JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENADOR RICHARD GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUMUSUPORTA SA KANYANG IHAHAING ETHICS COMPLAINT LABAN KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI GORDON MATAPOS ANG ISINAGAWANG CAUCUS NG MGA MAJORITY MEMBERS NG SENADO SA TANGGAPAN NI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III.

SA KABILA NA SINABI NI GORDON NA LABING APAT NA SENADOR ANG SUSUPORTA SA KANYANG ETHICS COMPLAINTS, IGINIIT NITO NA HINDI NITO KAILANMAN KINAUSAP ANG MGA SENADOR PARA MAKAKUHA NG BOTO SA KANYANG ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES.

ANIYA NI GORDON HINDI NABABAGAY SA SENADO ANG KATULAD NI TRILLANES NA WALANG RESPETO SA KAPWA MAMBABATAS.

NAGSAGAWA NG MAJORITY CAUCUS ANG MGA SENADOR KANINANG TANGHALI AT TANGING SI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO LAMANG ANG HINDI NAKADALO SA CAUCUS.

DUMALO SA NATURANG CAUCUS ANG LABING ANIM NA SENADOR NA SINA CHIZ ESCUDERO, LOREN LEGARDA, CYNTHIA VILLAR, JUAN MIGUEL ZUBIRI, RICHARD GORDON, SP AQUILINO PIMENTEL JR, MANNY PACQUIAO, JOEL VILLANUEVA, GRACE POE, GREGORIO HONASAN, RALPH RECTO, WIN GATCHALIAN, NANCY BINAY , VICENTE TITO SOTTO III, PANFILO LACSON, AT SONNY ANGARA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

IGINIIT NG CHAIRMAN NG SENATE COMMITTEE ON BANKS, FINANCIAL INSTITUTION AND CURRENCIES NA SI SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO NA KAHIT MAY NAGHAIN NA NG IMPEACHMENT COMPLAINT SA HOUSE LABAN KAY COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA TULOY PARIN ANG PAGDINIG SA SENADO.

MATAPOS ANG PAGDINIG SINABI NI ESCUDERO SA PANAYAM SA SENADO NA KAHIT MAY NAGHAIN PA NG IMPEACHMENT CASE LABAN KAY BAUTISTA HANGGAT HINDI PA ITO NA ENDORSED WALANG DAHILAN UPANG IHINTO ANG PAGDINIG.

SUBALIT SINABI NG SENADOR KUNG SAKALING NA ENDORSED NA ITO SA HOUSE OF THE REPRESENTATIVE AT NAGSIMULA NA ANG PROSESO BABALIKAN NI ESCUDERO ANG MGA MAY AKDA NG RESOLUSYON PARA IRESPETO ANG SISTEMA AT WALANG MAGAGAWA ANG KANYANG KOMITE KUNDI IPATIGIL ANG PAGDINIG KUNG SAAN TATAYONG HURADO ANG MGA SENADOR.

SUBALIT MULING IGINIIT NI ESCUDERO NA KAHIT ANUMANG IMPEACHMENT CASE ANG ISAMPA SA KAMARA HANGGAT HINDI ITO NAI-ENDORSE MANANATILI LAMANG ITONG ISANG PAPEL SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO.

Published in National

BY: JOJO SICAT

SA PANAYAM SA SENADO MATAPOS ANG ISINAGAWANG PAGDINIG NG COMMITTEE ON BANKS NANAWAGAN ANG CHAIRMAN NG KOMITE NA SI SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO KAY COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA NA MAKIISA SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG SENADO.

SINABI NI ESCUDERO NA DAHIL SA IPINATUTUPAD NA BANK SECRECY LAW HINDI BASTA BASTA MABUBUSISI NG SENADO ANG SINASABING 35 BANK ACCOUNTS NI BAUTISTA SA LUZON DEVELOPMENT BANK (LDB).

ANIYA, MAAARI LAMANG ITO MAGING POSIBLE KUNG PIPIRMA NG WAIVER ANG KASALUKUYANG COMELEC CHAIRMAN.

IPINUNTO PA NI ESCUDERO ANG MGA NAKARAANG INTERVIEW KAY BAUTISTA NA SINABI NG OPISYAL NA HANDA ITONG MAKIPAGTULUNGAN SA ANUMANG IMBESTIGASYON.

ANIYA KUNG TOTOO ANG PAHAYAG NI BAUTISTA DAPAT NA MAKIISA ITO SA PAGDINIG SA SENADO.

SA PANIG NAMAN NI SENADORA GRACE POE SINABI NITO NA DAPAT NA DUMALO AT MAKIPAGTULUNGAN SI BAUTISTA PARA MAIPALIWANAG NITO ANG KANYANG PANIG.

ANIYA NI POE KUNG MAKIKIISA SI BAUTISTA POSIBLENG ANG 35 NA ACCOUNTS NITO AY HINDI NA ACTIVE AT MAARING ANG IBA AY CLOSED ACCOUNT NA.

DAGDAG PA NI POE, SA PAKIKIISA SA PAGDINIG NG COMELEC CHAIRMAN AY DITO MALALAMAN KUNG TOTOO BA NA GALING SA LEHITIMONG HANAPBUHAY NG PAMILYA NITO ANG MGA SINASABING DAANG MILYON PISONG BANK ACCOUNTS NITO SA LUZON DEVELOPMENT BANK.

Published in National

BY: JOJO SICAT

PABOR ANG ILANG SENADOR SA PAGREPASO NG IPANATUTUPAD NA BANK SECRECY LAW.

MATAPOS ANG ISINAGAWANG PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON BANKS NA PINAMUMUNUAN NI SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO, SINABI NG SENADOR SA PANAYAM SA MGA MAMAMAHAYAG NA PANAHON NA PARA IREPASO ANG BANK SECRECY LAW.

ANIYA NI ESCUDERO MALAKING HADLANG ANG BANK SECRECY LAW SA KANILANG IMBESTIGASYON TULAD NG UMANOY MGA BANK ACCOUNTS NI COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA NA HINDI BASTA BASTA MAILALANTAD SA PAGDINIG SA SENADO KUNG WALANG WAIVER SI BAUTISTA.

IGINIIT NI ESCUDERO NA TANGING DALAWANG BANSA NA LAMANG SA BUONG MUNDO ANG MAY BANK SECRECY LAW ANG PILIPINAS AT LEBANON.

ANIYA PANAHON NA PARA IREPASO ANG BANK SECRECY LAW PARA HINDI NA MAGAMIT NA HADLANG SA ANUMANG IMBESTIGASYON SA MGA HINININALANG TIWALING OPISYAL NG GOBYERNO.

 

SA PANIG NAMAN NI SENATE MINORITY LEADER FRANKLIN DRILON PABOR NAMAN ITO SA PAGREPASO SA BANK SECRECY LAW SUBALIT DAPAT NA TIYAKIN NA HINDI ITO MAGAGAMIT BILANG POLITICAL HARASSMENT SA MGA KALABAN NG ADMINISTRASYON.

Published in National

BY: JOJO SICAT

PORMAL NANG INIMBITAHAN NG SENADO SI COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA UPANG LINAWIN ANG ILANG MGA BAGAY HINGGIL SA KANIYANG 35 BANK ACCOUNTS SA LUZON DEVELOPMENT BANK.

SA PAMAMAGITAN NG MOSYON NI SEN. GRACE POE, NA INAPRUBAHAN NI COMMITTEE CHAIR SEN. CHIZ ESCUDERO, PAHAHARAPIN SI BAUTISTA SA SUSUNOD NA PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON BANKS, FINANCIAL INSTITUTIONS AND CURRENCIES.

UNA NANG IGINIIT NG LUZON DEVELOPMENT BANK NA DAHIL SA BANK SECRECY LAW, KAILANGAN MUNANG MAG ISSUE NG WAIVER NI BAUTISTA DAHIL HINDI NILA MAAARING ISAPUBLIKO ANG DETALYE NG MGA TRANSAKSYON NG COMELEC CHAIR SA KANILANG BANGKO.

NILINAW NAMAN NG LDB NA HINDI NA KAKAILANGANIN PA NG WAIVER MULA NAMAN KAY PATRICIA PAZ PARA TALAKAYIN ANG DEPOSITO DAHIL SAPAT NA ANG WAIVER AT PAHINTULOT MULA SA ISA SA MAY ARI NG JOINT ACCOUNTS.

GIIT PA NI POE, MAHALAGA ANG PAGDALO NI BAUTISTA UPANG BIGYANG LINAW ANG MGA ALEGASYON NG KANIYANG MISIS NA UMANO'Y ILL-GOTTEN WEALTH NITO.

GAYUNDIN, PARA MASAGOT ANG MGA AGAM AGAM NA MAY IREGULARIDAD SA KANIYANG MGA TRANSAKSYON SA NATURANG BANGKO NA LABAG SA ANTI-MONEY LAUNDERING LAW.

Published in National
Page 1 of 6