JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAKIKIPAG-UGNAYAN NA ANG MGA GOBYERNO NG PILIPINAS AT JAPAN PARA SA ISANG DEVELOPMENT ASSISTANCE SA METRO RAIL TRANSIT LINE 3 (MRT-3).

SA DZRJ INSIDER EXCLUSIVE KAPIHAN KANINANG UMAGA, SINABI NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) ASSITANT SECRETARY TJ BATAN NA NAGPAHAYAG NG COMMITMENT ANG PAMAHALAAN NG JAPAN PARA SA ISANG OFFICIAL DEVELOPMENT ASSISTANCE SA PAMAMAGITAN NG JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY PHILIPPINES (JICA) PARA SA REHABILITASYON AT PAGMAMANTINE NG MRT-3.

AYON PA KAY BATAN, DAHIL SA DADAAN ANG NATURANG AYUDA SA JICA AY KAILANGAN ANG KUMPANYANG MAGMAMANTINE NG NATURANG TREN AY SUSUNOD SA MGA PATAKARAN NITO.

SA NGAYON PATULOY PA ANIYA ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG GOBYERNO SA SUMITOMO PARA SA PAGMAMANTINE NG MRT-3 UPANG MATIYAK NA MAKASUSUNOD ITO SA MGA PATAKARAN NG JICA.

TINIYAK NAMAN NI BATAN NA TINUTUTUKAN ITO NI DOTR SECRETARY ARTHUR TUGADE PARA MASIMULAN NA ITO SA LALONG MADALING PANAHON.

 

Published in National

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAGBITIW NA SA PWESTO SI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION O DOTR UNDERSECRETARY CESAR CHAVEZ DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA ABERYA SA METRO RAIL TRANSIT 3 O MRT-3.

SA KANYANG RESIGNATION LETTER, SINABI NI CHAVEZ NA NAGDESISYON SIYA NA MAGBITIW SA PWESTO EFFECTIVE IMMEDIATELY UPANG BIGYAN NG MALAYANG KAMAY SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAGTALAGA NG KANYANG MAGIGING KAPALIT PARA MAKATULONG SA DOTR.

PINASALAMATAN NI CHAVEZ SI PANGULONG DUTERTE SA TIWALANG IBINIGAY SA KANYA AT NANINIWALA SIYA NA WALANG DAPAT NA EXCUSES SA KAPAG PUMALPAK SA TUNGKULIN SA GOBYERNO AT SERBISYO SA BAYAN.

NAUNA RITO, NANINDIGAN SI CHAVEZ NA GUMANDA ANG SERBISYO NG MRT-3 SA ILALIM NG ADMINISTRASYON NI PANGULONG DUTERTE MULA NANG MAG-TAKE OVER SILA SA PWESTO.

 

Published in National
Thursday, 23 November 2017 10:51

POE HINANGAAN AT NIRERESPETO SI USEC. CHAVEZ

BY: JOJO SICAT

NIRERESPETO NI SENADORA GRACE POE CHAIR NG PUBLIC SERVICE COMMITTEE ANG NAGBITIW KANINA SA PWESTO NASI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY FOR RAILS USEC. CESAR CHAVEZ.

ANIYA NI POE NIRERESPETO NITO ANG PAGBIBITIW NI CHAVEZ DAHIL SA SUNOD SUNOD NA NAGING PROBLEMA NG METRO RAIL TRANSIT ( MRT) LINE 3 KUNG SAAN ISANG BABAE ANG NAPUTULAN NG BRASO AT PAGHIHIWALAY NAMAN NG DALAWANG BAGON BUKOD PA SA ARAW ARAW NA ABERYA NITO.

SINABI NI POE NA HINAHANGAAN NITO SI CHAVEZ SA KANYANG SENSE OF DELICADEZA KASABAY NG PANGHIHINAYANG SA GINAWANG PAGBIBITIW NG KALIHIM.

ANIYA NG SENADORA NAKIKITA NITO NASI CHAVEZ ANG ISA SA MGA OPISYAL NG DOTR NA NAKIKITA ANG PROBLEMA NG MRT AT DEDICATED AA KANYANG TRABAHO BILANG USEC FOR RAILS.

SA KABILA NITO UMAASA PARIN SI POE NA MARERESOLBAHAN NG KASALUKUYANG PAMUNUAN NG DOTR ANG PROBLEMA SA MRT 3.

KASABAY NITO UMAASA NAMAN SI POE KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAKAKAKUHA NG MAAYOS NA KAPALIT NA MAIPAGPAPATULOY ANG NAIWANG TRABAHO NI CHAVEZ BILANG USEC FOR RAILS NG DOTR NA MASIGURO ANG KALIGTASAN NG MGA MANANAKAY NG MRT.

 

Published in National

BY: JOJO SICAT

LABIS NA NALUNGKOT AT NABIGLA SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO SA PAGHAHAIN NG IRREVOCABLE RESIGNATION KANINA NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) UNDERSECRETARY FOR RAILS USEC. CESAR CHAVEZ.

AYON KAY EJERCITO ISA SI CHAVEZ SA PASSIONATE OFFICIALS NG DOTR KUNG KAYAT LABIS ITONG NANGHIHINAYANG SA PAGBIBITIW NG KALIHIM.

NANINIWALA ANG SENADOR NA BACK TO ZERO NA NAMAN ANG METRO RAIL TRANSIT AT IBA PANG RAILWAYS OPERATION KUNG SINO ANG BAGONG MATATALAGANG PAPALIT KAY CHAVEZ.

NANGHIHINAYANG SI EJERCITO DAHIL ALAM NA NI CHAVEZ ANG PROBLEMA SA MRT LINE 3 AT ALAM NA ANG MGA DAPAT NA GAWIN.

NANGANGAMBA ANG SENADOR DAHIL SA GINAWANG PAGBIBITIW NI CHAVEZ POSIBLENG MAAAPEKTUHAN NITO ANG OPERASYON NG RAILWAYS SA BANSA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

IGINIIT NI SENADOR WIN GATCHALIAN SA PAMAHALAAN NA IPAUBAYA NA LAMANG SA PRIBADONG SEKTOR ANG PAGHAWAK SA OPERASYON AT MAINTENANCE NG METRO RAIL TRANSIT O MRT.

GINAWA NI GATCHALIAN ANG PAHAYAG KASUNOD NG TULUYANG PAGPUTOL NG DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) SA KONTRATA NG BUSAN RAIL INCORPORATION O BURI BILANG MAINTENANCE PROVIDER NG MRT.

AMINADO SI GATCHALIAN NA WALA SIYANG TIWALA SA KAKAYAHAN NG GOBYERNO PARA HAWAKAN ANG OPERATION AND MAINTENANCE NG MRT.

PALIWANAG NI GATCHALIAN, NAPATUNAYAN NA ANG PAGIGING POOR OPERATIONS MANAGER NG PAMAHALAAN SA PANGANGASIWA NITO SA MGA PALIPARAN AT SA NATIONAL POWER CORPORATION.

GIIT PA NG SENADOR NA DAPAT KAILANGANG MAKAKUHA ANG MRT NG MAAASAHANG MAINTENANCE PROVIDER KATULAD NG SUMITOMO NA ISANG WORLD CLASS AT EXPERIENCE COMPANY.

Published in National
Page 1 of 4