JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

 UMALMA AT GALIT NA GALIT SI SENADORA CYNTHIA VILLAR MATAPOS NA MASAMA ANG KAIBIGANG ALKALDE SA MINDANAO SA NARCOLIST NG DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG).

AYON KAY VILLAR DAPAT HINDI AGAD NIRE-RELEASE ANG MGA PANGALAN NG NASA NARCOLIST HANGGAT HINDI KUMPIRMADO NA SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS.

NAAAWA SI VILLAR DAHIL KILALA NITO ANG PAGKATAO NG NASABING ALKALDE SA MINDANAO NA HINDI NITO PINANGALANAN.

ANIYA IYAK NG IYAK ANG ASAWA NG ALKALDE HABANG NAGSUSUMBONG SA SENADORA.

IGINIIT NI VILLAR NA KAWAWA NAMAN ANG ALKALDE DAHIL POSIBLENG MAY SUMISIRA LAMANG SA PANGALAN NITO KAYA NAISAMA SA NARCOLIST NG DILG.

HANDA ANIYANG IHARAP NI VILLAR ANG KAIBIGANG ALKALDE SA DILG PARA PATUNAYAN NA NAGKAMALI SILA SA PAGSAMA NG PANGALAN SA NARCOLIST.

DAGDAG PA NI VILLAR NA HINDI NITO IPAGTATANGGOL ANG ALKALDE KUNG TALAGANG SANGKOT SA DROGA ANG KAIBIGAN NA ANIYAY MAAYOS SA PANUNUNGKULAN BILANG PUBLIC SERVANT .

Published in National

BY: JOJO SICAT

NANANAWAGAN ANG CHAIR NG SENATE COMMITTEE ON AGRICULTURE AND FOOD NA SI SENADORA CYNTHIA VILLAR SA DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) NA TUTUKAN ANG MGA ABUSADONG NEGOSYANTE NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN KUNG SAAN DUMADAGSA ANG MGA MAMIMILI.

AMINADO SI VILLAR NA TUWING NALALAPIT ANG ARAW NG KAPASKUHAN AY UMAABUSO ANG ILANG MGA NEGOSYANTE NA NAGTATAAS NG PRESYO NG KANILANG MGA PRODUKTO.

HINIKAYAT NI VILLAR ANG DTI NA TUTUKAN ANG PAGMOMONITOR SA MGA PRESYO SA PAMILIHAN AT MAGPALABAS AGAD NG SUGGESTED RETAIL PRICE PARA HINDI MALOKO ANG MGA MAMIMILI NG MGA ABUSADONG NEGOSYANTE.

NAPUPUNA KASI NI VILLAR NA KUMPARA SA MGA NAKARAANG PAMAMAHALA NG DTI MAS TUTOK NGAYON ANG DTI SA SMALL MICRO BUSINESSES.

ANIYA NOON TUTOK ANG DTI SA PRICE CONTROL MONITORING KUMPARA SA NGAYON.

IGINIIT NI VILLAR NA TAMA NAMAN NA TUTOK ANG DTI SA MGA KABABAYAN NA NAIS NA MAGTAYO NG MALILIIT NA NEGOSYO SUBALIT DAPAT ANIYA NA BALANSE NA HINDI PABABAYAAN ANG PAGTUTOK SA PRESYO SA MERKADO LALO NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN.

DAGDAG PA NI VILLAR NA KAPAG NAGPABAYA ANG DTI SA TRABAHO SA PAGMONITOR SA MGA ABUSADONG NEGOSYANTE NA NAGTATAAS NG PRESYO NG KANILANG PRODUKTO HINDI ITO MAGDADALAWANG ISIP NA IPATAWAG ANG MGA OPISYAL NG DTI SA SENADO SA ISANG PAGDINIG.

Published in National
Wednesday, 08 November 2017 16:26

VILLAR TUTUTOK SA OFWS PARA KUMITA SA AGRIKULTURA

BY: JOJO SICAT

NAIS NI SENADORA CYNTHIA VILLAR NA KUMITA ANG MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWS) SA ISASAGAWANG IKA PITONG TAON OFW AND FAMILY SUMMIT SA DARATING NA NOVEMBER 22 SA WORLD TRADE CENTER SA PASAY CITY.

GINAWA NI VILLAR ANG CHAIR NG SENATE COMMITTEE ON AGRICULTURE AND FOOD ANG NATURANG PAHAYAG SA ISINAGAWANG KAPIHAN SA SENADO FORUM.

SINABI NI VILLAR NA ITATAMPOK SA NATURANG OKASYON ANG MGA OFWS NA NAGING MATAGUMPAY NA ENTREPRENEURS SA LARANGAN NG AGRIKULTURA.

ANIYA NI VILLAR ANG NATURANG SUMMIT AY MAY TEMANG KABUHAYAN SA AGRIKULTURA PARA SA PAMILYANG OFWS.

NANINIWALA ANG SENADORA NA MALAKING TULONG ANG NATURANG HAKBANG HINDI LAMANG SA OFWS AT SA PAMILYA NITO KUNDI PARA NARIN SA EKONOMIYA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON MASS MEDIA AND PUBLIC INFORMATION NA PINAMUMUNUAN NI SENADORA GRACE POE INAMIN NG ISA SA RESOURCE PERSON NA DATING TAUHAN NILA SENADOR BAM AQUINO AT FRANCIS KIKO PANGILINAN ANG DALAWANG NASA LIKOD NG #SILENTNOMORE NA SINASABING LAPDOG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PITONG SENADOR NA HINDI LUMAGDA SA SENATE RESOLUTION 516 NA KINUKUNDENA ANG PAMAMASLANG SA MGA KABATAAN AT MENOR DE EDAD.

SA NATURANG PAGDINIG LUMUTANG ANG SINASABI NI SENADORA POE NA BLOGGER NG THINKING PNOY NA SI REY JOSEPH NIETO KUNG SAAN IDINIIN ANG DATING STAFF NILA BAM AT KIKO NA SINA EDWARD ANGELO DAYAO O COCOY DAYAO AT NINA VEROL ZIALCITA NA NASA LIKOD NG #SILENTNOMOREPH NA BINATIKOS ANG PITONG SENADOR NA SINA SENADOR VICENTE TITO SOTTO III, CYNTHIA VILLAR, MANNY PACQUIAO, RICHARD GORDON, SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III, JUAN MIGUEL ZUBIRI, AT GRINGO HONASAN.

BUKOD DITO SINABI NI NIETO NASI DAYAO AY DATING EMPLEYADO RIN NG PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS GROUP NG DATING AQUINO ADMINISTRATION.

IPINALIWANAG NI NIETO NA KAYA NITO NADISKUBRE ANG DALAWA DAHIL INALAM NITO ANG GOOGLE ADDRESS PUBLICATION ID NG #SILENTNOMOREPH .

DOON INALAM NTO ANG PUBLISHER ID KUNG SAAN LUMABAS NA MAGKAPAREHO ITO NG PUBLISHER ID NG PROPINOY.NET NA PAGMAMAY-ARI NI DAYAO VEROL.

BUKOD SA DATING STAFF NI BAM AT PANGILINAN SINA DAYAO AT VEROL SINABI NI NIETO NA TUMULONG DIN ANG DALAWA SA KAMPANYA NG LIBERAL PARTY NG MGA NAKARAANG HALALAN.

HINILING NAMAN NI NIETO NA MAGSALITA NA LAMANG ITO SA EXECUTIVE SESSION DAHIL NATATAKOT ITO NA MAKASUHAN SA MGA MAAARING BANGGITIN NITO SA PAGDINIG.

SUBALIT UMALMA NAMAN DITO SI PANGILINAN AT BAM.

AYON KAY BAM, NABANGGIT NA ANG PANGALAN NILA NI NIETO BAKIT HINDI NA LAMANG ITULOY NITO ANG LAHAT NITONG GUSTONG SABIHIN SA PAGDINIG.

Published in National

BY: JOJO SICAT

INISNAB NG BLOGGER NA SI COCOY DAYAO ANG PAGDINIG NG SENADO UKOL SA LUMABAS SA WEBSITE NA #SILENTNOMOREPH NA PINARATANGANAN NA LAPDOG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PITONG SENADOR NA HINDI LUMAGDA SA SENATE RESOLUTION 516 NA KINUKUNDENA ANG PAMAMASLANG SA KABATAAN AT MENOR DE EDAD.

SI DAYAO ANG LUMALABAS NA NASA LIKOD NG NATURANG WEBSITE O BLOG NA INALMAHAN NG PITONG SENADOR NA KINABIBILANGAN NILA SENADOR VICENTE TITO SOTTO III, CYNTHIA VILLAR, MANNY PACQUIAO, RICHARD GORDON, SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III , JUAN MIGUEL ZUBIRI, AT GRINGO HONASAN.

SA PAGDINIG SINABI NI SENADOR FRANCIS KIKO PANGILINAN NA NA-EMAIL SA MGA SENADOR ANG NATURANG RESOLUSYON KUNG KAYA'T HINDI MAAARI ANIYA NA NAKARATING SA KANILA ANG NATURANG RESOLUSYON.

ITINANGGI NAMAN NI PACQUIAO, AT CYNTHIA VILLAR NA NAKATANGGAP SILA NG EMAIL MULA SA TANGGAPAN NI PANGILINAN.

SINABI RIN NI PACQUIAO NA MAGING SI PIMENTEL AY HINDI RIN NAKATANGGAP NG EMAIL.

NILINAW NAMAN NI PANGILINAN NA HINDI NITO SINABI NA AYAW LUMAGDA ANG PITONG SENADOR.

HINDI NAMAN KINAGAT NI PACQUIAO ANG PALIWANAG NI PANGILINAN NA MAAARI PA NAMAN SILA PUMIRMA SA RESO SUBALIT ANIYA NI PACQUIAO "DAMAGED HAS BEEN DONE".

Published in National
Page 1 of 9