JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR RICHARD GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUMUSUPORTA SA KANYANG IHAHAING ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI GORDON MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS NG MGA MAJORITY MEMBERS NG SENADO SA TANGGAPAN NI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III.

SA KABILA NA SINABI NI GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUSUPORTA SA KANYANG ETHICS COMPLAINTS, IGINIIT NITO NA HINDI NITO KAILANMAN KINAUSAP ANG MGA SENADOR PARA MAKAKUHA NG BOTO SA KANYANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES.

ANIYA NI GORDON HINDI NABABAGAY SA SENADO ANG KATULAD NI TRILLANES NA WALANG RESPETO SA KAPWA MAMBABATAS.

NAGSAGAWA NG MAJORITY CAUCUS ANG MGA SENADOR KANINANG TANGHALI AT TANGING SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO LAMANG ANG HINDI NAKADALO SA CAUCUS.

DUMALO SA NATURANG CAUCUS ANG LABING ANIM NA SENADOR NA SINA CHIZ ESCUDERO, LOREN LEGARDA, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI, RICHARD GORDON, SP AQUILINO PIMENTEL JR, MANNY PACQUIAO, JOEL VILLANUEVA, GRACE POE, GREGORIO HONASAN, RALPH RECTO, WIN GATCHALIAN, NANCY BINAY , VICENTE TITO SOTTO III, PANFILO LACSON, AT SONNY ANGARA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

KINONDENA NI SENADOR JOEL VILLANUEVA ANG PANIBAGONG PAGKAKAPASLANG NG OTORIDAD SA ISA NAMANG 19 YEAR OLD NA LALAKI NA SI CARL ANGELO ARNAIZ NA INAKUSAHAN NA NAGCARNAP NG ISANG TAXI AT NANGHOLDAP NG DRIVER NOONG AUGUST 18 SA CALOOCAN CITY.

ANIYA HINDI PA NATATAPOS ANG PAGLULUKSA SA PAGKAKAPASLANG KAY KIAN DELOS SANTOS NA NAPATAY NG MGA OTORIDAD HABANG NAGMAMAKAAWA PA ITO MATAPOS NA ISANGKOT SA ILLEGAL DRUGS NA ITINATANGGI NG MGA MAGULANG NITO.

LABIS NA NALULUNGKOT ANG SENADOR DAHIL ISANG BATA NA NAMAN ANIYA NA DAPAT SANA'Y MAY MAGANDANG KINABUKASAN ANG NASIRA DAHIL SA PANG-AABUSO NG MGA PULIS.

KASABAY NITO NANANAWAGAN NAMAN SI VILLANUEVA SA OTORIDAD NA HUWAG ILAGAY SA KANILANG KAMAY ANG BATAS AT HAYAAN NA LAMANG NA KORTE ANG HUMUSGA SA MGA HINIHINALANG LUMABAG SA BATAS.

IGINIIT PA NI VILLANUEVA SA MGA OTORIDAD NA ANG BATAS AY NILIKHA PARA SA TAO AT HINDI PARA ABUSUHIN ANG TAO.

DAGDAG PA NG SENADOR NA ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE AY ITINATAG UPANG PAGSILBIHAN AT PROTEKSYUNAN ANG MAMAMAYAN SUBALIT SA KASALUKUYAN SA HALIP NA PAGKATIWALAAN NG PUBLIKO ANG MGA PULIS MAS LALO PA ITONG KINATATAKUTAN DAHIL SA MGA INSIDENTE NG PANG-AABUSO TULAD NG KAY KIAN AT NGAYON NAMAN AY KAY CARL ANGELO ARNAIZ.

Published in National

BY: JOJO SICAT

NAGPAHAYAG NG SUPORTA SI SENADOR JOEL VILLANUEVA SA NAIPASANG 4-DAY COMPRESSED WORK WEEK SA KAMARA DE REPRESENTANTE.

ITINUTURING NI VILLANUEVA NA POSITIVE DEVELOPMENT ANG PAGKAKALUSOT NG PANUKALANG BATAS SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO.

ANIYA, HINDI LAMANG ITO MAKAKATULONG SA PAGBABAWAS NG DALOY NG TRAPIKO SA MGA PANGUNAHING LANSANGAN KUNDI MAKAPAGBIBIGAY PA NG ORAS SA MGA MANGGAGAWA NA MAKAPILING ANG KANILANG PAMILYA NG MAHABANG ORAS.

NANINIWALA SI VILLANUEVA NA MAKAKATULONG ITO PARA SA KAPAKANAN NG MGA MANGGAGAWA.

ANIYA NG SENADOR, MAY COUNTERPART NA ANG NATURANG PANUKALANG BATAS SA SENADO AT NAKATAKDA NA ITONG TALAKAYIN SA SETYEMBRE 13.

AMINADO NAMAN SI VILLANUEVA NA HINDI ITO MAIA-APPLY SA LAHAT NG KUMPANYA O PABRIKA DAHIL KINAKAILANGAN NG ILANG KUMPANYA ANG 5-DAY WORK WEEK DAHIL NA RIN SA DEMAND NG KANILANG PRODUKTO NA DAPAT MATAPOS SA TAMANG ORAS.

Published in National

By: Jojo Sicat

SA kanyang opening statement kanina sa pagdinig sa senado ukol sa ginawang pag-akupa ng grupong kadamay sa pabahay ng gobyerno sa Pandi Bulucan. Sinabi ni Senador Joseph Victor Ejercito Chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement na nakaka-alarma ang ginawa ng grupo.

Iginiit ni Ejercito na dapat na maging wake up call ito sa pamahalaan dahil sa marami paring mga nakatiwangwang na pabahay ang gobyerno na hindi parin natitirahan.

Sinabi ng senador nais nitong malaman ang tunay na dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay nanatiling nakatiwangwang ang mga pabahay lalo na sa mga pulis at sundalo.

Isa rin sa titingnan ni Ejercito ang mga materyales na ginamit sa pagpapatayo ng pabahay para sa PNP at AFP at ilang pang pabahay para sa mga mahihirap.

Sa pahayag naman ni Senador Joel Villanueva dapat aniya na tingnan mabuti ang naging sanhi ng ginawang pag-okupa ng Kadamay at mabigyan ng solusyon upang hindi na muling maulit ang illegal na pag-okupa sa mga pabahay ng gobyerno sa darating na panahon.

Dumalo nga sa pagdinig ang General Manager ng National Housing Authority (NHA) na si Marcelino Escalada Jr, ang spokesperson ng KADAMAY nasi Gloria Arrellano, ang gobernador ng lalawigan ng Bulacan Gov. Wilhelmino Sy- Alvarado, ang alkalde ng Pandi Bulacan Mayor Celestino Marquez.

Published in National
Monday, 23 January 2017 18:54

WALLY SOMBRERO HINDI DUMATING SA SENADO

By: Jojo Sicat

HINDI DUMATING sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee si dating P/Senior Supt.Wally Sombrero dahil sa karamdaman nito.

Ayon sa abogado ni Sombrero, nasa Singapore ang kanýang kliyente at nagpapagamot.
Ginarantiya pa ng abogado ni Sombrero na dadalo ang kanýang kliyente sa pagdinig sakaling bumalik na ng bansa.

Si Sombrero ang namagitan kay Chinese Gambling Taycoon Jack Lam at kina dating Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Michael Robles at Al Agrosino sa umanoý suhol o pangingikil ng dalawang commissioner na umabot sa P50 milyon na nakunan ng CCTV.

Sinabi ni Gordon na sa susunod na pagdinig na lamang nila iimbitahan muli si Sombero para maisalaysay ang kanýang panig sa Senado.

Nagreklamo ng extertion si Sombrero laban sa dalawang dating Associate Commissioner ng BI at itinanggi naman nila Robles at Argosino ang alegasyon sa halip idiniin ng dalawa na ebidensya ang kanilang pakay laban kay Sombero sa kasong bribery o tangkang panunuhol sa kanila.

Hindi naman ito kinagat ni Senador Joel Villanueva dahil aniya kung hindi pa lumabas ang CCTV hindi pa nila ilalabas ang P50 Milyon pesos na kinuha mula kay Sombrero.

Sinabi pa ni Villanueva na tila pinapalabas pa ni Robles at Argosino sa isinagawang presscon na tila sila ang bida na umanoý ang perang kanilang tinanggap bilang kapalit sa pagpapalaya sa 600 Chinese nationals na inaresto sa Clark Subic na iligal na nagtratrabaho sa bansa.

Published in National
Page 1 of 6