DALAWANG AHENSYA ANG KANILANG TUNGKULIN PARA LABANAN ANG KURAPSYON AT IPAPATUPAD ANG KANILANG MGA MANDATO.

KAUGNAY NITO'Y MAISASAMA NA ANG BUDGET NG 3 AHENSYA SA FINAL VERSION NG GENERAL APPROPRIATIONS BILL (GAB) PARA SA 3RD READING APPROVAL NG KAMARA SA PLENARYO.

 

Published in National

By: Felix Tambongco

PANIBAGONG alegasyon pa ang ipinalutang ni Magdalo Party List Rep. Gary Alejano nang maghain ito ng supplemental complaint sa impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang supplemental complaint tinukoy ni Alejano ang kawalang-aksyon ni Pangulong Duterte sa panghihimasok ng Tsina sa teritoryo ng Pilipinas, partikular sa Benham Rise.

Ito umano ay malinaw na betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution makaraang mabigo ang pangulo na ipairal ang exclusive sovereign rights at maritime rights ng Pilipinas, gayundin ang territorial claims sa Benham Rise at Panatag Shoal at sa West Philippine Sea.

Ayon pa kay Alejano, sa simula pa lamang ng panunungkulan bilang pangulo ng bansa wala na itong ginawa kundi suyuin ang bansang Tsina upang maiwasan ang sigalot sa isyu ng competing claims sa Spratly Islands at makakuha ng investments at loans kapalit ng pananahimik.

Nauna nang naghain ng impeachment complaint si Alejano laban kay Pangulong Duterte dahil sa betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, bribery, dahil sa madugong kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga at dahil sa vigilante death squad noong alkalde pa si Duterte ng lungsod ng Davao.


Samantala, sinabi naman ni Rep. Karlo Nograles na pampagulo at paninira lang sa gobyerno ang inihaing supplemental complaint sa unang inihaing impeachment ni Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Sa una pa lamang umano ay halatado ng kulang ang sustansya ng reklamo kaya ito naghain ng karagdagang reklamo.

Ayon pa kay Nograles, hindi na niya ikagugulat kung may ihahain pa uling supplement ang kanilang grupo o iba pang personalidad.

Published in National

Tinatayang P23.5 bilyong congressional funds para sa proyekto ng mga mambabatas sa Kamara sa kani-kanilang distrito ang nakapaloob sa P3.35 trilyong 2017 national budget na nakatakdang isumite ni Department of Budget and Management Sec. Benjamin Diokno kay House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ngayong araw.

Itinanggi naman ang liderato ng Kamara na tawagin itong isang uri ng pork barrel na ipinagbawal na matapos ideklara ng Korte Suprema na iligal ang nasabing pondo.

Sa isang panayam kay House appropriation committee chairman Karlo Nograles, kinumpirma nito na kasama sa isusumiteng national budget ang tig-P80 milyon ng mga kongresista sa Kamara na tatawaging congressional allocation.

Sa nasilip namang panukalang budget, wala umanong inilaan para sa drug rehabilitation program ng administrasyong Duterte.

Dahil dito hiniling naman ni Sen. Juan Edgardo Angara sa pamahalaan, lagyan ng pondo ang rehabilitasyon ng drug dependents sa 2017 proposed national budget.

Published in National

Tumabi na ang mga nagnanais na humadlang sa isinusulong na pagbabago ni Pang. Duterte, iyan ang payo ni Davao City Cong. Karlo Nograles sa mga hindi bilib at patuloy na nagdududa sa kakayahan ng bagong administrasyon.

Ayon kay Nograles ang resulta ng survey na nagpapakita ng napakataas na trust ratings ni Duterte ay patunay lamang na buo ang suporta sa kanya ng taong bayan, ibig aniyang sabihin nito bukas ang mga tao sa mga hakbangin ng bagong Presidente at tanggap nila ang paraan ng kanyang pamumuno.

Kaya naman kung naniniwala aniya ang nakararami na mapapabuti ang Pilipinas sa ilalim ng kanyang liderato, dapat sumama na rin ang iba sa direksyon na tinatahak ngayon ng gobyerno.

Ginawa ng kongresista ang pahayag sa harap ng kritisismo sa mga nangyayaring mga patayan kaugnay ng mahigpit na kampanya sa iligal na droga.

Published in National