JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

MAGSASAMPA SI SENADOR VICENTE TITO SOTTO III NG REKLAMO O KASONG CYBERLIBEL SA MGA NASA LIKOD NG #SILENTNOMOREPH NA WEBSITE NA NAGPARATANG SA PITONG SENADOR NA HINDI LUMAGDA SA RESOLUSYON NA HINIHIKAYAT ANG GOBYERNO NA IHINTO ANG PAMAMASLANG SA MGA KABATAAN AT MGA MINORS.

SA KANYANG PRIVILEGE SPEECH UMALMA SI SOTTO SA NATURANG WEBSITE O BLOG NA UMANO’Y MAPANIRA AT KASINUNGALINGAN.

ANIYA HINDI DAPAT NA PALAMPASIN ITO NG SENADO NA SINISIRA ANG KREDIBILIDAD NG PITONG SENADOR.

GALIT NA SINABI NI SOTTO NA HINDI DUMAAN SA KAMAY NITO O SA TANGGAPAN NITO ANG NATURANG RESOLUSYON KUNG KAYA’T WALANG KATOTOHANAN ANG MGA LUMABAS SA WEBSITE NA ANG TANGING LAYUNIN AY SIRAIN ANG MGA MIYEMBRO NG SENADO.

PINUNA PA NI SOTTO ANG LUMABAS SA WEBSITE NA ITO AY RAPIST, PLAGIARIST AT BIGOT NA ANIYA’Y HINDI DAPAT PALAMPASIN AT DAPAT ALAMIN KUNG SINO ANG NASA LIKOD NG MAPANIRANG WEBSITE.

LUMABAS SA NATURANG WEBSITE NA HINDI LUMAGDA SINA SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III, SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III, SENADOR RICHARD GORDON, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI AT MANNY PACQUIAO.

INULAN NG BATIKOS ANG PITONG SENADOR MATAPOS LUMABAS ANG NATURANG WEBSITE.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR RICHARD GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUMUSUPORTA SA KANYANG IHAHAING ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI GORDON MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS NG MGA MAJORITY MEMBERS NG SENADO SA TANGGAPAN NI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III.

SA KABILA NA SINABI NI GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUSUPORTA SA KANYANG ETHICS COMPLAINTS, IGINIIT NITO NA HINDI NITO KAILANMAN KINAUSAP ANG MGA SENADOR PARA MAKAKUHA NG BOTO SA KANYANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES.

ANIYA NI GORDON HINDI NABABAGAY SA SENADO ANG KATULAD NI TRILLANES NA WALANG RESPETO SA KAPWA MAMBABATAS.

NAGSAGAWA NG MAJORITY CAUCUS ANG MGA SENADOR KANINANG TANGHALI AT TANGING SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO LAMANG ANG HINDI NAKADALO SA CAUCUS.

DUMALO SA NATURANG CAUCUS ANG LABING ANIM NA SENADOR NA SINA CHIZ ESCUDERO, LOREN LEGARDA, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI, RICHARD GORDON, SP AQUILINO PIMENTEL JR, MANNY PACQUIAO, JOEL VILLANUEVA, GRACE POE, GREGORIO HONASAN, RALPH RECTO, WIN GATCHALIAN, NANCY BINAY , VICENTE TITO SOTTO III, PANFILO LACSON, AT SONNY ANGARA.

Published in National

By: JOJO SICAT

INILABAS na ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon ang listahan ng mga pumirma sa Committee Report No. 18 sa pagdinig sa serye ng pagpaslang sa ilang sangkot sa illegal drugs sa Davao City ng mga miyembro umano ng Davao Death Squad o DDS.

Sa naturang listahan, lumalabas na labingisang senador ang lumagda sa committee report na kinabibilangan nina Sen. Gordon, Senador Panfilo Lacson, Sen. Gregorio Honasan , Sen. Francis Pangilinan, Sen. Loren Legarda, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Nancy Binay, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Alan Peter Cayetano Sen. Franklin Drilon at Sen. Vicente Tito Sotto III.

Umaabot sa labing anim na bilang ng mga miyembro ng Justice committee kabilang na ang ex-officio members.

Ang mga senador na hindi lumagda ay sina Sen. Leila De Lima, Sen. Joseph Victor Ejercito, Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Ralph Recto.

Hindi rin nakalagda si Sen. Grace Poe dahil ito may Official Business sa ibang bansa.

Published in National

BY: JOJO SICAT

 

IPINAMAHAGI na sa mga miyembro ng ethics committee ang kopya ng reklamo ng isang abugado laban kay Senador Leila de Lima.

Bago magsimula ang organizational meeting, sinabi ng Chairman ng Ethics Committee na si Senador Vicente Tito Sotto III na kanila munang pag-aaralan ang ethics complaints laban sa kasamahang senador kung kanila ba itong papatulan o ibabasura.

Naging matipid naman sa pagbibigay ng pahayag ang senador ukol sa kinahaharap na reklamo ni De Lima sa kanyang pinamumunuang komite.

Sa isinagawang organizational meeting ng Ethics Committee, dumalo ang miyembro nito na sina Senator Gregorio Honasan, Panfilo Lacson at Riza Hontiveros.

Kahit naipamahagi na ang kopya ng ethics complaints sa mga miyembro ng komite hindi naman ito open sa publiko o ipamahagi sa media ang kopya nito hanggat hindi napapagdesisyunan ito.

Bukod sa ethics complaints, nahaharap rin sa kontrobersya si De Lima sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs operations ng mga umanoy drug lords sa New Bilibid Prisons ( NBP) sa Muntinlupa City.

Published in National

Maging ang panahon ay nagluluksa rin kasabay sa isinagawang necrological service sa mataas na kapulungan ng Kongreso para kay dating Senate President Ernesto Maceda na pumanaw noong Lunes sa edad na 81.

Umambon at nanatiling makulimlim ang mga ulap nang dumating sa senado ang mga labi ni Maceda, eksaktong alas-4:00 ng hapon.

Sina Senate President Franklin Drilon, senators Juan Ponce Enrile, Serge Osmena, Gringo Honasan at dating senator Wigberto Tanada ang siyang sumalubong sa mga labi ni Maceda at nag-escort papunta sa Session Hall ng Senado.

Dumating rin sa necrological service ang mga nakasama sa ni Maceda sa panunungkulan na sina dating senators "Nene" Pimentel Jr., Victor Ziga, Nikki Coseteng at iba pa.

Sumakabilang buhay si Maceda noong Hunyo 20 dahil sa multiple organ failure matapos na sumailalim sa gall bladder surgery.

Published in National
Page 1 of 2